Chapter 4

1.7K 64 3
                                    

Chapter 4

Halos hindi ako makatulog, madaling araw palang gising na ako. Nagluto lang din ako ng bacon, egg, at tsaka hotdog. Nauna akong kumain dahil natutulog pa si Klaus.

Klaus booked a flight for me last night before he went to bed. Tinanong ko din siya kung pano nakapunta ng Pilipinas si Shynrone. Sabi niya nakaprivate plane daw sila yung kay Yvonne, isa sa mga kaibigan ni Klaus at Kuya Kairus.

Umilaw ang phone ko akala ko si Kuya Kairus hindi pala. It's my Manager

Tita Kennedy:

How many weeks are you gonna be out of town?

Ako:

I dunno.

My son wants to explore Philippines, gusto niya rin na dun magcelebrate ng six birthday niya. Of course I said yes, I don't want to disappoint him.

Hindi nagtagal tumawag na ang Manager ko.

"Tita.."

Bumuntong-hininga ang nasa kabilang linya.

"Kailan balik mo dito?" Tanong niya

Tita Kennedy is a half Filipino, nagkakilala kami nung naghahanap pa ako ng trabaho dito sa Italy, she offer me to be her model. I didn't think twice, I agree.

Si Tita Kennedy ay parang nanay ko na dahil sa trato niya sakin. Minsan na nga siyang nagjoke na aamponin niya daw ako.

Hindi ganon kadali ang trabaho ko. Wala akong experience sa pagmomodel. Kaya higit isang taon din akong nagtraining until I accept offer from different agency.

Ang anak ko naman ay binibilin ko kay Kuya Kairus pagmay shoot ako minsan naman kay Klaus. Palagi ding nandun ang mga kaibigan nila. They spoil my son in everything. From toys, clothes, and etc. Minsan nagtratravel sila kasama ang mga kaibigan ni Kuya Kairus.

"Gusto ko muna magpahinga sa pagmomodel, Tita.." malumay kung sabi

Napamura si Tita sa kabilang linya, she know that this time would come.

"Okay! If yan ang gusto mo! But don't hesitate if you want to be my model again!"

Napangiti ako dahil sa sinabi ni Tita Kennedy, I am very thankful that I met her.

Hindi nagtagal nagpaalam si Tita Kennedy dahil may gagawin pa siya. Nagpatuloy ako  sa pagkain.

"Ang aga mo naman nagising.."

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Klaus. Nakasando lang siya at khaki short. Dumiretso agad siya sa katapat na upuan. Tamihik lang akong kumain ganon din si Klaus.

Pagkatapos kung kumain nagpaalam ako na maliligo muna.

—————

Kakalapag lang ng eroplano sa NAIA. Nanumbalik sakin ang mga pinagdaan ko dito.

"Still thinking about the past, huh?"

Nagulat ako sa biglang pagsalita ni Klaus. He never mention anything about my past.

I stared at him blanky.

"No.. Let's just move on" I said cooly, Napauna akong naglakad sa kanya.

"Hey! Wait up" sigaw nito

Hindi pa ako tuluyang nakakalabas nakita kona ang limang mighty god— mali nakita ko na ang taong may kasalanan sakin..










"Surprise! Low-badget muna tayo ngayon wala kaming mga pera!"

Humagalpak ng tawa si Klaus ng makita ang dala ni Owen at Drew. May dala silang cartolina, nakalagay ang mukha namin ni Klaus may pabackground pa silang langit.

Love isn't Lost (Love Series #1)Where stories live. Discover now