Chapter 14

769 47 1
                                    

Chapter 14






Naunang natapos maglunch ang groupo nina Keano kaya sila ang naunang nagpaalam sa amin. Maaga raw kasi ang susunod nilang klase kaya naman umalis sila kaagad.


Pagkaalis nila ay parang hindi mapirming bulate si Stella sa kaniyang upuan dahil sa pagkakilig kay Keano. Napailing nalang kaming apat dahil duon.


She's really into him.


Ilang saglit lang rin ay natapos na kami at humiwalay na kami ni Flynn sa kanila dahil iba kami ng klase ngayon. Medyo nakaka antok ang klase na ito ngunit sinikap kong huwag makatulog habang nagsasalita ang professor namin. Mahirap na at baka matyepuhan ako, terror pa man rin ito.


"I feel sleepy." Bulong ni Flynn sa gilid ko.


Bahagya akong yumuko na kuwari ay nagsusulat saka bumulong sa kaniya. "Ako rin." Sagot ko.


Pareho naming nilabanan ang antok sa halos dalawang oras na klase ng major subject namin na iyon. Ang sumunod na subject ay bakante dahil wala raw ang professor kaya sa library kami ni Flynn dumiretso.


Gusto raw niyang matulog duon. Ako naman ay inilabas ang lecture kanina upang reviewhin dahil wala akong masyadong naintindihan kanina.


"Shit!"


Sumulyap ako kay Flynn nang magsalita ito.


Nakatingin siya sa kaniyang cellphone at mukhang may nabasang hindi magandang balita.


"Bakit?" Bulong ko sa kaniya.


"Yung kapatid ko sinugod raw sa ospital. Kailangan kong puntahan." Sagot niya.


"Ganun ba. Samahan kita." Kaagad kong iniligpit ang mga gamit ko para sumama sa kaniya.


"Are you sure?"


"Oo naman. Tara na." Sagot ko.


Kaagad pinasibad paalis sa university ni Flynn ang sasakyan nang makasakay kami.


Mabilis lang ang binilang na minuto at nakarating rin kami sa ospital kung saan sinugod ang nakakabata niyang kapatid. Naabutan namin roon ang nanny ni Francis at si Manang Emilita na pagpapakilala niya sa akin ay tagapag alaga nila.


"Maayos na ang kalagayan niya ngayon. Ang sabi ng doktor ay stomach ache lang raw." Sabi nito.


Tumango si Flynn saka sinulyapan ang natutulog na kapatid.


Ang sabi ng doktor ay maari nang lumabas si Francis ngayong kapag nagising ito kung nais nila. Ngunit sabi ni Flynn ay bukas nalamang raw upang mas lalong maka tiyak na maayos na ang pakiramdam nito.


Wala ang kanilang parents dahil nasa out of the country na business trip raw ang mga ito, ngunit tumawag na rin naman sila at sinabing uuwi rin kaagad.


Nanatili pa kami muna roon dahil nag paalam sina Manang na uuwi muna upang kumuha ng pamalit na damit ni Flynn at dito raw siya magpapalipas ng gabi.




Nang mag alas singco nang hapon ay tumawag si Yuri sa kaniya upang itanong kung nasaan kami dahil may huli pa kaming klase. Sinabi niyang ihahatid na niya ako pabalik ng university upang maka attend sa huling klase ngunit hindi na ako pumayag.


Hindi pa kasi nakakabalik sina Manang at walang maiiwan na magbabantay kay Francis kapag umalis kami. Baka magising siya ng walang kasama, nakaka awa naman.




The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now