Chapter 95 (3 out of 8)

3.7K 232 29
                                    

Icey Rhaine POV

Nandito kami ngayon sa dorm ni Klyne,nakaupo sa tabi ni moonlight habang si Klyne naman ay pinagsasalin kami ng juice na tinimpla nya 

"Tsk masyadong PDA sa harap kopa talaga ahh" pagpaparinig nya bago iabot samin yung juice 

"Thank you" tumango lang sya samin

"Asan naba sya?" tanong ko bago uminom ng juice

"Parating na da-"

*Tok*tok*tok*

"Andyan na siguro ako na magbubukas" tumango lang kami at tumayo na sya para pumunta dun sa pinto

"Yoowww pre" nagkatinginan kami ni moonlight ng mapansin na parang ibang boses yung narinig namin

"Ven bat kayo nandito?" rinig naming sabi ni Klyne kaya agad kaming napatayo ni moonlight si Qeiven yung dumating

"Tara dali" agad akong hinila ni moonlight papunta sa kug saan

"Damn it saan tayo magtatago" rinig kong mahinang sabi ni moonlight

"Wow may pajuice pa at may bago talagang nakahanda ahh" rinig kong sabi dun sa sala

"Here" may nakitang pinto si moonlight kaya binuksan nya yun at hinila ko papasok "cr" bulong ko matapos libutin ng tingin tong kwarto na pinasukan namin

"Pre pacr ahh!!" sigaw ni Oliver kaya nataranta kami fowta nandito kami sa loob ng cr

May pumihit ng pinto kaya agad akong napahawak sa bibig ko 

"Wag kayo dito magtago may magccr" nakahinga kami ng maluwag ng si Klyne ang magbukas ng pinto

"Klyne ano na malinis ba punta nako dyan ihing ihi nako!!" rinig naming sigaw ni Oliver sa sala

"Sandali!!"

"Dalian nyo" agad kaming lumabas ni moonlight

"Dun tayo" sabay turo ni moonlight sa kabilang pinto pero agad ko syang pinigilan nung may nakita akong anino na papunta dito

"Dito nalang may paparating" sabi ko tsaka hinila sya sa tapat lang na pinto,sa tapat ng cr

"Hayyy muntik na tayo dun" sabi ko bago ibagsak ang sarili sa kama kwarto ata to ni Klyne ehh

"Bakit ba kasi may kasama pa si Jhay?" rinig kong bulong ni moonlight bago maupo sa tabi ko

Klyne POV

Huminga muna ko ng malalim bago buksan yung pinto ng cr para lumabas takte muntik na talaga sila Icey kanina buti nalang sinabihan ko si Oliver na sisilipin ko muna yung cr bago sya gumamit

Halos mapatalon ako sa gulat ng pagkabukas ko ay muka agad ni Oliver ang bumungad

"T*ngina ka pre bat ka nandyan?" gulat kong sabi bago lumabas

"T*ngina ka din ehh ihing ihi na nga ako kaya alis na dyan" tinulak pa nya ko palayo at tsaka nagmamadaling pumasok sa cr

Hmm saan kaya nagtago sila Icey at Kanz? Tsk bakit kasi sumama pa sila dapat si Jhay lang ang nandito kingina

"Pre paiglip muna ko sa kwarto mo" salubong sakin ni Neil nung naaahagdan ako pababa

"Sige dun sa tapat ng cr pumasok ka nalang" tumango lang sya at naghigab muna bago ko lagpasan

Pagbaba ko ng sala ay nakita ko silang may kanya kanyang ginagawa tsk

"Jhay" agad silang lumingon wow ha lahat sila si Jhay? Di ako nainform -_-

Queen of All(The Only Girl In Section D) ✓Where stories live. Discover now