Obsession Nine

10.2K 383 133
                                    

CHAPTER NINE: H O P E

Rilley

PUNONG PUNO NG tawanan ang buong gym lalo na no'ng naiwan si Eria at Harry dahil hindi na sila maka-alis sa pangtatlong saging. Literal na sila na lang talaga ang natira at nanalo na sina Ivan at Asia.

Second place lang kami ni Third. Pero okay lang iyon dahil unang game palang naman. Babawi na lang kami sa susunod.

"Ano ba naman Harrison! Nanggigigil na ako sa iyo ha!" Dahil sa inis ni Eria, kinuha niya ang saging na nakalawit sa bewang niya at sinalpak iyon sa bunganga ni Harry.

"HAHAHAHA!" Pinakamalakas tumawa si Leo at Kleyo. Tawang tawa sila sa ka-eng-engan nila e. Pwede naman kasing patigilin na ang dalawa dahil may first and second placer na pero itong dalawang ito, nag-insist na ituloy.

Napapailing na lang ako pero natatawa din. Ang dami nilang kalokohan talaga.

Nakangiti akong bumaling sa katabi kong parang bato. Naka cross arm siya at salubong ang kilay. Mukha siyang bored na bored.

"Ayoko na nga! Talo na nga kami! Next game na tayo! Exchange partners!" Mabilis kaming tumalikod ni Paris. Si Asia ay nagpatay malisya. Ayaw naming makapartner si Harry. Okay na ako kay Third kahit parang tuod 'wag lang kay Harry.

"Ugh!" Inis na nagpapadyak si Eria na tinawanan lang namin. Mabilis na lumapit si Leo kay Eria at tinapat sa mukha niya ang camera.

"Don't worry, ise-set up pa namin ang sunod na laro ni Kleyo kaya break muna tayoAy sorry Asia, break na pala kayo HAHAHAHA" Asia frowned at Leo that made me laugh. Si Ivan naman ay tuwang tuwa pang nakikitang nagagalit si Asia.

"O 'sige na! Do'n muna ulit kayo sa living room maghintay okay? Medyo matagal ang gagawin naming set-up, magkwentuhan muna kayo do'n o kaya ay magmeryenda" Tinulak na kami ni Kleyo papalabas ng boxing room. Wala na kaming magawa kaya bumalik na lang kami ulit sa living room para magkwentuhan.

"Sir Ace saan kapo pupunta?" Asia asked Third. Lahat kami ay napalingon kay Third na papalabas ng living room.

"Kitchen" Simple nitong saad.

"Sama ako! Hihihi" Kumekendeng na tumakbo si Asia papunta kay Third at hinila papunta sa kusina. Agad namang tumayo si Ivan at sumunod sa dalawa.

Naiwan kaming nagtititigan sa isa't isa. Tahimik pero hindi naman awkward.

"Ehem Ehem" Eria faked a cough. Natuon ang pansin namin sa kaniya. "Hi Eloi. You know, kanina ko pa talagang gustong itanong 'to kaso nahihiya ako kay Sir Ace" Napatutok kami kay Eria at Eloi dahil dito.

"What's your question?" Nakangiting sabi ni Eloi. Kahit mayabang approachable naman siya. Mabait din pero mayabang parin.

"Uhm... who is this special someone of Sir Ace?" Binigyan ko ng nananaway na tingin si Eria dahil masyado nang pribado at personal ang tinatanong niya.

Nurse kami dito at tungkulin lamang namin ang alagaan siya at pagalingin siya, hindi ang paki-alaman at pagchismisan ang buhay ni Third.

Besides, may hula na akong si Hope nga iyong special someone dahil ilang beses nang naulit ni Third sa akin si Hope na lagi akong pinagkakamalan.

Naalala ko din noong bago may mangyari sa gym, bago 'yung ano... 'yung kiss, may pinakuha siyang sulat sa akin sa mailbox. Naalala kong naka-adress iyon sa England at galing kay Hope ang sulat.

Napagtagpi tagpi kong nakatira si Hope sa England ayon sa sulat at batay naman sa sinabi ni Eloi na galing England si Third noon nang magkita kami no'ng 3rd year college. That means, si hope ang special someone right?

His Psychotic Obsession [Nursing the Psychopath]Where stories live. Discover now