Chapter 18

5.8K 254 4
                                    


Chapter 18

Pumasok kami ni Hunt sa loob at nag deretso sa mga mesa. Lahat ng mga pahingaan dito, ang hall nila, ang lahat ay mga nippa hut. Wala kang makikitang building na gawa sa bakal or concrete.  

"Mabuti naman at dumating kana Mich, kanina pa kami nag hihintay, sayang ang 1 hour na paghihintay"  sabi ni Quinn. Inirapan ko siya, ipapakilala ko na sana si Hunt ng pagkaharap ko wala siya.

"Nasan nanaman siya?". Bulong ko, talagang ang batang yun, laging nag lalaho.

"Si Selia nalang ang mag hahatid sa mga room niyo. Siya ang nag book kaya alam niya ang lahat.". Alam ko na ang room ko, Room 10, dederetso nalang din ako doon, nawalan na ako ng gana, wala nanaman kasi si Hunt.   

Sinamahan ako ng isa sa mga staff dito, habang nag lalakad kami nadaanan namin ang room nila Dia,  Dia and Yen, magkasama sa room 1. Pinipilit pa kanina  ni Dia na magkaroom sila ni Hunt, pero hindi ako pumayag, alam ko ang ugali ni Dia, baka hindi maenjoy ni Hunt ang stay namin dito.

Zan and Quinn ay magkasama sa room 2. Halos magkatabi lang ang hut nila kina Dia. 

Ang Room 3 medyo malaki, may double bed na sampo at may 19 na girls sa loob, they are all my girls..

Ang room 4 ganun din kalaki sa Room 3,  nandoon ang mga male adopted ko. They are all 15 boys. Mas marami ang girls ko kesa sa boys..

Room 5, maliit lang, kasya ang dalawang tao, if Im not mistaken, si Jerry and raven ang nandito, Room 6 ay sila Juhan and anton, room 7 ay kina Xavier and Sam. Napangiti ako.buo kami ngayon, sana 3 days nalang ang stay namin dito, pero hindi pwede.

Maraming trabaho.. 

Room 8, kay Dem, Darwin at Ban ang room na to, they are friends, kaya walang problema doon. Si Mother Piya ay ang pinaka head ng mga katulong sa bahay, kasama ko siya simula pagkabata ko, siya ang nag aalaga at nagbabantay sa lahat ng babies ko. Nasa room 4 siya, while Selia ay nasa Room 3.  

Ang mga bodyguard na nasa paligid ay nakaduty ng 24 hours. Ang stay namin dito ang trabaho nila, they have to protect us. 

Room 9. Napangiti ako, mabuti nalang at magkalapit ang hut namin ni Hunt, nasa bandang huli kami while the other rooms ay medyo malayo.
Sabi ng receptionist,  ang room 9 and 10 ay may kakaibang style sa loob. Kaya doon ako nilagay sa 10, hindi ko lang alam kung pinili ba ni Hunt and 9 o si Selia ang namili.

"Okay na ako dito.". Ngumiti siya, her name is Maica, she's beautiful and tall. 

"Just Call us when you need something Ma'am.". She said, ngumiti lang ako at naglakad na papalapit sa Room 10. Nandito na kaya si Hunt. 

Madadaanan ko ang pinto ng Room 9, kaya napapaisip ako kung naihatid naba ni Selia si Hunt.

Naglakad ako papunta na sa room 10  pero sa gulat ko may hangal na humila saakin at ipinasok ako sa room 9. Knowing that familiar scent nawala ang kaba ko at nagpatangay nalang sa batang to.

Anong meron sa batang to.  Nakapikit parin ako dahil sa gulat. Naramdaman ko nalang na nakadikit ako sa ding ding ng Hut na to.  At ramdam ko rin ang mabangong hininga ni Hunt na tumatama sa ilong ko. Ang ibig sabihin lang ay magkalapit nanaman ang mukha naming dalawa..   


Darn this Kid..


"Hi mom".. Dahan dahan akong nag mulat at ang nakakaamaze niyang mata ang sumalubong sa mata ko.  I chucked, she's too cute.

"Whats with you Kid? Kanina mo pa ako pinapakaba?". I said, humawak ako sa braso niya para mailabas ang nerbyos sa katawan ko..

Damn. 

Tumatanda na talaga ako.. 

Tumawa siya ng mahina, still I can feel her breath. I can smell her sweet scent. 

"Sorry Mom, Excited lang akong makasama ka kumain". Lumayo na siya saakin at tumingin sa mesa ng room niya. 

This room is astonishing. Ganito rin kaya ang room 10.

"Amazing isn't it? Si Nanay Selia and nag hatid saakin dito.". She said. 

Napatingin ako sa bed, sa mga designs, sa bathroom, may tub din at mga flowers na nakakalat. the reason why this villa is very expensive..

"Yup.". I said.   Iisa lang ang bed, kaya isang tao lang ang pwede sa room na to. Baka isipin ng iba na binibigyan ko ng special treatment si Hunt, but no. Hindi ko nga pinili ang room na to sakaniya.

"Well, the food looks appetizing, sabi ni Nanay Selia tayo nalang ang hindi pa kumain kaya sabi ko ihatid nalang sa room natin ang food.". She said.

"So may Food din sa Room ko?". I asked. Bigla siyang napangiti ng nakakaloko at yumuko.  

"Wala, nandito na ang food mo". Sabi niya.

"Sinabi ko sa isang staff kanina na sabay tayong kakain sa Room ko, kaya ito. let's eat na, sabi ni Mother Piya mamayang 3pm doon tayo sa Kinlo Island".  Tumango lang ako sa kaniya, lumapit kami sa mesa at ipinag hila niya ako ng upuan.

A Gentlewoman.. 

Nagsimula na kaming kumain, maraming foods, at lahat ay masarap, may salmon, variety of seafoods and pineapple juice. 

"Nanay Selia and Mother Piya already know my situation Mom, kaya pinili nila ang Room na to for me. Hindi ako pwedeng makipag room sa girls". She said. Nagtaka naman ako at nag tanong.

"Situation? Hindi kaba sanay na may kasama sa room?". I asked her, tumawa siya ng mahina at tumingin saakin.

"Yup, matatakot ko kasi sila". Natatawa niyang sabi.

"Bakit naman sila matatakot?".

"Because I'm inter-"..

Natigil siya sa pananalita ng may kumatok. Tumayo si Hunt at pumunta sa pinto para buksan.

Kumain lang ako, wala akong balak makinig sa usapan nila, sino ba kasi ang taong istorbo sa masarap na lunch namin.  

"Gutom ka yata Mom".she said,bumalik na siya at umupo.

Nagpatuloy kami sa pagkain, masarap kasi kaya nag focus pa ako sa food na kinakain ko, same with Hunt. Kumakain din siya ng tahimik.

"Sino ang kumatok?".. I asked.

"Your Boyfriend, hinahanap kaniya kaya sinabi ko na hindi pa kita nakita simula kanina. He also said na nandoon na ang gamit mo sa room mo". She stated. Kapag si Demeter ang usapan parang savage palagi ang batang to.  

"Do you like him for me?". Tanong ko.

"I don't know, siguro kapag mahal mo na siya tatanggapin ko nalang mom"..natawa ako sa nasabi niya.

"Sabi mo bigyan ko siya ng chance, at yun ang ginawa ko"..

"I know Mom, I want you to be happy,kaya siguro need mo ng partner."..

"Sa totoo lang,wala akong balak makipag relasyon. Sapat na kayong mga anak ko para mamuhay ng masaya".. Sagot ko sa kaniya. 

"Do you like him?".

"Yes, pero nakakairita siya minsan"    



Doon natapos ang usapan namin ni Hunt, nakita ko rin sa Bed niya ang polo na binili namin kanina, ito ang isusuot niya kapag pupunta kami sa kinlo, limang bangka rin ang gagamitin namin para makarating sa island na yun.

May natitira pang 2 hours para makapag pahinga at makapag ready kami para mamaya, siguro matutulog muna ako para naman mabawi ko ang puyat ko kagabi.

"Babalik kana ba sa room mo mom?". She asked.

"Yup".

"You can sleep here with me, I'd love to". She said. Lumapit siya sa maleta na dala niya at inilabas ang black tshirt.    

Nag palit siya ng shirt at lumapit na sa Kama, tinap niya ito para palapitin ako at yun nga ang ginawa ko. 










ROSALIA'S DAUGHTER (COMPLETED)  Où les histoires vivent. Découvrez maintenant