Chapter 25

797 40 1
                                    

Chapter 25



"Eli!"

Halos mapatalon ako nang tawagin ako ni Kenny. Kumunot ang kaniyang noo sa akin.

"Ayos ka lang ba? Kanina ka pa wala sa sarili mo." Sabi ni Kenny sa akin.

Tinapik pa nito ang aking balikat. Kumurap-kurap ako at umiling. Kakatapos lang naming maglibot sa kabuoan ng beach at gawin ang pangumagang aktibidad. Binigyan muna kami ng free time.

Nakaupo ako sa ilalim ng isang puno at nagpapahinga habang ang iba ay nasa beach at naliligo sa dagat. Ayoko naman roon kaya dito nalang ako.

"Uh, ayos lang ako! Pasenya na medyo puyat lang ako." Sagot ko. Hindi ko napansing narito na pala si Kenny.

Bahagyang nanlaki ang kaniyang mga mata tapos ay ngumisi siya ng makahulugan.

"Ah- ganun ba, hindi kaba pinatulog ni Kean kagabi?" Tanong niya habang may nakakalokong ngiti pa rin sa kaniyang mukha.

Bahagyang kumunot ang aking noo. "Uh- parang ganun na nga?" Alangan kong sagot.

Totoo naman na si Keano ang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi ng maayos dahil sa kaniyang sinabi. Ang bawat salitang kaniyang binigkas ay tumatak sa isip ko at nagiwan ng marka.

Ang mga insekto sa aking sikmura ay walang kapagurang lumipad-lipad at kumiliti sa akin. Argh! Hindi ko na alam kung ano ba talagang nangyayari sa akin! Idagdag pa ang mga kakaibang kilos at salitang binibitawan ni Keano sa akin.

Lumawak ang ngisi sa mukha ni Kenny tapos ay tumango ito.

"Okay, huwag ka muna sumali sa laro ngayon, pahinga ka muna. Alam kong first time niyo kaya naiintindihan ko kung pagod at puyat ka." Sabi niya. Tinapik-tapik pa nito ang aking ulo.

Mas lalong lumalim ang pangungunot ng noo ko. Ano bang pinag-sasabi ng isang 'to?

Magsasalita pa sana ako ngunit napigil iyon nang hawiin ni Keano ang kamay ni Kenny na nasa aking ulo.

Hindi ko napansin ang kaniyang paglapit.

Sumulyap ako sa kaniya. Madilim ang kaniyang mga matang nakatingin kay Kenny.

Itinaas naman ni Kenny ang dalawang kamay sa ere na parang sumusuko at bahagyang natawa.

"Chill, okay wala kaming ginagawang masama." Natatawang sabi nito saka bumaling sa akin. 

"Balik lang ako don." Sabi niya saka tinapik ako sa braso at kumindat pa.



"Get lost asshole!" Asik ni Keano sa kaibigan. Inambaan niya pa ito ng sipa na kaagad naman niyang iniwasan.

Nang makaalis si Kenny ay saka humarap siya sa akin. Nakakunot ang noo.

"Anong pinag-uusapan niyo ng gagong 'yon?" Tanong niya. Naupo siya sa buhanginan katabi ko.

Bahagya akong umusog palayo sa kaniya. Ang aking sistema ay nagsisimula na namang maghurumentado dahil sa kaniyang paglapit.

"Uh-wala naman. May tinatanong lang." Sagot ko. Sinubukan kong maging kaswal at huwag mautal sa pag-sagot.

Naramdaman ko ang pagtingin nito sa akin. Lihim akong napalunok at nahigit ang aking paghinga dahil duon.

Muli ko na namang naalala ang mga sinabi niya kabagi. Dahil duon ay hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha.

The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now