Labingsiyam

29 1 0
                                    


Carl

"Gusto mo kendi?" tanong ko kay Veron. May dinukot akong kendi sa bulsa, isang violet fres mint candy at nakasulat do'n na 'i love you'.

"Meron ka ba?"

Inabot ko na lang sa kamay niya ang kendi. Inabot na kami ng gabi dito sa daanan dahil may ipinagawa raw kay Veron na kailangan niyang tapusin dahil nagagawaan na naman ng grades. Kailangan niya makahabol kaya hinintay ko na lang siya makauwi.

"Bilisan na natin, Carl", bakas sa boses niya ang pag-aalala. Baka nga mamaya nandiyan na naman yong lalaking sumusunod sa amin. Malilintikan na naman.

"Wag kang mag-alala. Kasama mo naman ako".

Hinampas na naman niya ako sa braso. Minsan, di ko na maintindihan bakit bigla na lang siya nananakit. "Natatakot kaya ako. Bilis na", hinila na niya ang kamay ko para makauwi na nga kami. Ihahatid ko pa siya sa kanila. Nakagawian ko nang ihatid siya. Naghahanda lang bilang future boyfriend niya.

"Sige na nga". Hinawakan ko na ang kamay niya at tumakbo kaya napatakbo na rin siya. "Basta kasama mo ako, wala ka dapat ikatakot!" sigaw ko sa kanya habang tumatakbo kami.

"Sira ka", dinig kong sabi niya pero natawa lang ako. Sira ako. Sirang-sira para sa kanya pero siya lang din naman ang bumubuo sa'kin.

Huminto na muna kami sa pagtakbo. Pareho naming hinahabol ang hininga nang oras na 'to. Naiilawan ng street lights ang mukha ni Veron. Kitang-kita tuloy kung gaano siya kaganda sa paningin ko. Nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok, hinihingal pa siya pero ang ganda niya pa rin.

"Takbo na ulit tayo?" tanong ko ulit at hinawakan ang kamay niya. Bumitaw siya sa kamay ko at nagulat ako dahil hinalikan niya ako sa pisngi sabay sabing "tara?" kahit hinihingal pa.

Natulala ako sa kinatatayuan ako. Hinalikan ako ni Veron. Di ako makapaniwala. Kahit dampi lang yon, ang saya sa pakiramdam.

Napangiti ako. "Sige ba", sagot ko pa at tumakbo ulit kami. Para akong nakalutang sa langit. Wala lang sa akin kahit maubusan ako ng hininga o sumakit pa tuhod ko kakatakbo basta kasama ko naman siya. Basta kasama ko lang ang babaing mahal ko.

Nasa kalagitnaan kami ng pagtakbo nang marinig ko ang isa sa paborito kong lumang kanta, ang 'Tonight' ng FM Static.

I remember those times we spent together on those drives

Tiningnan ko si Veron na huminto muna sa pagtakbo ilang metro ang layo sa'kin. Hinihintay niya ako habang nagpapahinga kaya umupo muna siya sa kalsada.

We had a million questions all about our lives

Parang alam ng tadhana kung ano ang nangyayari sa amin ni Veron ngayon, nagsasaya kami, kami lang dalawa.

And we got to New York
Everything felt right

Naalala kong hindi pala masaya ang lyrics ng 'Tonight' kaya nilapitan ko na si Veron. Pakiramdam ko, bumabagal ang oras ngayon habang nilalapitan ko siya.

I wish you were here with me tonight

Hinawakan ko siya sa pisngi niya at kinabig siya palapit sa'kin para yakapin. Di ko na alam kung pinagtitinginan kami ng mga dumadaan. Gusto ko lang mas maiparamdam pa kay Veron kung gaano ako kasayang nakilala ko siya.

Anak ng Puta Where stories live. Discover now