Chapter 3

1.7K 62 5
                                    

Chapter 3

Sampung minuto din akong nagtagal sa shower. Lagi bumabalik sakin ang alaala sa mga nagdaang taon.

Kinuha ko ang tuwalya at pinulupot ito sa aking katawan. Nagbihis muna ako bago lumabas ng kwarto. Isang mini skirt with matching croptop then block heel.

"Taray may lakad ka mare?" Salubong ni Klaus sakin

"May bibilhin lang ako"

"Sama ako mare!" Saad nito tumango lang ako.

Kumaripas naman ito ng takbo papunta sa kwarto niya para magbihis.

—————

"Kailan iuuwi ni Kuya Kairus si Shynrone?" Tanong ko kay Klaus habang nagmamaneho siya papunta sa Mall.

Naging balisa ang mukha niya nung tumingin ako sa kanya.

He laughed fakely "Hindi ko alam, Chin"

"Tanungin mo! Miss ko na anak ko" I stated

"Okay mare"

Bumaling nalang ako sa bintana tinatanaw ang nga naglalakihang building.

Hiniram kasi ni Kairus si Shynrone, sabi niya gagala daw silang dalawa.

I miss my five year old son. Tatlong araw narin kaming hindi nagkikita.

Sumandal ako sa upuan at pinikit ang mga mata. Hindi ko namalayan na nakaidlip na ako.

Nagising ako sa sunod-sunod na flash ng camera. Kumunot naman ang noo ko, tuluyan ng dumilat. Nakatapat sakin ang camera ni Klaus.

"Mukha kanang siopao"

Sinamaan ko siya ng tingin ang mukong tumawa lang at naunang lumabas ng sasakyan.

Gago siopao pa talaga!

Pinagbuksan niya pa talaga ako ng pinto. Tsk marunong naman akong bumukas.

"My lady" he said and bowed at me

Sinapak ko siya dahil sa sobrang katarantaduhang ginawa.

"Ayy ginawa ko nga lang yun kasi mamimiss kita" pagmamaktol niya

Anong connect nun?

"Oh? Kailan ba alis mo?" Tanong ko at naunang maglakas sa kanya

"Tommorow"

Ang dali naman hindi ba pwedeng sa ibang araw nalang. Bahala na nga enjoy ko lang tong araw nato na kasama siya.

"Dahil aalis kana....." I looked at him "Dapat nating sulitin ang araw nato.." I stated

He nodded and smiled.

Aww ang cute ng dimples niya. Sana all may dimples

Bumili lang ako ng vitamins pagkatapos sinabi ko kay Klaus na siya na bahala kung saan kami pupunta.

Bago kami umalis ng Mall tinanong ko pa siya kung saan kami pupunta pero sabi niya secret.

Hindi ko alam pero naging excited ako nung sinabi niyang SECRET. Gagi ang babaw ng kaligayahan ko.

————

Mag-iisang oras na kaming bumabyahe.  Saan ba talaga kami pupunta? Nagpalinga-linga pa ako sa paligid!

Wait it looks familiar! Don't tell me pupunta kami sa— OMYGHOD

Nilingon ko si Klaus na nakangisi na ngayon. So pupunta talaga kami dun! Wahh.

"Are we going there?" I asked

"Yes"

I giggled because of excitement, it's been years since the last time I visited the place.

Love isn't Lost (Love Series #1)Where stories live. Discover now