Nagising ako ng marinig ang sigawan nang aking mga magulang.
"Bakit mo 'to ginawa Andrew?! Wala akong maisip na rason para gawin mo 'yan?!" Halos Makita ko ang mukha ng aking ina na naghihisterikal dahil sa nagawa nang aking ama.
Ano nga kaya ang ginawa ni papa? Bakit ganoon na lamang ang reaksyon ni mama?
Lumabas agad ako sa kuwarto at bumaba, nadatnan ko sila sa Salas namin.
Nakatayo si papa, habang mabibigat ang hininga niya. Samantalang si mama ay nakaluhod na sa harap niya, at umiiyak.Ang sakit makitang nag aaway ang parents mo, ang sakit makitang may nasasaktan sa kanila.
"Ma, Pa. Tone down your voice, tulog pa po si S-skye." pinilit kong maging matatag ang boses ko kahit na nanghihina na rin ako, Kakausapin ko mamaya si papa.
Walang nagsalita sa kanilang dalawa, ang tanging maririnig mo lang ay ang hikbi ng kaniyang ina.
"Ma." usal ko, agad naman bumaling sa akin ang kaniyang mga matang namumula dala ng pag-iyak. I hug her, na mas lalo siyang napahagulgul sa ginawa ko, bakit nasasaktan ng ganito si mama?
"Ma, Pa. Let's talk in my room." Mariing aniya ko, malayo kasi 'yon sa kuwarto ni Skye at Hindi niya maririnig kung sakaling magsigawan ang mga magulang ko.
"Anong nangyayari, ma, pa?" Nagiwas silang dalawa nang tingin.
"Pa, please I want to know."
"I-I'm sorry a-anak." nabasag ang boses ni papa, doon pa lang Alam kong malaki nga ang nagawa niya.
"Ano pong ginawa mo Pa?" Sinusubukan kong maging matatag para sa kanilang dalawa, Alam ko kaseng nanghihina rin sila at Wala silang ibang makakapitan Lalo na't may Hindi sila pagkakaintindihan.
"The M-monteverde." panimula ni papa, ang buong atensyon ko ay itinuon ko na sa kanya.
"I-I've made a mistake, Nagnakaw a-ako ng p-pera sa k-kanila." kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya, Andaming tanong ang nabuo sa aking isip.
"Pa bakit mo ginawa 'yon?!" Nanggagalaiti na rin ako. Binalingan ko si mama, ganon parin ang itsura niya, humihikbi.
"Marami naman tayong pera! Bakit kailangang magnakaw ka pa, Pa?! Pwede naman akong mag trabaho pag nakukulangan kayo!" Naghihisterikal na ako, kinalma ko ang aking sarili upang maayos ang aking pagiisip.
"I-I'm S-Sorry anak."
"Bakit Pa, Bakit? Hindi ko talaga mahanap ang rason kung bakit kailangan mong magnakaw."
"I had an a-affair with another w-woman." Nanlaki ang mga mata ko, kasabay ng lalong pag hagulgol ni mama. Nanlabo ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya.
Wala akong maisip na sasabihin Kay papa."Kiarra, Samantha. I'm so s-sorry." nakita ko na rin ang mga luha sa gilid ng mga mata ni papa.
"Am I not enough, Andrew?" Naiiyak ako sa sitawasyong ganito, Hindi ko naisip na ang perpektong pagmamahalan ng aking mga magulang ay maaring mauwi sa ganito. Ang sakit sakit!
"Y-You're more than e-enough, Kiarra."
"Then why?!" Iling lang ang naging sagot ni papa, bakit kailangan niyang maghanap ng ibang babae? Ang sakit sakit, ako ang nasasaktan para sa mama ko.
Ngayon napagtagpi tagpi ko na ang problema namin.
"Kaya mo ba nagawang magnakaw dahil Hindi sapat ang kayamanan mo para sa babae mo?!" Matigas at galit kong tanong Kay papa. Nang tumango siya ay mas lalong nag init ang aking dugo! Ang kapal kapal naman ng mukha ng babaeng iyon!
Alam nang lahat na may pamilya na si papa, bakit pa siya pumatol?!
"Sino siya?" Madiin kong tanong, nag alinlangan pa si papa kung sasabihin niya pero kalaunan ay sinabi niya rin.
"Celestine Salvador." mas lalo akong napahagulgul, kaya naman pala Hindi sapat ang yaman niya eh! Salvador ang babae niya! Kapatid niya si Mrs. Carmela! At Mama siya ni Ace!
Fuck, bakit sa Salvador pa? I can't imagine Celestine Salvador being a mistress!
Salvador are known for their elegance, pero bakit ganito?! Bakit pumayag siyang maging babae ni papa?!Hindi ko alam kung kaya ko bang humarap sa party na inihanda ni Mrs. Carmela mamaya. Hiyang hiya ako sa kagagawan ng aking ama, Wala akong mukhang maihaharap kay Mrs. Carmela. Kapatid niya at ang tatay ko na ang nagkasala!
Hindi na ako nagsalita pa at hinikayat na lamang si mama na lumipat na sa kuwarto niya, Hindi ako naaawa Kay mama, kundi nasasaktan ako para sa kanya. Bakit kailangang maging ganito ang mangyari.
Napupunit ang puso ko tuwing naririnig ang mga hikbi ni mama.Lumabas ako sa kuwarto upang kausapin ulit si papa.
"Pupunta muna akong opisina, kailangan Kong ayusin ang gulong ginawa ko." sabi ni papa, agad naman akong tumango. Kailangang maayos ito, dahil sobrang bigat sa pakiramdam.
A/N: Gigil na ba kayo sa tatay ni Samantha at Sa Saldovar? Abangan natin ang susunod na kabanata! Maraming salamat po sa pagbabasa 💚
BINABASA MO ANG
Billionaire's Wife
RomanceSamantha Llaine Martinez isang simpleng babae galing sa isang kilalang pamilya, may kaya sila at Hindi na din kataka-taka kung siya ay ipagkakasundo sa lalaking may kaya rin.