Chapter 1

98 14 5
                                    

Ahman

Nang sandaling imulat ko ang aking mga mata ay tatlong puting sulok ang aking nakita. Hindi na ako nag-abalang alamin kung nasaan ako, kaagad akong sumigaw at umiyak para humingi ng tulong.

"Tulong po, tulong po, ayaw ko pang mamatay." Nang makita ko ang isang babae na nakasuot ng puting uniporme ay kaagad ko siyang tinawag.

Lumapit naman ito sa akin at pinakalma ako. Nurse pala siya at nasa hospital ako. Ngunit kahit na gano'n, hindi ko pa rin makuhang kumalma. Pakiramdam ko ay bumabalik na naman ang paninikip ng aking dibdib. Nahihirapan na naman akong huminga.

"Tulungan niyo po ako, para po akong inaatake as puso." Pag-mamakaawa ko sa nurse.

Wala itong ibang ginawa kung hindi ang tapikin ako sa aking likod upang pakalmahin ako.

"Kumalma ka muna, lalo ka lang mahihirapan kapag hinayaan mong kainin ka ng nerbyos." Wika nito.

Kahit anong sabihin niya na pang-pakalma ay wala itong talab sa akin. Pakiramdam ko ay lalo lang lumalala ang nararamdaman ko, lalo na ang kaba at takot. Ayokong mamatay na mag-isa. Gusto ko sanang hanapin si Mommy at Daddy kaya lang alam ko namang wala sila rito. Alam ko namang hindi sila pwedeng mapunta rito.

I was just four years old when they broke up. Bata pa sila nang mag-simula silang bumuo ng pamilya. At dahil din doon, hindi nila nagawang protektahan ang binuo nilang pamilya kaya kaagad din itong nasira. Napunta ako sa puder ni Mommy. Kala Lola kami tumira. Pero nang mag-five years old ako ay nag-asawa siyang muli. Mayaman at walang anak ang napangasawa niya. Gusto nito ng bago at sarilig pamilya kaya napilitan silang ibigay ako kay Daddy para ito ang mag-alaga sa akin.

But when I turned seven, si Daddy naman ang nag-asawang muli. At kagaya ni Mommy, nakahanap din siya ng mayaman at walang anak na babae. Gusto rin nito ng sariling pamilya kaya napilitan siyang ibalik ako sa puder ni Lola. Since parehas naman ng asawa nila ay ayaw sa akin, wala akong choice kung hindi ang tumira sa Lola ko.

It was not difficult at all, in fact, pabor nga ito sa akin dahil napunta sa akin lahat ng atensyon at pag-mamahal nina Lola at Lolo. Pinuno nila ang puso ko ng pag-mamahal na hindi ko nakuha sa aking mga magulang.

But when I was in college, I needed to rent a boarding house para na rin mag-simulang bumukod. In that way, masasanay ko ang sarili ko na walang sinumang kinakapitan. Kahit may sakit ako, sinasarili ko. Kahit na madalas akong mapag-initan dahil sa hitsura ko at sa talento ko, sinasarili ko. I don't want anyone to know how I suffered when I was alone.

Gusto ko sa akin lang. Kahit nga muntik na akong magahasa ng isa sa mga kasamahan namin dito sa compound, sinarili ko rin. And yes, even rape knows no gender. It happens because it's real.

Pero iba ngayon, I've never been this afraid. Akala ko ay katapusan ko na. Akala ko ay kukunin na ng Diyos ang buhay na ipinahiram niya. Gusto kong narito ang pamilya ko, sina Lola at Lolo. Sina Mommy at Daddy. Kaya lang pare-pareho naman silang hindi pwede.

"Ahman, kumusta ka?" Si Aling bebang.

Siya 'yong matanda na kapit-bahay ko. Hindi na ako mag-tataka kung malalaman kong siya rin ang nagdala sa akin dito sa ospital. Mabait kasi talaga 'yan, isa pa, gustong gusto niya ako dahil kamukha ko raw 'yong namayapa niyang anak na babae, sumalangit nawa.

"Nahihirapan po ako." daing ko rito.

Medyo naibsan ang kaba ko, pero sa tuwing naaalala ko kung anong nangyari kagabi, bumabalik ang takot ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Tahan na, huwag ka na kasing umiyak. Lalo ka lang mahihirapan. Huwag ka nang mag-alala, tinawagan ko na 'yong kapatid mo, pupunta na sila rito." wika nito.

PARALUMAN (ON-GOING) (BXB)Where stories live. Discover now