Chapter 2

8 2 1
                                    

Lara Perez's POV

Nandito ako sa Hardin nagwawalis ng makita ko si Paulita na naglalakad sa daan kaya tinawag ko ito.

"Paulita!!,Ano ang iyong gagawin at nasa labas ka ngayong tanghali?"Sabi ko sabay baba muna ng dala kong walis.

"Bibili ako sa karinderya ng makakain,Ako'y gutom na gutom na kasi"Saad nya kaya tumango nalang ako.

Pinagpatuloy ko na ang pagwawalis ng mga tuyong dahon.

Pagkatapos kong magwalis ay pumasok nako sa loob ng bahay at pumunta saaking silid.

Hindi ko namalayang pumikit na pala ang aking mga mata.

-
-
-
-
-
-

Nagising ako dahil sa katok kaya naglakad ako papunta sa pinto at binuksan ito.

Pagbukas ko nakita ko ang maaliwalas na mukha ni Paulita,Masasabi kong maganda talaga si Paulita.

"Ohh,Paulita bakit ka nandito?"Sabi ko kaya napangiti sya.

"Pwede ba tayong maglaro,Lara?"Saad nito kaya pinatuloy ko na ito sa bahay.

Kinuha ko ang aking manika at pinaglaruan namin iyon..

Naglaro lang kami buong tanghali hanggang sa gumabi na.

"Sige na lara uuwi na ko"Sabi nya sabay ngiti..

"Paulita,Pano kaya kung dito ka nalang manirahan?"Sabi ko pero umiling sya..

"Hindi pwede,Walang magbabantay sa aming tahanan"Sabi ko sabay tango..

Naglakad na papalayo si Paulita ako naman yan pumunta saaking silid ng may makita akong isang maliit na kahon.

Kaya kinuha koto at tiningnan kung anong laman.

Biglang tumulo ang aking luha ng mapagtantong mga litrato ko ito noong sanggol pa lamang ako kasama si Inay at Itay.

Habang tinitingnan ang mga litrato sya rin sabay sabay na pagagos ng aking luha sa aking pisngi.

Mahirap paniwalaan ang nangyari pero kailangan kong maging matapang para sakin mga magulang.

"Itay Inay sana kung nasan man po kayo ngayon sana po ay masaya kayo jan,Mahal na mahal ko po kayo"Sabi ko sabay yakap ng mga alaalang hindi na maibabalik pa.

Pinunasan ko ang aking luha at inilagay na ang mga litrato sa Kahon.

Nilagay ko ito sa tagong lugar sakin tahanan..

Naglakad nako papunta saaking silid habang umiiyak parin.Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nangyayari to samin.Bakit kami pa???

Humiga ako sakin higaan at saglit na natulog para mabawi ang pagkahina ko dahil saaking pagiyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Court Of LawWhere stories live. Discover now