CHAPTER 12

10 0 0
                                    

Chapter 12

Vincent's POV

Akala ko talaga ay nakaalis na kanina si Claud kaya naman nasabi ko ang mga sinabi ko kanina. Nung nakalabas na kami ay tahimik kami hanggang sa binatukan niya ako

"Aray! Ano ba? Bat mo nagawa yun? Bat mo ako binatukan?" inis kong tanong sa kaniya.

"Narinig ko ang sinabi mo kanina Vincent! Wag ako! May pasabi sabi kapang magiging tayo in the future! Gago ka talaga!" masamang tingin niya sa akin

"Ano ka ba? Joke lang yun!" natatawa ko namang sagot sa kanya.

"Anong joke? Rinig nang lahat yung sinabi mo kanina! Gago kaba?"

"Eh ano naman? Gwapo naman ako saka maganda ka dati" sabi ko sabay tawa.

"Gago ka talaga Vincent! At anong dati? Ang kapal mo maganda pa rin ako no?"

"Oo nung hindi ka pa ganyan sa itsura mo ngayon, uniwan ka lang....... sabi ko nga wala" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sinamaan niya ako nang tingin.

"Pupunta kami ni Brint mamaya sa hospital upang bisitahin si My. Gusto mong sumabay?" tanong sakin ni Claud

"Sige ba. What time?"

"Mamaya pagkatapos ng uwian, diresto na tayo dun."

"Sige. Sige. Ipagpapaliban ko muna yung praktis namin mamaya ng basketball para makasabay ako sa inyo." Kampanteng sabi ko

"Pwede namang sumunod ka na lang. May kotse si Brint yun nalang ang gagamitin namin. Alam mo naman bisekleta lang ang gamit ko ngayon."

"Ano k aba the? Minsan lang to!" natatawa akong sinabi yun dahil nagmukha talaga sigurong bading ako. At dahil dun ay nasilayan kong muli ang ngiti niya na matagal niya nang tinatago.

"Baliw ka Vincent. Hindi bagay sayo. Sa tangkad mong yan at sa itsura mong yan,

saying ka dre"

"So, nasasayangan ka? Di patulan mo ako" ngunit sa halip na sagutin niya ako ay binatukan ulit niya ako saka sya umupo sa isang upuan sa may malapit sa hallway.

"Ikaw namumuro kana sa kababatok sakin ah. Baka gusto mong batukan din kita" pasinghal kong sabi sa kaniya

"Subukan mo kung kaya mo" nakangisi niyang sabi

"Ay wag nalang pala, kiss nalang" sabi ko sabay takbo dahil malamang sa malamang hahabulin ako niyan. Actually, hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya at alam namin yun sa isa't-isa pero dahil nga sanggang dikit kaming apat nina Brint, My, at siya ay wala lang itong biruan namin. Akala ko talaga ay hahabulin niya ako tulad ng dati pero nagkamali ako dahil ibang Claud nap ala ang kaharap ko ngayon kaya nilapitan ko nalang siya at inirapan namn niya ako.

"Sorry na! Pinapatawa lang namn kita dahil sa nangyari kanina eh. Pasensya na, alam mo namang ayaw ng isa sa ating grupo ang malungkot ang bawat isa kaya ginagawa ko lang to para mapatawa lang kita at naging effective naman." Wika ko

"Ok lang! Ano kaba Vince! Iniisip ko lang kung bakit ganito ang nangyayari ngayon. I mean di ba ng pinaka ayaw ko sa lahat ay ang lapitan ako nang gulo. Pero bakit ganito? Ano nalang ang mangyayari ulit? Ayaw ko nang maulit yung dati eh!" malungkot niyang sabi sakin

"Alam mo Claud, talagang mahirap iwasan ang mga bagay bagay pero at the end of the day dahil sa mga bagay bagay nay un ay natututo tayong maging mas matatag. Don't worry we're always here beside you. And please bumalik ka na sa dating ikaw. Miss na namin yun."

Claudettte's POV

"Alam mo Claud, talagang mahirap iwasan ang mga bagay bagay pero at the end of the day dahil sa mga bagay bagay nay un ay natututo tayong maging mas matatag. Don't worry we're always here beside you. And please bumalik ka na sa dating ikaw. Miss na namin yun." Seryosong sabi ni Vincent sa akin habang nagkatinginan kami ng diresto sa isa't isa.

"Mahirap ibalik ang mga bagay na yun, Vincent!" malungkot kong usal "Hanggat hindi nasasagot lahat nang tanong ko, hinding hindi ako babalik sa dati. Mahirap ibalik ang mga bagay na sa tuwing nakikita ko ay bumabalik lahat ng sakit. So, please hintayin nyong kusa akong bumalik sa dati sa tamang panahon" diresto ko ring saad sa kanya

"Nakakalungkot lang kasi matapos na nangyari lahat nang nagyari noon ay nagbago ka na rin. Mahal ka namin Claud, kaya naiinis kami sa tuwing nakikita ka namin na ganyan dahil lang sa mga nangyari noon. Kung maibabalik lang namin ang dati ay gagawin namin"

"Alam ko namang mahal nyo ako kaya lang siguro hindi pa ako handing bumalik sa dati. Siguro kung nasagot na lahat nang tanong ko at naging malinaw na lahat ay babalik din akong kusa."

"Sana nga masagot na lahat nang tanong mo Claud para maging okay na lahat"

"Don't worry, okay lang ako. Basta nandyan lang kayo sa tabi ko okay na ang lahat, huwag lang may mangyaring masama sa inyo. Kilala mo ako Vince, di bale ng ako wag lang kayo"

"Thanks Claud! Pero kaya na namin ang sarili namin. Matagal mo na kaming pinoprotektahan, so I think ngayon naman ay kami ang kelangang pumrotekta sayo"

"Basta ipangako niyo na wag na wag na kayong lalapit sa gulo dahil kapag nalaman kong sangkot kayo sa gulo ay ako mismo ay papatay sa inyo"

"Nakakatakot ka talaga Claud"

"Dapat ka lang matakot, especially alam ko ang records mo sa school"

"Wag kang mag-alala, di ko na gagawin yun sa takot ko lang sa inyo ni My. Bakit ba kasi dito pa kayo lumipat? Kainis!" nakasimangot niyang sabi

"Narinig ko yun Vince" sabi ko sabay batok sa kanya "wag na wag mo akong ginaganyan Vince baka iba ang abutin mo" galit kong sinhal sa kanya

"Biro lang naman eh. Actually, gustong gusto kong nadito kayo dahil buo na ang tropa natin. Biruin mo kompleto na tayo, may bading, may tomboy, may lalaki, at may babae" sabi niya sabay tawa.


__

More chapters to be added dito kasi isa 'to sa mga gustong-gusto kong tapusin ang story.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HIS LOVE STORYWhere stories live. Discover now