Chapter 15

836 41 0
                                    

Chapter 15




"Eli, No."

Napapikit ako sa muling pagtangi sa akin ni Keano nang muli ko sa kaniya i-open ang tungkol sa hinihinging pabor sa akin ni Maico.


"Please, sige na isang beses lang naman. Tsaka hindi naman ito para sa akin, para kay Maico 'to." Sabi ko.


Humarap siya sa akin nang may iritasyon sa kaniyang mukha. Umawang ang kaniyang bibig tila may nais sabihin ngunit pinili niyang huwag nalang.


Mariin siyang pumikit at umiling.


"Matulog kana Eli." Sabi niya bago niya ako iwan sa kusina.


Ngumuso naman akong isnundan siya ng tingin papasok sa kaniyang silid.


Napabuga ako ng hangin nang muling maalala ang pabor na hiningi ni Maico noong nakaraang araw.


-Flashback-

"Ano ba iyong hihingin mong pabor at parang ang bigat ata?"


Alinlangan kong tanong sa kaniya. Huminga siya ng malalim at tumanaw sa field ng university kung saan may nagta-training na soccer players.


"As I was saying, I want to make a surprise dinner date for Stella and Kean."


Hindi ko maiwasang manlaki ang mga matang napatitig sa kaniya nang sabihin niya iyon.


Lumingon siya sa akin at ngumiti, ngunit hindi umabot sa kaniyang mga mata ang ngitin iyon.


"She's asking me about this for a quite long time now and I just can't grant her wish because back then Sofia and Kean are together. Now that Kean are already single, maybe I could give her wish."


Napayuko nalang ako. Kahit hindi sabihin ni Maico, alam kong may nararamdaman ito para ay Stella. Kita ko iyon sa tuwing titingnan niya si Stella, may ibang kinang sa mga mata niya at may ibang sakit sa tuwing pangalan ni Keano ang lumalabas sa bibig nito.


"Gusto mong kumbinsihin ko si Keano na makipag date kay Stella, 'yon ba ang hihilingin mo?"

Tumango siya.

"Yeah. Can you do it for me?" He asked. His voice is almost pleading.


Alanganin akong ngumiti. "Hindi ko alam kung magagawa ko." Sagot ko.


Ang totoo niyan, hindi sa pagkumbinsi kay Keano ako nagaalangan kundi sa sakit na pwedeng maramdaman ni Maico kung sakaling pumayag si Keano.


Pakiramdam ko magco-contribute ako sa sakit na mararamdaman ni Maico sa araw na iyon kung sakali. Nakokonsensya ako!


"Eli, please? Para sa akin?"


Nakagat ko ang aking ibabang labi. "Sigurado kaba? Magiging okay ka lang ba?" Tanong ko.


Kumunot ang noo niya at bahagya siyang tumawa.


"O-of course I will be okay! How would I not be?" Pagkukubli niya sa sakit na nararamdaman.


Bumuga ako ng hangin at alanganing tumango sa kaniya.


Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko. Pero bahala na.


"Thanks, Eli."


The Love Encounter (Varsity Boys Series #2)Where stories live. Discover now