MFBF: Eighty-Five

145 13 0
                                    

Wedding day



Lezili's POV

Ngayon na ang araw na hinihintay nang lahat,buntong hininga na lang ang nagawa ko bago suotin ang wedding gown na di-nesign pa mismo ni tita Erra. Pagtapos magbihis ay napangiti naman ako nang makita si Nya suot ang isang skintone na mahabang bistida at ang maikli nyang itim na buhok na nakakulot. Tinaasan naman ako nang bruha nang mapansing nakatingin ako sa kanya

"Infernes nagmukha kang babae" kantyaw ko

"Ikaw den, infernes nagmukhang tao" bawi nya pero imbis na mainis ay natawa na lang ako

Sabay kaming bumaba at sinalubong ng daan daang gwardya at ni Tito Wil

"You look wonderful iha, if this was only real you're parents will be very proud of you... let's go" Saad ni Tito saka nangunang lumabas kasunod nang mga nakablack suit na gwardya, tipid naman akong napangiti bago sumunod sa kanila kasama si Nya

Nanguna nang sumakay sila tito sa isang itim na SUV, may tig limang itim na SUV ang nasa harap at likuran nang magiisang puting kotse na may malaking kumpol nang bulaklak sa harapan kung saan ako sasakay. Nasa pinaka unang SUV nakasakay sila tito at ang ibang mga gwardya. Puro naman mga gwardya ang laman nang iba pang SUV, may isang gwardya ang natira para samahan ako sa puting kotse. Napakunot naman sila nang manguna pang sumakay ang bruhang Nya

"Ma'am habilin ni boss sa SUV daw po kayo" pigil sa kanya nung Driver na tinaasan nya naman nang kilay

"Hindi lang ako basta basta isang Bride's made, isa rin akong high class personal body guard. Baka gusto mong ipakain ko pa sa sayo lahat nang bala nito?" Pagmamaldita nya sa driver sabay bunot nang baril sa loob ng bestida nya

"Hoy! San mo nakuha yan ha?!" Sita ko sa kanya,agad nya namang binalik ang baril sa binti nya saka binuksan ang pinto nang kotse

"Dala ko to lagi ngayon mo lang napansin?" Sarkastiko nyang sagot, napailing na lang ako bago pumasok nang kotse

Tahimik lang kami sa gitna nang byahe, bawat bahay at gusaling madaanan namin ay ang syang paglakas nang kabog nang dibdib ko. Napapikit ako at sandaling pinakalma ang sarili ko para matigil sa pangangatog




Tierra's POV

We all gathered here in the church, tons of guards are walking with their bosses. Everyone knows the danger of this wedding,but we're all willing to risk it all just to divert the attention of the main suspect

"Mayora!" Bati ko kay Irene, Ang Ina ni Xynon

"Erra, nice to see you here" bati nya din,napataas naman ang isang kilay ko nang makitang isa lang ang dala nyang gwardya

"Buti nakarating ka, buti naman at di isang batalyon ang dala mo" pagbibiro ko,agad naman syang natawa

"Ahahaha may tiwala naman ako sa mga gwardyang dala nang iba pa jan. Isa pa may tiwala din ako sa inyo, I know everything will be fine" panigurado nya saka tipid na ngumiti

Lahat kami ay pumasok na sa loob maliban sa mga press,ibang gwardya at iba pang kasapi nang kasal para sumalubong kanila Lez. Agad naman akong lumapit kay Wyde na nakatayo sa dulo nang altar kasama sila Jacob

"Are you okay hijo?" I asked, tipid naman syang napatango saka ngumiti na syang ipinagtaka ko "You..seems happy" I said

"Let's just say...I also have a back up plan"Sagot nya na ikinakunot ko naman

"What do you---" udlot kong tanong sana nang may isang gwardyang tumakbo papunta samin

"Ma'am nagkaaberya po, nawawala si ma'am Lexie" inform nung gwardya dahilan para manlaki ang mata namin, agad kaming tumakbo palabas sana nang simbahan nang may isang lalaking nakasumbrero ang agad na tumayo at tinutukan nang baril si Irene dahilan para maalerto ang lahat at mapahinto kami nila Wyde

My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now