Prologue

188 23 7
                                    

Ahman

Sabay sabay na nag-hihiyawan ang mga estudyante na nagkalat sa harapan namin. May dala-dala rin silang banner kung saan nakalagay ang mga mukha namin at ang pangalan ng aming banda -- ang bandang Paraluman.

"Go Paraluman!" Sigaw ng isa sa mga manonood.

Kasalukuyang ginaganap ang year-end party ng aming paaralan. Malapit na kasing magtapos ang school year kung saan napakaraming estudyante ang nag-uwi ng parangal mula sa iba't ibang larangan. At bilang pag-kilala rito ng buong paaralan, nag-lungsad sila ng isang pag-titipon at isa ang banda namin sa naimbitahan para mag-tanghal.

Hindi naman kami professional band, wala rin kaming maipagmamalaking parangal o patimapalak na aming ipinanalo. Ang tanging meron lang kami ay samahan na nabuo dahil sa hilig namin pare-pareho sa music. Isa pang meron kami, ako raw, hindi naman ako naniniwala sa mga kasama ko, alam kong inuuto lang nila ako dahil ako ang bokalista sila.

"Please sing our favorite song!!" Sigaw ng ilang kababaihan.

Syempre hindi naman sila nag-tititili at nag-kakagulo dahil sa akin, ano. Hindi naman ako hottie katulad ng mga kasama ko. Ika nga, ako ang muse nila. Ako lang kasi ang nag-iisang babae at binabae sa grupo namin. Pero regardless of that, hindi nila ako trinato na iba. In fact, grabeng suporta ang natatanggap ko sa kanila kaya siguro napamahal na rin sila sa akin.

Nag-simula nang humampas ng kaniyang drumsticks si Juan. Sinundan ito ng pag-tipa ni Tuy sa kaniyang electric guitar. Sumuod na rin sina Trey at Four gamit ang kani-kanilang mga instrumento. At nang tama na ang ritmo, maging ang tiyempo..

"Kamukha mo si Paraluman" Pag-pasok ko.

It gave us this nostalgic feeling like when you try to watch an Eraserheads concert back in the nineties. Ito talaga ang isa sa mga most requested songs mula sa amin. Dahil din dito kaya binansagan akong Paraluman hanggang sa naging pangalan na rin ito ng aming banda.

Bata pa lang ako, madalas na akong mapagkamalan na babae. Lalo na noong simulan kong mag-ayos at mag-bihis ng mga damit na nabibigyang diin ang mukha at katawan ko. Sinabi pa nga nila na baka raw lumaki akong bakla dahil sa mga papuri na madalas kong matanggap noon. Hindi naman sila nag-kamali dahil lumaki nga akong bakla, ngunit hindi dahil sa kanila, kung hindi dahil ito talaga ako.

"Sa panaginipi nalang pala kita maisasayaw" Lumapit sa akin si Trey at hinawakan ako sa aking bewang at dahan dahang isinayaw.

Dahil sa ginawa niya ay lalong nag-hiyawan ang mga tao. Kahit na madalas na namin itong gawin sa tuwing kakantahin namin ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mailang. Malakas kasi ang dating ni Trey. Isang maling signal niya lang, malamang madaling aasa sa kaniya ang sinumang paasahin niya. Kilala pa naman siyang babaero. Mabuti nalang hindi ako babae.

"Kung alam niyo ang lyrics ng kanta, huwag kayong mahiyang sumabay." Sigaw ko sa mga tao.

Hindi naman nila kami binigo dahil sinabayan nila kami sa pagkanta. Naalala ko pa noon, hindi pa ako ganito ka-confident when it comes to public gatherings especially kapag gagamitin ang talent ko o kapag ako ang center of attraction. Pero dahil nasa kolehiyo na ako, naovercome ko 'yong fear kong 'yon.

"Maraming salamat po!" Wika namin ng mga kabanda namin bago kami bumaba ng stage. May closing remarks pa kaya hindi agad nagsialisan ang mga manonood. Lagpas alas syete na rin pero since halos lahat naman ng natirang estudyante ay nasa legal age na, hindi na problema ang pag-uwi nang medyo late.

When I am out of stage and when I am done performing, bumabalik na ako sa estudyanteng tahimik, snob, at madalas mabansagang masama ang ugali. Wala naman akong magagawa, hindi naman ako artista o beauty queen para bente kwatro oras ngumiti at kumaway sa kanila.

PARALUMAN (ON-GOING) (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon