Chapter Twelve

160K 4.2K 459
                                    

CHAPTER TWELVE

MAY mga bagay talagang kahit anong gawin mong pagpapa-plano ay hindi nangyayaring matuloy kapag mismong pagkakataon at oras na ang pumipigil nito.

Ganoon ang nangyari kay Haley sa plano niyang bawiin si Gideon sa fiancee nito. After her cousin Reeve's wedding, hindi na magkatagpo-tagpo ang landas nila ng lalaki. Gustung isipin ni Haley na tila ba sadyang pinagtaguan siya ng lalaki o iniwasan siya.

Nasa Amora si Gideon, sigurado siya. Ngunit nang panahon na pupunta sana siya doon upang mapalapit sa binata ay hindi siya hinayaan ng mga magulang na makauwi ng kanilang probinsiya. May death threats kasing natatanggap ang Papa niya dahil sa pagiging malinis na politiko nito. Maraming nagbabanta sa buhay nito dahil lang sa tuwid na pamamalakad nito sa Amora. Baka daw malagay siya sa peligro kung uuwi siya roon. Huwag na muna daw siya dumagdag sa alalahanin. Mas ligtas kung nasa Maynila siya at malapit sa mga kamag-anak nila.

Walang nagawa si Haley kahit anong pilit niya. Hindi naman siya takot sa death threats kung tutuusin. Basta makalapit lang siya kay Gideon ay ayos na, pero imposibleng mangyari iyon.

Sa sobrang inis niya ay tinutok niya na lang ang sarili sa pagpipinta. Ngunit, hindi siya nawalan ng oras na malaman ang balita kung may petsa na ba ang kasal nina Gideon. At kanino pa ba siya makakakuha ng source kundi sa bago nilang cousin-in-law...

"So, you mean, kahit isa sa mga pinsan mo na may mga fiancee na, wala pa ring date ang mga weddings nila?" pasimpleng tanong niya kay Agatha nang inaya niya itong mag-kape sa labas.

Tumango ito. "Yes. They are all seemed busy. Lalo na si Kuya Gideon."

Pasimpleng napatuwid siya ng upo. "Why?"

Humigop muna ito ng Cappuchino nito bago sumagot. "Ang balita ko, talagang hindi pa napagpapasyahan nina Kuya Gideon at ng fiancee niya ang wedding date. Lagi kasi silang busy na dalawa. Lalo na ngayon na bothered din si Kuya Gideon kasi nakakatanggap siya ng death threats." Lumarawan ang pag-aalala sa mukha nito. "You know politics..."

She shrugged. "Nakakatanggap din ng ganyan ang Papa ko. Kaya nga ayaw nila akong pauwiin ng Amora. But they are all just death threats. Panakot lang kumbaga."

"Exactly. Kapag naglie-low na daw ang death threats at saka ulit pag-uusasapan nila Kuya Gideon ang tungkol sa kasal. At saka hihintayin niya pang bumalik ang fiancee niya from a modeling project na ginawa sa London."

Napataas siya ng kilay. So, wala si Olivia sa Pilipinas? Well, that would be great! Mas makakakilos siya ng malaya.

Iniba na ni Haley ang usapan para hindi makahalata si Agatha na masyado siyang interesado kay Gideon. Maya-maya ay umalis na ito dahil sinundo ito ng bestfriend nito. May klase pa daw ang mga ito sa pangalawang kurso na kinukuha ng mga ito.

Nakangiti si Haley habang nagmamaneho pauwi. Hihintayin niya lang maglie-low ang mga walang kuwentang death threaths at saka siya uuwi ng Amora. Say—one to two months...

But after two months, kung kailan puwede na siyang umuwi ng Amora ay hindi natuloy dahil sa dami ng mga kailangan niyang tapusing commissioned paintings. And painting is not an easy thing kahit pa mahal niya ang pagpipinta. Pinag-iisipan niya talaga lahat ng concept ng mga paintings na ginagawa.

So bago matapos ang lahat ng trabaho niya, it took her days, weeks, and more months! Halos wala na siyang social life dahil kung hindi siya nagpipinta ay natutulog lang siya. Kapag nagising naman siya ay tinutuloy lang niya ang pagpipinta.

One day, she was busy painting again when her cousin Lavender visited her.

"Hey you, little painter," bati nito sa kanya nang pumasok ito sa painting studio niya.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRWhere stories live. Discover now