Obsession Twenty One

9.8K 319 164
                                    


Rilley

"Saan mo'ko dadalhin?" Lito kong tanong kay Third. Basta niya na lang kasi akong hinigit ng walang pasabi. Naiwan ko pa ngang bukas ang pintuan namin. Ni ang pagbibihis ng maayos ayos na damit ay hindi ko na nagawa.

"Third? Saan tayo pupun-" 

"Shhh" He put his index finger on my lips. Natigilan ako, pati siya. Bumaba ang kaniyang paningin sa hintuturo niyang nakalapat sa labi ko. I saw how his adam's apple moved.

"Just shut up, 'kay?" Tikom ang aking bibig akong tumango. Higit higit niya parin ako at napapansin kong kapag may nasasalubong kami ay mabilis niya akong itinatatago sa kaniyang likuran.

Nakalayo na kami sa aming kwarto. Nag-take kami ng hagdan kahit pwede namang elevator. 

"Suite mo?" Tanong ko nang matanaw ang pintuan ng kaniyang kwarto. Naparito na ako kahapon, kasama ako nina Paris at Eria sa pagpapa-inom ng gamot kay Third.

"Yeah" He said, breathlessly.

Napatango ako kahit hindi niya ako kita kasi, nahuhuli ako sa paglalakad. Nasa likod niya lang ako ngunit hawak niya parin ang aking kamay.

Napatingin ako sa kamay namin. Kapansin pansin ang mas maputi kong kulay sa kaniyang kamay. Maliit ang kamay ko na sakop sakop ng mahihigante niyang daliri. Unti-unting sumilay ang maliit na ngiti sa aking labi na agad ding nawala dahil bigla na lamang akong padarag na hinila ni Third papasok sa loob ng kakabukas niyang pintuan.

Bago niya pa maisara ang pintuan ay nahagip ng mata ko sina Paris at Eria na may hawak hawak na maliit na bag kung saan nakalagay ang mga gamot at pang-bp ni Third. Papunta sila sa direksiyon ng suite ni Third.

Nagtataka ako nang makita si Third na mabilis kumilos. Kinuha niya ang isang bag pack na nasa ibabaw ng kaniyang king sized bed. May malaki at mukhang mamahaling chandelier na nasa kisame nito.

Nilibot ko ang tingin ko at hindi pinansin si Third na nagtatakbo sa isang pintuan. Isa lang ang masasabi ko, sosyal. Syempre ikaw ba naman ang nasa isang VVIP Room e. 

Pumunta ako sa mga muwebles na nakalagay sa paligid at hinawakan. Walang gabok. Lilipat na sana ako sa isa pang muwebles nang may nagdoorbell. Lumapit ako at sumilip. Sina Paris. 

Bubuksan ko sana ang pinto nang biglang sumigaw si Third.

"NO!" Nagitla akong napalayo sa pintuan. Napahawak ako sa aking dibdib at nanlalaki ang matang tumingin kay Third.

"H-huh? Ba---" Hindi ko pa natatapos ang aking sasabihin ay agad niya akong hinila papalayo sa pintuan at dinala sa kaniyang walk in closet na kanina niyang pinuntahan. "T-Teka, anong nangyayari sa'yo? Kanina ka pa aligaga ahh"

Hindi niya ako pinansin at basta na lamang siya kumuha ng isang malaking hoodie jacket. 

"Hands up!" Mukha siyang nagmamadali kaya itinaas ko ang aking kamay. Mabilis niya namang isinuot sa akin ang kaniyang kinuhang hoodie jacket. Itinaklob niya ang hoodie sa ulo ko at siniguradong hindi makikita ang mukha ko.

Paano ako maglalakad nito?

Tiningnan ko ang kamay ko at lagpasan ito, hangangg ilalim ng pwet ang haba at sobrang luwag.

Saglit niya akong iniwan at sinabing dito lang daw ako kaya hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Inamoy amoy ko na lang ang sinuot niya hoodie sa akin at napapikit ako sa sobrang bango. Hmmmmm... amoy Third.

Natigil ako sa paglanghap ng kaniyang jacket nang bigla siyang pumasok. Nakahoodie na din siya katulad ko. Parehas kami naka-black hoodie jacket. Naka-jogging pants siyang gray at ako naman ay naka-pajama pang pink. 

His Psychotic Obsession [Nursing the Psychopath]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon