CHAPTER 10

3 0 0
                                    

Michael's POV

"Mga tol, naaawa ako kay Von kasi pansin ko kanina pa niya gustong lumapit at kausapin tayo kaya lang iwas tayo sa kanya" sabi ko sa dalawa kong tropa

"Pabayaan mo siya upang magmatured ang utak niya, ano nalang ang mangyayari sa kaniya pag palagi natin siyang pinagtatanggol"- Daniel

"Sabagay! Pero Gerald kumusta yung babaeng sinugod nyo kahapon? Aborido ka kasi kahapon nung nakita mo yung babae! Type mo no?" sabay tawa ko

"Gago! Kahit sino naman siguro tutulungan yung babaeng yun especially kaibigan natin ang may gawa. Ewan ko sa totoo lang di ko alam kung paano ko kakausapin si Von ngayon kasi until now sa totoo lang naiinis pa rin ako sa kaniya, masyado siyang isip bata. Wala namang ginagawang mali sa kaniya si Claud pero kung umasta siya para siyang nanakawan ng candy. Hay, basta kainis" wika ni Gerald

"Sinong Claud" usisa ko

"Si amasona" sagot niya

"Oh ang ganda pala ng pangalan tapos tinawag siya ni Von na amasona, pero sa palagay ko dude pag nag-ayos yun ang ganda niya. Ang tangkad kaya niya plus ang puti pa niya, yun nga lang hindi lang talaga siya marunog magbihis para silang basahan tuloy nung kasama niya"

"Piling ko nga tol nagpapanggap lang yung mga yun na mahirap biruin moa ng tuition ng school natin ay umaabot ng 50, 000 kung mahirap sila eh paano pa sila mag-aaral dito. Sabagay may mga scholarship dito sa school natin na inoofer kaya may mga mahirap ding nakakapag-aral dito kahit na papano." Nagtatakang sabi ni Gerald

"Oo nga tol. Pero pasasaan bat malalaman din natin ang status niya sa buhay di ba nga every sports competition ay ipinapakilala lahat ng mga parenst ng mga bagong estudyante dito kaya wag muna nating isipin ang mga bagay na yan ang mahalaga ngayon ay magabayan natin si Von upang di na maulit ang nangyari sa kaniya dati."

"Pero ikaw Daniel, bakit ang sama palagi ng tingin mo kay Von sa tuwing binubully niya si amasona"tingnan niya rin ako ng masama "este Claud?" tanong ko kay Daniel

"Wala lang" sagot niya sa akin. Ang ganda talagang sumagot nito.

"Sus pakunwari ka pa, type mo no?"

"Ewan ko sayo" sabay tayo niya papunta na siguro sa next class niya. Kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Claudette's POV

Napili akong maging class president ng school kaya kahit na ayawan ko ay wala na akong magagawa kasi isa sa mga chairman ng school ng nagsabi. Ang pinagtatakahan ko lang ay bakit pa kami pinasunod ng chairman sa kaniyang opisina. Habang naglalakad ako ay nakita kong nakasunod lang sa akin tong anak araw na to. Sobra pa rin ang inis ko sa kaniya kaya kahit anong gawin niya ay hindi niya mababago ang ginawa niya sa kaibigan kong muntik ng mamatay.

"Bes wait lang may sasabihin ako" tumatakbo papunta si Brint sa akin kaya tumigil ako na sakto namang magkatapat na kami ni anak araw kaya ngumisi lang ako at agad naman niya akong inirapan tapos ay diretso na siyang naglakad papunta sa opisina ni chairman Guzman.

"Oh ano yun?"

"Hinahanap daw tayo ni Myla kanina dahil nagising na siya? Buti na lang bes, akala ko naman makakalimutan niya tayo dahil nauntog siya. Paano na ang beauty ko masasayang lang dahil pipilitin kong maalala niya ako. Paano kung....." hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil binatukan ko nga ang dami kasing alam.

"Aray bes, bakit mo ginawa yun? Hindi na tayo bati!"

"Di hindi!" sagot ko pero sobra yung ngiti niya sa labi para talaga tong baliw

"Ay sus as if naman na kaya mo akong dedmahin, hahahaha, kilala kita claud. Wait, bat an gaga moa tang umalis kanina? Pagkagising ko kasi ay wala kana sa kwarto mo at nung tinanong ko si nanay linda sabi niya ay maaga ka daw umalis.

HIS LOVE STORYWhere stories live. Discover now