Chapter 2.

8 2 0
                                    

★★★

KLEO EZEKIEL VERANO’S POV.

Capital WHAT THE FUCK. Kayo na mag isa-isa dahil tamad si author, okay? Talagang what the fuck dahil isang babaeng walang respeto sa mga pogi ang naglakas-loob na hamunin ang kapogian ko.

Hawak-hawak ko pa rin ngayon ang makinis kong pisnge na ngayon ay siguradong may pula na dahil sa pagkakasampal ng babaeng iyon.

Anong ginawa ko? Ito lang naman...

Habang nagmamaneho ang isang poging si Kleo Ezekiel Verano ay may tricycle akong muntikan nang mabangga.

Pagkababa ko ay isang dugyot na babae ang nakita kong nakatunganga. Tsk, napogian na naman sa'kin.

Ewan ko ba, basta nakita ko nalang na lumabas siya sa tricycle.

"Humanda ka sa special skill ni Layla!" Sigaw niya.

Sino ba si Layla? Hindi ko naman kilala iyan. Layla ba pangalan niya? Pft, ang dugyot naman, bagay naman sa kaniya.

Lalapitan ko sana siya dahil may sasabihin ako nang biglang...

PAK!

Hindi ako makapaniwalang humawak sa pisnge ko. Did this effin woman slapped me?

Ako? Ako na naging crush ng lahat ng classmates ko noong college ay sasampalin lang ng dugyuting babae na may tuwalya pa sa ulo niya na ang pangalan ay Layla? No way!

Dahil sa sobrang kagulatan ay hindi ko na napansin na nakaalis na pala ang tricycle at 'yung walang hiyang babae na 'yun.

"You're going to pay for this you crazy girl!" Sigaw ko sa kaniya at nakita kong hindi na siya lumingon pa.

Pota ang sakit talaga, grabe 'yung special skill ng Layla na 'yun. Pero 'di bale, makakaganti rin ako sa kaniya. Tingnan ko lang kung hindi siya mapapahiya, pft. Tanga kasi. May tuwalya pa sa ulo ampota HAHAHAHA.

At hanggang ngayon ay natatawa at mas galit na galit na galit sa kaniya.

"Pogi, may tawag ka. Pogi, may tawag ka. Pogi, may tawag ka. Pogi, may tawag ka."

Oh 'diba, pati ringtone ko napopogian sa'kin. Ako lang naman kasi 'to eh. 'Wag na umangal, saksakin kita sa ngala-ngala. : )

Sinagot ko na ang tawag at hindi nga ako nagkamali dahil si dad nga ito at ayan na naman siya sa shutanginang pagpapakasal na 'yan.

"What? No. Hindi nga kasi ako papayag na makasal. No, dad. Hindi. What? To that woman? Ayo'ko. I know na isa siyang model from Australia but I will never marry her." Saad ko habang nakikipag-usap kay dad sa call at nagmamaneho.

"Kleo, son, this is for our company's sake, at para na rin sa'yo." Sagot nito.

"Listen, dad. Alam ko na ginagawa mo 'yan para sa company natin. I've been a good son for you for the past 25 years, that's enough. I'm already working on my own thanks to you, but as what I've said, hindi pa ako ready magpakasal." Saad ko at agad pinatay ang tawag.

Binuksan ko ang bintana ng kotse ko at itinapon ang cellphone.

I checked my wristwatch, it's already 10AM, late na naman ako sa trabaho.

Btw, I'm Kleo Ezekiel Verano. Pogi, mayaman, may abs, at ewan ko, wala yatang maipipintas ang mga tao sa'kin dahil halos perpekto na ako. Tsh, alam ko naman 'yon. Pero hindi ko pa rin makakalimutan ang unang babaeng hindi rumerespeto sa batas ng mga pogi.

Batas ng mga pogi:

1. Huwag putulin ang mga sinasabi nila.
2. Bawal sila madikitan ng mga microdirt at germs.
3. Bawal sila saktan, physically and emotionally.
4. Bawal sila sumugal sa isang pagmamahal.

Oo gano'n. Dahil kung susugal kami, mas-stress kami at mawawala ang kapogian namin. Sakit lang sa ulo dala tsh.

Tapos 'diba 'yung nalabag niya is rule number 1, 2, at 3?

So ang kapalit niyan ay...

Maging basahan siya sa bahay namin.

Echosss. Basta secret.

At 'yung sa panghuli naman, kung may makakalabag no'n, ang parusa ay isang kahilingan.

★★★

Hi ka-koldssss! Sorry for the late ud, sobrang busy ko talaga HAHAHA. Anyway, kindly vote and comment para mas ganado ako na bilisan ang ud noe? Hehe. Godbless!

Btw, pacomment kung ayos lang ba 'yung pagkakaano ng mga pangyayari tas pagkakanarrate na rin or 'yung POV ba maayos lang o hindi tas ano dapat i-aadjust. Sabaw kasi si mareng koldy n'yo ngayon HAHAHA.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bicentennial Years of LoveWhere stories live. Discover now