CHAPTER TEN: S O M E T H I N G ' S O F F
Rilley
"HE SAID IT'S boring" Napahinga ng malalim si Harry. "He's too cold. He didn't say much. He's just nodding and shrugging his shoulders to answer a yes and a no" Patuloy niya pa.
Napapahilot ako sa sentido ko dahil sa mga sagot ni Third sa session nila ni Harry.
"I can't talk to him seriously. He even can't focus on me. Minsan, paulit ulit na akong nagtanong pero ang mata niya lamang ay nasa parang flash drive na binigay sa kaniya ni Ma'am Alisha." Napatingin ako kay little tres na nasa ibabaw ng lamesa.
Siguro may kailangan siya at gusto niya akong tawagin pero hindi niya magawa kasi nasa session sila?
Or maybe it's because of his ADHD?
"Did he even have the knowledge of his mental health, of his disorder? Napaliwanag ba sa kaniya iyon ng maayos? Kasi dapat kahit naman konti ay maki-cooperate siya"Tanong ni Kleyo habang kumakain. Kanina pa siya kumakain. Kada mauubos, kukuha ulit ng saging.
May natira kasi kaninang mga prutas sa ginawang activity. Alas kuwatro na ng hapon at napagpasyahan namin tapusin na muna ang activity. Sa ngayon, ang maraming panalo sa amin ay sina Paris at Eloi. Pumapangalawa kami ni Third tapos si Eria and Harry at ang kulpot ay sina Asia at Ravales.
Nakakatawa lang isipin na akala ko'y sina Asia at Ravales ang pangsecond pero sila pa itong naging pangkulpot. Tuwang tuwa tuloy si Eria.
"I don't know. Si Dr. Sivillian ang nagpaliwanag kay Ma'am Alisha and maybe si Ma'am Alisha ang nagpaliwanag kay Sir Ace. I think alam naman niya ang sakit niya pero binabaliwala niya parin." Harry said.
Uminom ako ng tubig bago tumikhim. Napunta sa akin ang mga atensyon nila.
"I'm just saying this... what if... what if hindi talaga ADHD ang sakit ni Third?" Napasinghap sila sa tanong ko. Hindi ko sila masisisi na magulat kasi parang sinabi ko na mali ang findings at observation ni Dr. Sivillan sa case ni Third.
Pero kasi, kulang kulang na impormasyon ang binigay ni Dr. Sivillan meaning, kulang ang kaalaman niya sa condition ni Third. That makes him wrong on his findings kasi there's more than it meets the eye.
I think it's not just a simple ADHD. I think it's more than that.
Maybe PTSD? Or other behavioral disorder na mas malala pa sa ADHD? I don't wanna say this pero mukhang malala na ang condition ni Third. Hindi man nila napapansin, ako, napapansin ko dahil ako lagi ang kasama ni Third.
Kahit na wala pa kaming one week dito, nakikita ko na na may mali. There is something in third's condition that makes me feel scared.
And I don't know why.
"Paano mo naman nasabi iyan Rills?" Harry asked brows are furrowed.

BINABASA MO ANG
His Psychotic Obsession [Nursing the Psychopath]
Mystery / ThrillerFrom behavioral disorder to mental disorder, Third's condition became worst to the point that he reached a severe disorder and becomes a psychopath. Rilley Villafuerte, a psychiatric nurse, conducts research and several tests to know Third's conditi...