MFBF: Eighty-four

144 13 0
                                    



Ravena

Lezili's POV

"Then where is it?" Gulat na tanong ni tita Erra, agad naman akong napayuko at unti unting itinaas ang damit ko na ikinagulat nila

"What the hell are you doing!?" React ni Wyde saka agad na ibinaba ang damit ko

"Nasaakin nga! Nasa loob ko ang chip!" Sigaw ko sa kanya na agad naman nilang ikinagulat, napalayo sakin si Wyde na halatang hindi naintindihan ang sinabi ko

Inangat ko ang damit ko at ipinakita ang peklat sa tagiliran ko, dinig ko naman ang sunod sunod na malulutong nilang mura. Pansin ko din ang pagtakip ni tita Erra sa bibig nya at napaluha, dali dali syang lumapit sakin at niyakap ako

"How could he?! O my God I'm sorry sweetie" react pa ni tita saka hinagod ang likod ko, agad ko naman syang niyakap pabalik at nilabas lahat ng luha ko

Buong buhay ko pinipilit kong takasan ang bangungot na to. Ang bangungot na mas pipiliin ko na lang manatiling bangungot

"It's literally in you?! What the..." Hindi makapaniwalang react ni Tito Jacob

"We need to take it off" wala sa sariling saad naman ni Wyde na napaupo na sa sofa dahil sa nalaman

"No, we can't just take it off. We need professionals to do it, who knows kung gano na katagal yan sa loob ni Lex. Pano kung may madamage syang organ?" Sagot naman ni Tita

"That's why we need to continue the wedd--"

"Seriously Dad?! Yang lintek na kasal pa rin ang iniisip mo?!" Inis na protesta naman ni Wyde

"You don't understand! It is not just a wedding Wyde! It's a goddamn plan!" Sigaw ni Tito Will dahilan para mapakunot kaming lahat

"Before Lexus collabed with Hilbert he asked me to set a fix marriage contract not just to expand the company's resources but to also use it as a trap" panimula ni Tito Wil "He had a conclusion that one day there will be someone that will betray us so he came up with the idea. And we'll use it now" patuloy ni Tito na agad namang ikinakunot nang noo ko

"It'll be a fake marriage, we will use it to trap the traitor. Bukas na bukas iimbitahin natin lahat nang kasali sa project, kahit na ang suspect na nagpasimuno nang lahat na kaguluhang Ito. We will also ask for the authorities help to go undercover" saad pa ni Tito Wil

"This is a huge risk William, hindi natin alam kung sino ang tunay na kalaban at kung ilan sila. Baka mas lalo lang maging magulo Ang lahat" tutol naman ni Tita Erra

"Not unless...we invite the media too, in that way mas mahihirapan silang gumalaw dahil bantay salakay ng camera ang bawat kilos nila" suggest naman ni Tito Jacob

"T-teka mandadamay pa tayo nang iba? B-bakit hindi na lang natin to ipaubaya sa mga pulis?" Naluluha Kong Tanong

"Don't worry walang mapapahamak Lez, as long as he come everything will go according to plan" Saad ni Tito Wil na ikinakunot ko


"S-sinong darating?" Tanong ko pa


"That's enough for today,mabuti pa magpahinga muna tayong lahat para makapaghanda bukas" saan ng dad ni Kier kaya napatango naman kami



"T-teka lang Po...i-ibig sabihin po ba... darating din bukas sila Kier?" Tanong ko

"No iha, mas mabuti pang sa bahay lang sila para makasiguro" sagot ni Tito Jacob kaya napatango na lang ako

Sumapit ang kailaliman nang gabi pero hindi pa din ako makatulog, kinakabahan ako para sa mangyayari bukas. Hindi ako ganun ka sigurado sa mga plano nila pero higit sa lahat mas inaalala ko pa din si Xynon

Hindi ko pa din matanggap na talagang tinapos nya na ang kung ano mang namamagitan saming dalawa. Alam ko may rason, ramdam kong ginagawa nya lang to para mapanatiling ligtas ako. At yun ang gagawin ko, sisiguraduhin kong pagbabayaran nang kung sino mang nagpasimuno nang lahat nang to ang lahat nang ginawa nya samin. Ngayong fake marriage lang ang mangyayaring kasalan mas sisiguraduhin kong dito na matatapos ang lahat,hindi na ko magpapakalampa pa. Lalaban ako kung kinakaylangan



"Lex..." Napabangon ako nang may marinig na katok sa pintuan, agad ko iyong binuksan at nagulat nang makitang si Tito Wil iyon at mukhang lasing sya

"T-tito ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong ko, nagulat naman ako nang agad nya akong yakapin



"Patawarin mo ko...patawarin nyo ko..."Saad nya na ikinataka ko nang husto, agad ko syang inalalayan para makaupo sa kama ko habang patuloy pa rin sya sa tahimik na pag iyak


"Patawarin mo ko Lexus,patawarin mo ko kung hindi ko naprotektahan ang mga anak mo. Patawarin mo ko,patawarin mo kami Lex"

"A-ano pong ibig nyong sabihin Tito?"

"Pinagkatiwala kayo sakin nang ama nyo bago sya mamatay. Nakasama ko pa sya, natulungan ko pa sana sya kung hindi nya lang piniling iligtas ang mommy mo. Hindi ko sya naprotektahan, hindi ko kayo naprotektahan. Wala akong kwentang tao!"  Sigaw pa ni tito saka paulit ulit na pilit pinupok pok ang ulo nya, ramdam ko naman ang pagpatak nang mainit na luha mula sa pisngi ko kasabay nang pagyakap ko sa kanya

"Tama na po Tito, Wala Po kayong kasalanan" awat ko pa


"Hindi ko na alam ang gagawin ko Lex. Hindi ko alam kung bakit pilit pa din kayong ipinagkakatiwala sakin ni Lexus kung kahit sarili kong asawa ay hindi ko magawang iligtas. Kung kahit ang sarili kong anak mas pipiliin pang mamatay kaysa makasama ako!" Daing nya uli na mas lalong nagpalakas nang mga luhang umaagos sa pisngi ko


Hindi kayo nagiisa Tito...masakit...sobrang sakit yung nakikita mo ang lahat na nagdurusa, yung kahit mismo sarili mo naghihirap...pero wala kang magawa, ni kahit sarili mo hindi mo kayang iangat...


"Kung tutuusin gusto ko sanang maging totoo ang kasal nyo, nung mga bata pa lang kayo... Malakas ang tiwala at pag asa naming kayo ang magkakatuluyan, pero nung malaman kong may ibang gusto ang anak ko... Nung nalaman kong kaya syang pangitiin nang babaeng iyon...nagbago ang lahat. Walang alam ang kuya mo sa planong kasal namin nang daddy mo...nang humingi sya samin nang tulong sinabi ko sa kanya ang tungkol sa kasal. Kahit sya gustong totohanin ito pero sa tuwing makikita kong susuwayin ako ni Wyde...sa tuwing nakikita ko syang sikretong nakikipagkita sa babaeng yun...hindi ko na kaya...ayoko nang may madamay pang iba pero kung para sa ikaliligaya nya...handa akong magsakripisyo"



"Tito, hindi nyo kailangang sundin ang plano ni Dad. Alam nyo sa sarili nyo may ibang mahal si Wyde, at alam kong alam nyo din na may iba akong mahal. Kaya pinipilit naming takasan to dahil ayaw naming masaktan ang mga mahal namin."

"Pero hindi ka ba nangangamba Lex? Bakit? Bakit sa isang Ravena pa? Lex sila ang dahilan kung bakit tayo humantong lahat sa ganito" Saad ni tito habang nakahawak na ngayon sa magkabilang braso ko, agad kong pinunasan ang luha ko at positibong sumagot


"Hindi tito, Alam ko sa sarili ko tama ang desisyon ko. Hinding hindi magagawa ni Xynon ang traydorin ako, hindi nya ko magagawang ipapatay" sagot ko Naman

"Hindi sya...pero ang lolo nya"



"A-ang lolo nya? Pero Akala ko ba ang tatay n--"

"Malinis ang intensyon nang tatay ni Xynon, anim kaming lalaking magkakaibigan kasama na doon ang ama mo at ama ni Xynon. Hindi ko alam kung bakit napunta sa Ravena ang lahat nang sisi, pero hangga't buhay ang lolo ni Xynon patuloy na tatatak ang mantsa sa pangalan nila"


"Ibig sabihin...buhay pa ang lolo ni Xynon??"gulat kong tanong at agad namang tumango si Tito na syang lubos na ikinagulat ko



Kung ang lolo nya ang may pakana nito ibig sabihin buhay pa sya, pero bakit naisisi sa ama ni Xynon at sa kanya mismo ang lahat?








My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now