Siyam ( Ikalawang Bahagi )

30 1 0
                                    


"Veron", tawag pa rin ni Carl pero tuluyan nang naglakad si Veron sa kinaroroonan nina Adril, Shaun at Drew.

"Ayst", naiinis niyang sabi pero wala na talaga siya magagawa. Ubod kasi ng kulit si Veron.

Napatingin sa gawi ni Veron sina Drew. Kita kasi nilang naglalakad palapit sa kanila ang dalaga. "Uy, may bisita", ani Adril.

Ngumisi lang si Drew at tiningnan ang estudyanteng biktimang nakaupo pa rin sa damuhan. Inayos nito ang kuwelyo at pinagpagan ang maruming damit saka tumayo. Nakatayo lang din sina Shaun at Drew na hinihintay ang sunod na mangyayari.

Pagkatayo ng estudyante ay nagawa pa niyang tingnan sina Shaun. Pati si Veron ay tiningnan nito, ang mga tingin na kakikitaan ng pagpapasalamat. Kung hindi dahil sa kanya, hindi mahihinto ang ginagawa sa kanya ng grupo ng mga 'to.

Hinayaan lang din nilang makatakbo ang lalaki. Nagkakandarapa pa ito sa pagmamadaling makatakas. Ang harap ng likuran ng skul nila ay isang abandonadong kuwarto na ginawang imbakan lang ng mga sirang gamit gaya ng upuan, mesa at mga sirang blackboard. May bintana rin itong gawa sa salamin pero wala naman tao sa loob kaya di makikita kung anuman ang ginagawa ng mga estudyante sa likod.

"Kailan ba kayo titigil?" lakas-loob na tanong ni Veron sa kanilang tatlo. Isa-isa niya silang tiningnan. Kung puwede lang din sana ay bugbugin niya ang mga ito gaya ng ginagawa ng mga 'to sa dating estudyante.

Ihinulog ni Shaun ang sigarilyo saka tinapakan ng sapatos ang sindi nito. "Ine-enjoy lang namin 'to. Paalis na rin kasi kami sa skul na 'to", sabi niya sa tanong ni Veron.

"Sino nag-utos sa'yong pumunta dito?" tanong din ni Drew sa kanya.

"Baka si Carl?" pagsingit din ni Adril.

"Ah", parang nakuha na rin ni Drew o nahulaan ang sinabi ni Adril. "Si Carl, ang dakilang traydor".

"Walang nag-utos sa'kin", diretsong sagot niya. Noon pa, basag-ulo na ang mga kaibigan ni Carl. "Kung ako sa inyo, ititigil ko na mga ginagawa ninyo dahil wala kayong magandang ambag dito". Buti na lang din at nagawa nitong tumiwalag sa kanila dahil kung hindi, natuluyan na siyang gumaya sa kalokohan ng mga 'to.

"Babae ka lang kaya di ka namin papatulan", nakangisi pero nang-iinis na sabi ni Shaun. Ngumisi na rin si Drew.

Ganito pala ang ibang lalaki, mamaliitin ka dahil tingin sa isang babae ay mahina. "Wala akong pakialam kung babae ako." Naikuyom ni Veron ang kanang kamao. Gustung-gusto niyang sapakin ang lalaki kahit alam niyang wala rin naman siyang laban. Tatlo sila, isa lang siya.

"Lumaban kayo nang patas!"

Naghalakhakan ang tatlo. Umiling-iling. Parang di sila makapaniwalang lalabanan sila ng isang hamak na babae lang.

"Gusto mo ba talaga matuluyan, Veron? Manang-mana ka sa kaibigan mong magaling".

"Baka gusto mo matulad ro'n sa estudyante kanina?" dugtong din ni Shaun.

Tumawa naman si Adril at sinabing , "Bestfriend goals".

"Baka gusto mong--" nilapitan ni Drew si Veron, pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa,
--makatikim?"

Napakagat-labi ang lalaki at mahinang tumawa. "Balita ko, nagbebenta ng katawan mama mo di ba? Baka puwede mo ako bentahan niyang sa'yo?"

Heto na naman sa walang katapusang pangmamaliit sa kanya. Hindi niya ginustong maging isang anak ng babaing nagtitinda ng laman. Hindi niya ginusto. . .  Mas lalong di niya ginustong tapak-tapakan ng iba di lang ang pagkatao niya kundi pati na rin pagkababae niya.

"Bastos ka!" galit niyang sigaw at mabilis na tinuhod ang lalaki sa pagitan ng mga hita nito.

"Woah", nakangangang nakatingin lang ang dalawang sina Shaun at Adril sa nangyayari at ginagawa ni Veron sa kanilang kaibigan. Hindi pa siya nakuntento. Pinatikim niya ng sunud-sunod na malulutong na sampal si Drew sa magkabilang pisngi.

Napapangiwi sa sakit si Drew  habang hinahawakan ng dalawang kamay ang kanyang pagkalalaki. Pakiramdam niya ay nabasag ang kanyang pinaka-kapangyarihan bilang lalaki.

Hindi na napigilan ni Veron. Pinagsusuntok niya sa dibdib at pisngi si Drew habang may mga butil ng luha ang lumalabas galing sa kanyang mga mata.

"Dapat sa mga taong gaya mo, pinapatay!"
Ilang taon na niyang tinitiis ang mga sinasabi ng mga tao sa kanya. Ngayong may nahanap na siyang mapagbubuntunan ng sama ng loob sa mga tao, susulitin na niya ito.

"Hayup ka!" sigaw niya habang di tinitigil ang ginagawa. "Mamatay ka na! Mamatay na sana lahat ng taong kagaya mo! Kagaya ninyo!"

Naaawa pero nakanganga lang sina Shaun at Adril sa nangyayari. Hindi man lang magawang tulungan ang kanilang kaibigan. Hindi nagtagal, may mga kamay na pumigil sa pagiging bayolente ni Veron. Inilayo siya nito kay Drew at mahigpit na niyakap para di na masaktan pa ang namimilipit pa rin sa sakit na si Drew.

Naririnig niya ang mga hikbi ni Veron habang nakasubsob sa dibdib niya. Nagpupumilit pa rin siyang makalapit kay Drew pero pinipigil niya.

"Tama na, Ron", pag-alo ni Carl sa kaibigan. Ngayon lang niya ito nakitang nagalit nang tuluyan at di niya aakalaing ganito siya magalit. Ibubuhos niya ang lahat ng lakas para mailabas ang nararamdaman kahit pa nakakasakit siya.

"Shh. . Tama na, Ron", pag-ulit niya pa. Pati siya ay sinusuntok na rin ni Veron sa dibdib pero tinitiis na lang niya ito. Ayos na sa kanyang siya ang masaktan, wag lang si Veron.

Saka lang nagsilapitan sina Shaun at Adril kay Drew nang matigil din si Veron sa ginagawa sa kanya. Hinawakan nila si Drew pero inalis niya agad ang mga kamay nila.

"Mga wala kayong silbi!" naiinis nitong sabi sa dalawa.

Patuloy pa rin sa paghikbi si Veron. Nang matigil na siya sa pananakit, hinagod ni Carl ang kanyang buhok.

Nagsimulang magsulputan ang mga estudyante. Pinanood pala ng mga ito ang nangyari kanina. Nang mahimasmasan si Veron, tiningnan niya ang mga estudyanteng 'yon na parang natatakot na sa kanya. Ang tanging handang lumapit sa kanya at yakapin siya para pagaanin ang loob ay walang iba kundi si Carl. Pagtingin niya sa mga estudyanteng nanonood, nakaramdam siya ng kaunting takot para sa sarili. Masyado siyang nagpadala sa galit. Nakasakit siya ng ibang tao dahil sa galit niya. Tiningnan niya ang nakatayo na pero nakahawak pa rin sa kanyang tinuhod na si Drew.

Binaling niya ang mga mata kay Carl. Hindi takot ang nakikita niya sa mga mata nito kundi awa at pinaka-ayaw niya sa lahat ang awa. Hindi niya kailanman ginustong kaawaan siya ng iba.

"Veron", akmang hahawakan siya ni Carl pero mabilis siyang umatras. Hindi siya karapat-dapat para sa lalaki dahil uulanin lang din siya at uulanin ng masasakit na salita gaya ng nangyayari sa kanya. Hindi niya gugustuhing madamay nang madamay ang lalaking gusto niya. Hindi kahit kailan. Kahit pa siya na lang ang sumalo ng mga panghuhusga ng iba, wag lang ang taong gusto niya. Wag lang si Carl.

Ako na lang ang lalayo.

Tiningnan niya ulit ang mga taong nakapaligid sa kanila. Nagbubulong-bulungan ang mga 'yon. Mukhang nahuhulaan niya kung ano ang mga sinasabi nito. Kung anuman ang sinasabi nila tungkol sa kanya, gusto lang niyang wag na lang pagtsismisan si Carl.

Natigilan siya nang makitang nakatayo rin si Pat, tinitingnan sila, siya. Noon lang siya nakaramdam ng hiya dahil nakita ng kanyang kaibigan kung ano ang mga ginawa niya at sinabi lalo na ang hiling niya kaninang mamatay na si Drew.

Halatang dismayado ang mukha ni Pat. Di rin nagtagal ay umalis na rin si Pat. Napalunok siya at mabilis na pinunasan ang kaninang umiiyak na mga mata niya. Kahit ganito ang nangyari, lalaban pa rin siya.

"Ron," mahinang sambit ni Carl sa kaibigan. Nahihintakutang tinitingnan ni Carl ang kanyang mukha kaya nagtaka siya. Parang may nangyayari sa mukha niya kaya mabilis niyang hinawakan ang kanyang pisngi pero wala naman luha hanggang sa maramdaman niyang may tumutulong likido galing sa kanyang kaliwang ilong.

Nang hawakan ito ni Veron, ito ay dugo. Dugo ang likidong tumutulo galing sa kanyang ilong.

Pati sina Drew, Shaun at Adril ay nagulat sa nangyari. Nanginginig ang mga kamay ni Veron na tiningnan si Carl saka nagtatakbo palayo.

Anak ng Puta Where stories live. Discover now