MFBF: Eighty-six

157 12 0
                                    




Chip



Lezili's POV

Nagising ako sa isang madilim na lugar, akmang hahawakan ko na sana ang ulo ko nang mapansing nakatali na ang magkabilang kamay ko sa isang poste





Asan ako? Anong nangyari?...si Nya?!





Naalala ko habang papunta pa lang kami sa simbahan ay biglang huminto ang kotse. Nakita pa naming nagsilabasan ang mga gwardya pati si Tito Wil na nakikipagbarilan na. Agad naman akong hinila ni Nya palabas nang kotse para tumakas, kinaladkad nya ko sa isang masukal na gubat pero may biglang tumama sa ulo ko at nagising na lang akong nandito nako



"Lez...L-Lez..."agad akong napahinto sa pagkakalas nang tali nang marinig ang boses ni Nya,agad kong nilibot ang paningin sa madilim na gusali nang may maaninag na babae

Naningkit pa ang mata ko at pinilit lumapit para makita sya nang klaro. Hindi naman ako nabigo nang  bumukas ang ilaw, nanlaki naman ang mga mata ko nang makita si Nya na nanghihinang nakatali ang magkabilang kamay sa magkabilang poste. Puno nang mga galos ang pasa ang mga braso't binti nya,sira sira na din ang kaninang mahaba at maganda nyang bistida


"N-Nya! A-anong nangyari? Asan tayo? A-anong nangyari sayo?" Sunod sunod kong tanong nang may isang matandang lalaki na may dala dalang baston ang biglang dumating, kasama ang lima pang armadong mga lalaki

Agad syang lumapit sakin kaya dali dali akong nagpumiglas, marahan nyang inangat ang baba ko para iharap sa kanya. Nanlaki naman ang mata ko nang mapagtanto kung sino sya


'RX Corp. Welcome their new investor Mr. Hilbert Morasaki'


Sya yung Hilberyong sinasabi nila Shawn. Sya ang tatay ni Nya...Sya ang nagtraydor kanila Dad at ang pasimuno nang lahat ng kaguluhang ito.


"Lexie! Long time no see iha..." Nakangiting bati nya, agad ko naman syang tinignan nang masama

"Walang hiya ka! Ikaw palang matanda ka Ang may pasimuno nang lahat nang to!" Inis kong sigaw sa kanya,napatayo naman sya bago tumingala at tumawa

"My, my, my. Fiesty...like you're mother" saad nya sabay tingin sakin na sya namang ipinagtaka ko "You both exactly look alike ,sayang nga lang at...napunta sya sa maling tao"



Agad na namuo ang galit at lungkot nang maalala ko lahat nang masalimuot na nangyari samin...lahat nang yun dahil lang sa kanya


"Ano pa bang kailangan mo ha?! Kinuha mo na lahat diba?! Inubos mo na ang pamilya ko! Marami ka nang dinamay sa kag*guhan mo! Ano pa ba?! Ano pang kailangan mo ha?!" Buong pwersa kong sigaw kasabay nang unti unting pagpatak nang luha ko,pero kahit anong sigaw at galit ang ilabas ko ay wala lang sa kanya. Dinadaan nya lang sa tawa na para bang natutuwa pa sya sa nakikita

"You know what I want Lex..."agad na sumeryoso ang mukha nya habang nakatingin sakin "I want every last breath of your generation,even your's. I want all of you to feel what I felt when you're grandfather betrayed us and kill my only son! The only family that I have left!..." Unti unti na ring pumatak ang mga luha mula sa kulubot nyang mga mata, napakunot naman ako sa naririnig

Panong...pero si Nya...si Nya ang anak nya diba?


"Anong ibig mong sabihin? Si Nya--"

"Ampon ko lang sya...inampon ko sya para tulungan ako sa mga plano kong mapabagsak kayo nang pamilya mo! Pero wala, Kay lang din sya nang kuya mo walang silbi!" Sigaw nya saka agad na hinampas si Nya nang baston sa binti nya dahilan para bumigay ito at bumitin ang dalawang kamay nyang nakatali sa magkabilang poste

My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now