Chapter 91 (brother)

4K 237 15
                                    

Icey Rhaine POV

Agad akong lumapit kay moonlight na nagtatakang nakatingin ngayon sakin

"Ok ka lang? Di kaba nila sinaktan?" alalang sabi ni moonlight tsaka tinignan ang kabuoan ko

"Im ok wala silang ginawa sakin actually hinatid pa nila ko para masiguradong walang susugod sakin"

"Bat naman nila ginawa yun?"

"Nasakin padin ang katapatan nila" ngising sabi ko na ikinangisi nya din

"So kung sila kampi padin sayo kahit na anong ginawa mo sa kanila noon ibig sabihin maaring kampi padin sayo ang iba mong tauhan noon" ngiting tumango ako sa kanya

"Let's go"

"Saan?"

"Tsk san paba edi huhulihin ang spy"

"Huh? Pano?" ngumisi ako sa kanya bago ilapit yung bibig ko sa tenga nya

"Watch and learn" bulong ko sabay bato nung dagger ko sa spy na nagtatago rinig kong dumaing ito kaya binato ko din ang isa ko pang dagger

"Sino yun?" nagkibit balikat lang ako bago maglakad pero hinawakan nya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya

"Sasamahan kita masyadong delikado" sabi nya bago maglabas ng isang baril at isang dagger at nilahad sakin kaya agad kong kinuha yung dagger at iniwan ko sa kanya yung baril

Para sakin mas madaling gamitin ang dagger although mas malala kung baril ang tatama sayo pero ang gusto ko ay yung sa mismong kamay ko sila mamamatay that's why im always choosing daggers rather than guns. Minsan gumagamit ako ng baril pero mas madalas talaga dagger ang gamit ko

"May silencer yan?" tumango sya bago ikasa yung baril at naglakad na kami papalapit dun sa spy na nakasandal ngayon sa pader at dumadaing dahil sa sakit ng dagger na tumama sa kanya

"What do you want?" cold na sabi ni moonlight at tinutukan sa ulo yung spy na nakatalikod samin ngayon

Naglakad ako papunta sa harap nya peeo nakayuko sya kaya tinaas ko yung baba nya gamit yung dagger ko,nagulat pako ng makita kung sino sya

"Z-zyle?" kita ko ang panginginig ng kamay nya at paulit ulit na lumunok

"Ibaba mona yan moonlight" taka nya kong tinignan pero tumango ako kaya bumugtong hininga muna sya bago ibaba yung baril

"Tumayo ka dyan" utos ko at bahagyang lumayo sa kanya

Nung nakatayo sya ay agad syang napahawak sa tagiliran nya na may dugo ngayon tsk pati yung braso nya may daplis din ng dagger na binato ko tsk

"Follow me" sabi ko bago sila talikuran

"San natin dadalin to sunshine?" tanong ni moonlight bago alalayan si Zyle

"Sa dorm ko gamutin muna natin sugat nya bago tanungin" tumango lang sya at nagpatuloy kami sa paglalakad

--------

"Maupo ka dyan kukuha kong first-aid" sabay turo ko sa sofa

Pumasok ako sa kwarto ko para kumuha ng first-aid kit,biglang pumasok si moonlight at nilapag yung mga dagger ko at baril nya

"Sunshine ako na gagamot sa kanya dito kanalang sa kwarto"

"Pero pano yung mga tanong ko? Itatanong kona habang ginagamot sya"

"Ako na bahala dun antayin moko dito" sabi nya bago ko bigyan ng halik sa labi kaya inabot kona yung first-aid kit sa kanya

"Tanungin mo ang mga dapat tanungin" ngiting tumango sya sakin bago lumabas ng kwarto

Queen of All(The Only Girl In Section D) ✓Where stories live. Discover now