Chapter Four

157K 4.5K 457
                                    

CHAPTER FOUR


MAHIMBING NA natutulog si Gideon sa ibabaw niya habang nakasubsob ang mukha sa kanyang leeg. Mag-iisang oras na rin siguro ang nakalipas pagkatapos nang may nangyari sa kanila.

They made love twice. That's her first and it was beautiful-no, it was wonderful and glorious!

Kahit ang buong bigat ni Gideon ay nasa kanya, hindi iyon pinansin ni Haley. Niyakap niya pa ito nang mahigpit at hinalikan sa noo. Tahimik lang niyang pinapakinggan ang mahimbing nitong pagtulog. At sa pag-alaala ni Haley sa mga nangyari kanina ay nagsimulang pumatak ang luha mula sa mga mata niya.

She now knew why Gideon's different from the first time she saw him... because her heart already loved him. Despite their age difference, and her being a playgirl, and him being brokenhearted.. she fell in love with him.

Just like that.

Hinaplos-haplos niya ang buhok nito. Her game was just to make him hers for a night and be his girl. Isasagawa niya sana iyon mamayang gabi pagkagaling sana nila sa party ng kaibigan niya sa Maynila. She wanted to totally experience losing her virginity to Gideon only. Gusto niya ring maging boyfriend ito ng seryosohan.

Pero, hindi naman pumasok sa isip niya ang umibig dito. Basta ang gusto niya lang ay sa kanya si Gideon. Hayun pala ay may rason ang pagiging possessive niya sa lalaking ito.

Mahal niya na ito. Lalo siyang naiyak. Dahil hindi niya alam kung may katugon iyon, lalo na at dala lang marahil ng alak kung bakit nangyari ang mga nangyari ngayon. Idagdag pa ang pagbabalik ni Olivia na halata namang mahal pa rin ni Gideon.

Mas humigpit ang pagkakayakap niya kay Gideon nang bahagya itong gumalaw. She wished she can keep Gideon like this forever.

The game is over, Haley. You lose.

***

TAHIMIK PAREHAS sina Haley at Gideon habang hinahatid siya ng binata kung saan niya iniwan ang kotse niya sa barangay na iyon. Gabi na at walang choice si Haley kundi umuwi sa mansyon ng mga magulang sa probinsiyang iyon.

Bago siya sumakay ng kotse niya ay hinarap niya si Gideon. "A-About what happened..."

Hindi nagsalita si Gideon at seryosong nakatingin lang sa kanya.

Napalunok siya. "Gideon, please tell me that it's something..." she said, half pleading.

Nag-iwas ito ng tingin at nilagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. "Umuwi ka na muna, Haley. Bukas ng umaga na natin pag-usapan 'to."

Kumibot-kibot ang mga labi niya ngunit tumango na lang siya at pumasok na ng kotse niya. Nasaktan siya sa pasimpleng pagtataboy nito kaya hindi na siya nangulit pa.

Nang makauwi siya sa mansyon ng mga magulang ay sinigurado niyang nakahanda ang kanyang mga ngiti at sagot sa "biglaan" niyang pag-uwi roon. Nasorpresa nga ang mga magulang at nasagot niya naman ng mahusay ang mga tanong ng mga ito na hindi nakahahalata sa tunay niyang nararamdaman.

After joining her parents for dinner, mabilis na umakyat si Haley sa kuwarto niya. Gustung-gusto niyang tawagan si Gideon, ngunit pinigilan niya ang sarili. Now, it matters to her na baka makulitan at mainis ito sa kanya.

Humiga siya ng kama at sinubsob ang mukha sa unan. Nakatulugan na niya ang pag-iyak.

Nagising si Haley dahil sa malakas na tunog ng kanyang cellphone.

Pikit-matang kinapa niya ang cellphone at pagkatapos ay idinilat ang isang mata upang makita kung sino ang tumatawag. Nang mabasa ang pangalan ni Gideon sa screen ay bigla siyang napabalikwas ng bangon.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRWhere stories live. Discover now