KAPITULO 21

672 17 0
                                    

"It's okay." he smiled.

Tinanggal niya ang pagkakaakbay sa akin para hawakan ang kamay ko. Doon bumaba ang tingin ko sa kung paano niya iyon pinagsalikop. His hands were rough. Simula pa noong naging kami, kapag hinahawakan ko ang kamay niya, o kung siya ang humahawak ng sa akin, at nararamdaman ko ang gaspang no'n, mas lalo lang akong nahuhulog.

He's working very hard, that's why it became rough. Palaging tumutulong sa Tarra Garra. Nag-iipon raw para may allowance siya sa Dumaguete. Ang parents niya naman ang bahala sa halos lahat ng gastusin doon. Pero sabi niya, nakukulangan siya sa allowance niya, kaya mas lalong tumutulong sa Tarra Garra para mag-ipon.

"It doesn't have to be soon. All of it can wait. On your cue."

He was back again, staring at the fading horizon. Pero hindi ko mapigilang magtagal ang tingin sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit gano'n nalang ang kaba na naramdaman ko. I mean, oo naman, kahit iniisip ko palang ngayon na ipapakilala niya ako bilang girlfriend sa pamilya niya, kinakabahan na ako. Pero ngayon na siya mismo ang nagsabi, at na gusto niya ngang ipakilala talaga ako, it only made me anxious.

I guess I underestimated his feelings for me. I never imagined our relationship to be this way. I was slightly defeatist and pessimistic from the start. I thought I'm just another girl who comes into his life and will depart eventually.

My insecurity kicked in. I suddenly became uneasy. Thinking about the uncertainty of his parents' reaction to us agitated me. I'm getting frantic, kahit na sinabi naman niyang hindi pa ngayon at na ako ang bahala kung kailan.

Alam ko namang mabuti ang reputasyon ng mga Tarraniaga. They are filled with generosity and humility, according to the people. Everyone here loves and adores them. People are even suggesting they should intervene in politics because they are far from being a tyrant.

But all of this is different. I'm his girlfriend now. Even the kindest people are willing to do the worst things if the people they love are in threat. But then, I wondered, hindi pa naman kami ikakasal. Boyfriend ko palang siya, ang dami ko na agad iniisip. This is an open shut case, no need to be anxious about it.

"Sige, 'wag muna ngayon. Baka ipa-assassinate ako ng pamilya mo." sabi ko at tumingin na rin sa takip-silim. Siya naman ngayon ang natatawang tumingin sa akin.

"They're not like that."

Nagtaas lang ako ng kilay. "Hmm..."

Nanatili kami roon nang ilan pang minuto. Nagpasya lang kaming tumayo na noong mas dumami na ang mga sasakyang dumadaan. Mas maalikabok na kasi at sa pwesto namin tumatama.

"Tara,"

Kinuha niya ang plastic na laman ang ilang stick at plastic cups na nagamit namin. Nagpaalam siyang maghahanap daw ng basurahan. Hindi kasi pwedeng magkalat dito lalo na't malapit sa mga mangroves sanctuary.

Naiwan ako roon para hintayin siya. Pumunta pa sa malapit na talipapa para doon itapon. Mula sa malayo, unti-unti kong natatanaw sina Railo kasama si Hanna at mga kaibigan nito. Nandoon din si Rosanna na mahinang kumaway nang matanaw ako. Nadaanan nila si Ikarus at mukhang kinausap nang bahagya.

Kaya pala hindi nila kasama si Cyril kanina sa Entrepreneurial. Mag-isa lang 'yon kanina, unusual kasi palagi nilang kasama 'yon.

Mahina akong kumaway kay Hanna. Mukhang nakita niya naman pero hindi siya kumaway pabalik. Medyo nabitin tuloy ang kaway ko. Sa huli ay binaba nalang at hinintay ang pagdaan nila sa kinatatayuan ko.

"Hi, Kat! We're going inside the Mangrovetum. Doon din ba kayo? Nandoon sina Yuna, ah?" salubong ni Railo. He removed his glasses swiftly, he placed them above his forehead.

Who's Beneath The Dance Stage (Tarra Garra Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon