CHAPTER 9

41 0 0
                                    

Von's POV

Pagkagising ko ng maaga ay dumiretso na agad ako sa mesa upang makakain na ng almusal.

"Oh Von an gaga moa tang gumising ah?" tanong ni manang Belen, ang yaya ko mula noong bata palang ako hanggang ngayon.

"Kailangan po eh kasi may gagawin pa ako" sabi ko pero ang totoo ay hindi talaga ako makatulog nang maayos dahil nga sa pwedeng mangyari sa araw na ito. Kinakabahan kasi talaga ako sa pwedeng mangyari at ayaw ko na talagang maulit kasi iyong nagyari noon kaya kahit ano nalang gagawin ko basta wag lang makarating sa lolo ko ang nangyayari noon.

"Naku, iho tandaan mo ah wag na wag kanang gagawa nang kahit na anong kalokohan naiintindihan mo? Nag-aalala na naman ako sayo eh!" nag-aalalang sabi sakin ni nanay Belen

"Opo nay! Kayo po talaga, wag nyo nang isipin at ang mahalaga sa ngayon ay mmayos na ang lahat"

"Siguraduhin mo iho ah. Alam mo namang ikaw na ang parang anak ko dahil hindi na ako nagkaroon ng asawa dahil sa kahirapan ng buhay kaya pamilya na rin ang turing ko sa inyo."

"Ito naman si nanay" sabay yakap ko "Don't worry nanay kasi kahit anong mangyari ay hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit yung noon" hinalikan ko siya sa noo "O sige na nay kailangan ko nang magbihis at susunduin ko pa si Kristal para sabay na kaming pumasok" sabi ko.

"O sige iho at ikumustahan mo nalang ako sa nobya mo!"

"Sige po nay" Pagkatapos nun ay umakyat na ako at nagbihis. Mabilis ko din namang narrating ang bahay nina Kristal kaya lang ang sabi ng mommy niya ay may sumundo daw sa kaniya ng maaga. Kaya nagtaka ako kung sino ang nagsundo pero ang sabi naman ng nanay niya ay isa sa mga kaibigan niya kaya wala akong dapat ipag-alala. Pagkarating ko sa school ay agad agad akong pumunta sa classroom nila pero hindi muna ako ako nagpakita dahil narinig ko sila nung kaibigan niya na nag-uusap.

"Mahal na mahal mo talaga ang boyfriend mo Kristal no?" tanong ng kaniyang kaibigan

"Oo naman bes, para kasi sa akin perpekto na siya kasi palagi siyang nandiyan sa tuwing kailangan ko siya" sagot ng babe ko

"Ay ang sweet nyo naman. Sana makahanap rin ako ng katulad niya."

"Oo naman bes. Darating din ang perfect time, don't worry!"

"Pero bes paano si....." hindi na niya natuloy ang sasabihin sana niya ng agad akong pumasok sa kwarto niya na agad namang ikinagulat nung dalawa. Actually, pati ako nagulat sa kung ano yung tinutukoy niyang si kaya nagkibit balikat nalang ako kasi alam kong ako ang tintukoy ni Kristal na boyfriend niya.

"Oh babe, ang aga mo atang dumating dito ah?"

"Ahehe" utal utal niyang sinasabi kaya nagulat din ako dahil hindi naman siya ganto dati "oo eh, maaga akong sinundo ni Freya yung isa sa mga bestfriends ko dahil may dinaanan kami bago kami dumiretso dito"

"Ganun ba babe, hindi mo man lang ako tinext para hindi na ako nag-abalang pumunta sa bahay nyo" nakasimangot kong sabi "Ikaw talaga" matawa tawa kong sabi pero sa totoo lang ay naguguluhan na talaga ako sa ugali niya simula nung bumalik ako sa pinas ay ganto na siya sakin, siguro nga nasanay na siya ng isang taon na di kami nagkita o nagka-usap kaya gagawin ko ang lahat bumalik lang kami sa dati. "O sige alis na ako. I love you" sabi ko sabay halik sa kaniyang pisngi na agad namang ikinagulat ko dahil hindi man lang siya gumanti ng halik na dati naman niyang ginagawa. Ang dami ko mang iniisip ay hindi ko nalang yung pinansin dahil mas marami pa ang dapat kong isipin bukod sa paghihinala ko. Dumiretso na agad ako sa upuan ko at inilabas ang cellphone ko para tignan ang mga pictures namin ni Kristal noon, sobrang saya namin as in pero sa di inaasahang pagkakataon ay itinapon nga ako sa Amerika dahil sa sarili ko ring gawa. Maya maya ay dumating na rin ang sinigawan ko noon na si Mayin, nakita ko siyang nakatitig sa akin kaya inirapan ko siya at tumingin ulit sa phone ko. Nagsidatingan na rin ang mga classmates ko pati na ang tatlo kong tropa.

HIS LOVE STORYWhere stories live. Discover now