Anna (5)

22.6K 652 365
                                    

Ang bilis lumipas ng mga araw. Biyernes na naman. Dalawang linggo na ako rito sa campus pero hindi pa rin ako mapakali.

Parang hanggang ngayon, hindi pa rin naniniwala ang sarili kong nandito ako. Ang buong akala ko talaga, hindi na ako papasa. Kinondisyon ko na nga ang sarili ko pati na rin si Papa na itutuloy ko ang pag-aaral ko sa Aklan na lang. Nanlumo siya noon at medyo masakit rin para sa akin na makitang malaglag ang mga balikat niya sa pagkabigo pero anong magagawa ko? Hanggang doon lang talaga ang kaya ng utak ko.

Kaya nang matanggap namin ang acceptance letter, hindi matawaran ang tuwa ni Papa. Natuwa rin naman ako kasi at least napatunayan ko sa sarili kong hindi ako bobo. Pero nandoon pa rin ang pagdadalawang-isip ko. Nalaman ko na kasi ang specialty ng highschool. STEM strand. Kaya pala ang halimaw n'ung mga qualifying exams. Hindi ko alam kung gusto ko 'yon.

Pero ayon nga, sumunod na lang ako sa agos kasi hindi ko naman alam kung paano sasalungatin ang aking ama gayong grabe na ang mga plano niya.

Si Papa. Naalala ko na naman siya. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga at ibinuga rin 'yon. Kailangan ko na sigurong bumalik ng dorm at magpalit ng damit kasi kailangan kong pumunta ng downtown para makipagkita sa kanya. Pero tamad na tamad akong tumayo mula sa upuan ko. Tamad na tamad tapos nasusuka rin sa isiping sasakay ako ng jeep at maaamoy ko na naman ang gasolina.

"Hindi ka pa lalabas?" Napalingon ako sa katabi ko. Masyado akong maraming iniisip na nakalimutan ko na siya. Doon ko rin napansing kaming dalawa na lang ang naiwan sa classroom.

"Mayamaya." Matipid kong sagot. "Ikaw?"

"Hinihintay ko pa si Cole."

Hindi ko maiwasang mapangiwi nang marinig iyon. Hangga't maaari ayaw ko sanang sumagi ang kaibigan niya sa utak ko kasi kasi nagsasama ang hiya at inis ko sa tuwing nakikita ang pagmumukha n'un. Hindi ko alam kung bakit parang naalibadbaran talaga ako sa taong iyon. Kung tutuusin, hindi naman niya ako inaano pero naiirita talaga ako doon.

Paano, ipinapaalala niya sa'yong shunga ka!

Napabuntong-hininga na lang ako at ibinaon ang ulo ko sa aking mga braso. Tama naman ang konsensiya ko. Parang defense-mechanism ko na ang mairita sa kanya kasi kung hindi maaalala ko na naman na sinukahan ko ang isang estranghero at ako pa ang may ganang magsuplada.

Nararamdaman ko ang titig ng seatmate ko sa akin kaya nag-angat ako ng tingin. Nakahilig pa rin ang pisngi ko sa aking braso pero nasa kanya na ang atensyon ko.

"Ano nga ulit ang pangalan mo?" Bigla kong naaalalang tanungin.

Umangat ang mga kilay niys. "Isang linggo na tayong nagpapalitan ng papel sa quiz pero hindi mo pa rin ako kilala?"

Linabian ko siya. "Ang hirap alalahanin ng apelyido mo eh. At ang daming pangalan na kailangan kong imemorize nitong linggong 'to. Pagod na ang utak ko. Sige na, pangalan mo na."

"Theo," sabi niya. "Theo Andreyev."

Nalukot na naman ang mukha ko sa apelyido niya. "Bakit parang pangalan din ang apelyido mo?"

Kumibit-balikat siya. "Ganoon sa Russia. Makikita sa apelyido kung kanino kang anak."

Na curious na ako. "So Andrei ang pangalan ng tatay mo?"

Ngumisi siya. "Hindi. Fyodor." Isa pang pangalang ang hirap alalahanin.

Umikot na ang mata ko sa inis. "Pinagloloko mo naman ako eh."

Tumawa lang siya pero hindi naman na tumugon. Nakita kong iniisa-isa na niyang kuhain ang kanyang mga gamit sa ilalim ng desk at ipinatong iyon sa ibabaw. Nilingon niya rin ako nang mapansin niyang ako naman ngayon ang nakabantay sa kilos niya.

Kiss Me, Cole (Part 1) [IN EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon