Chapter Nine

151K 4.5K 287
                                    

CHAPTER NINE


AGAD na napangiti si Haley nang sa paggising niya ay ang guwapong mukha ni Gideon ang nabungaran niya. Tulog na tulog ito at tila hindi ininda ang bigat niya dahil magdamag siyang nahiga sa ibabaw nito pagkatapos ng nangyari sa kanila kagabi.

She was about to say the truth to him, pero hindi niya kinaya. She can notice the feelings in Gideon's eyes. At natatakot siyang masaktan ito dahil sa panloloko niya para maikasal sila. Oh, the wedding! Bukas na sila ikakasal.

Napabuntong-hininga siya at saka marahang bumangon. She still felt sore and she didn't want to be away from him. Hinalikan niya ito sa labi bago isa-isang pinulot ang mga damit niya. Ang bigat-bigat ng puso niya dahil sa naisip na gagawin. Last night was so wonderful that she wanted to think that she's really pregnant, at tuloy lang ang kasal nila bukas.

Pero mahal niya si Gideon, totoong mahal. Hindi niya na kayang lokohin pa ito.

Sinuot niya ang mga damit at saka naghanap ng papel at ballpen sa kabahayan. Nang makakita siya niyon sa sala ay agad siyang nagsulat ng maikling mensahe na alam niyang hindi niya kayang sabihin rito ng personal. Napakaikli lang ng sinusulat niya ngunit hindi iyon matapos-tapos dahil sa panginginig ng kamay at sunud-sunod niyang paglunok.

Gideon, baby,

I'm sorry. Pero hindi totoong buntis ako. I thought deceiving you for you to choose me was the only way for me to have you. Mali ako. Nagsinungaling ako. Pero mahal na mahal kita. Iyon ang totoo sa lahat.

-Haley

Hanggang sa napasigok siya at tuluyan nang naiyak pagkatapos magsulat.

Bumalik siya sa loob ng kuwarto at tahimik na kinuha ang mga damit ni Gideon sa sahig. Habang tuluy-tuloy ang pagdaloy ng mga luha niya ay tinupi niya ang mga damit at ipinatong iyon sa isang side drawer. Nilagay niya sa pinaka-ibabaw ang kapirasong papel. Nilingon niya ang natutulog pa rin na lalaki at parang gusto na niyang punitin ang sulat ngunit pinigilan niya ang sarili.

Hindi matatawag na pag-ibig ang pag-ibig niya rito kung patuloy niya itong lolokohin. Hindi niya alam kung mahal na rin ba siya nito pero sinabi nitong gusto na siya nito. Tiyak na masasaktan niya ito kahit ayaw niya ngunit nandoon na siya sa sitwasyong iyon. Kailangan niya na lang maghintay kung tatanggapin pa ba siya ni Gideon o mamumuhi na ito sa kanya pagkatapos niyon.

Lumabas na siya ng kuwarto at bahay. Kahit walang sariling kotse at pumara lang ng taxi sa labas ng kanto, patuloy pa rin ang paghagulgol niya.

***

"GIDEON?"

Mula sa kinauupuang rattan chair sa kanilang garden ay napatayo si Haley nang makita si Gideon na papalapit sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha sa mga mata at pisngi. Biglang tumalon ang puso niya sa kaba at takot sa reaksiyon ni Gideon. Is she stupid if she hoped that Gideon still wants her after she admitted the truth about her fake pregnancy?

Nasasabik na nilapitan niya ito ngunit napahinto siya nang makita ang itsura nito. Lumubog ang puso niya nang makitang walang ekspresyon ang mukha nito at malalamig ang tingin nito- katulad ng unang beses niya itong nakita sa victory party ng ama. The smiling and caring Gideon was gone, again.

"I read your note earlier," seryosong sabi nito habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Wala siyang mabasang galit o ano roon. Napakalamig lang ng tingin nito. "You're not pregnant, huh?"

Umiling siya at napayuko. "Y-yes...I'm so sorry, Gideon." nanginginig niyang kumpirma. Nagsisimula na naman siyang maiyak at hinanda ang sarili sa galit nito.

Sweet Scheming Playgirl (TOG #1) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon