Chapter 2

35 6 3
                                    

Ahman

"Kaya mo na ba, apo?" Inalalayan ako ni Lola na makaupo.

Magdadalawang araw na rin mula nang makalabas ako ng ospital. Hindi ko na ginusto pang magtagal doon dahil pakiramdam ko'y hindi naman ito nakakatulong sa akin.

"Sigurado ka ba?" muling tanong nito nang tapunan ko siya ng isang ngiti.

Ayaw kong mag-alala pa nang husto si Lola. Masyado na siyang matanda para mag-paasikaso pa ako.

Dahil sa mga sinabi ng mga magulang ko noong nasa ospital pa ako, mas lalo kong ginusto na maging independent.

Alam ko namang nariyan parati sila Lola, pero hindi nila ako obligasyon, dapat sana ay nag-rerelax na sila sa buhay pero heto't binibigyan ko pa sila ng problema.

I can't help but overthink. Sabi ng doctor, iwas daw dapat ako sa stress kasi isa 'yon sa pwedeng mag-trigger sa sakit ko.

Pero hindi ko naman kayang hindi mag-isip. Napansin ko na mas naging anxious ako lately. Grabe rin ang mood swings ko. Lahat daw ito ay parte ng sakit ko.

"Apo may bisita ka." Hindi pa ako nakakasagot ay nakita ko na kung sinong bisita ang tinutukoy ni Lola.

Si Trey. Sa ospital pa ang huli naming pag-kikita at pag-uusap. Wala rin kasi akong lakas na mag-cellphone. Hindi ko tuloy mareplyan ang mga schoolmate namin na nangangamusta.

"Kumusta?" tanong niya nang sandaling iwan kami ni Lola.

Tinapunan ko lamang siya ng patay na titig. Ibinaling ko sa kabilang direksyon ang aking atensyon dahil hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa kaniyang tanong.

Kumusta na nga ba ako? Okay lang ba ako? Okay na ba ako?

The hardest part about being not okay is assessing your own feelings. Dahil sa dami ng nararamdaman mo, hindi mo na alam kung okay ka lang ba o okay ka pa ba. Ang ending, the problem will not be addressed.

"Uy." Tinapik niya ako sa balikat. Kasalukuyan kaming nakaupo sa sala set ni Lola.

Muli, tinignan ko siya sa mukha bago ko ibinuka ang aking bibig.

"Okay lang ako. Dapat hindi ka na nag-punta rito." Bakas ang lamig sa tono ng aking pananalita.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang siyang tumawa dahil sa naging tugon ko.

"Nang-aasar ka ba?" Pikon kong tanong.

"Ikaw naman kasi, hindi sa'yo bagay maging malungkot, 'di ba strong and independent woman ang status mo?" Bagamat nakangiti, alam kong pansin niya ang awkwardness sa pagitan namin dahil sa naging reaksyon ko sa biro niya.

"Pwede ba, sa lahat ng tao sa buhay ko, ikaw lang ang naisip kong makakaintindi sa akin tapos ganiyan ka pa, iniinvalidate mo rin ang feelings ko. Bawal na ba akong malungkot? Bawal na ba akong maging dependent? Buong buhay ko pinilit kong maging matatag kahit mag-isa. Ngayon lang ako nangailangan. Anak rin po ako. Anak na nangangailangan ng magulang." Galit kong sigaw sa kaniya.

Pansin ang labis na pagkagulat sa mukha niya. Nasapo ko ang mukha ko dahil sa nasabi ko. Mukhang nag-patong patong na ang lahat at sa kaniya ko ito naibuga.

"Man, s-sorry..." Pag-hingi niya ng dispensa.

Sasagot pa lang sana ako nang biglang pumasok si Lola at nag-salita.

"Anong nangyayari rito? Bakit may naririnig akong sumisigaw?" sunod-sunod niyang tanong.

Bakas ang pag-aalala sa tono ng pananalita niya. Mas pinili ko na lamang hindi tumugon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PARALUMAN (ON-GOING) (BXB)Where stories live. Discover now