Chapter 11

6K 174 95
                                    

Henry woke up when he heard groans from the other room. Dahil sliding door lang naman ang pagitan nila ni Klaudine, naririnig niya ito.

Last night, before going to sleep, he had to make sure that Klaudine drank her medicine, ate some food, and was feeling well. But based on the sobs he heard, Klau wasn't okay.

Kaagad na isinuot ni Henry ang bathrobe at binuksan ang partition para tingnan si Klau. Hindi siya nagkamali nang makitang ginaw na ginaw ito base sa pagkakayakap sa comforter, mahinang umiiyak, at panay ang singhot.

"Hey." Henry walked towards Klau. Hinaplos niya ang noo nito para pakiramdaman kung mainit pa.

Wala na itong lagnat dahil uminom na ng gamot, kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito humihikbi at parang may iniinda. Naupo siya sa gilid ng kama at tinanggal ang ilang buhok na nakaharang sa mukha nito.

"Ano'ng masakit?" tanong ni Henry. "Klaudine, wake up. What's wrong? Kailangan ba kitang dalhin sa ospital?"

"H-Hindi po." Humikbi ito. "P-Puwede po bang pakipatay ang ilaw? H-Hindi po kasi ako makatayo, m-masakit po ang ulo ko."

Kaagad na pinatay ni Henry ang ilaw sa kuwarto ni Klaudine at hinayaang nakabukas naman ang bedside lamp sa kuwarto niya.

"Do I need to bring you to the hospital?" Henry worriedly asked.

"H-Hindi po. Kailangan ko lang po ng gamot ko sa bag, puwede po ba?" pakisuyo ni Klaudine kay Henry. "Pasensya na po talaga kayo, h-hindi po ako makabangon kasi po masakit."

Henry didn't say anything and looked for Klaudine's bag and it was inside the bathroom. Kinuha niya ang sinasabi nitong gamot. He wasn't familiar with it, but the other one was a pain reliever. Wala siyang alam sa sakit ng babaeng kasama. Kumuha na rin siya ng tubig bago bumalik sa kwarto nito bitbit ang bag.

"Can you sit?" Henry asked.

Maingat na bumangon si Klau, pero inalalayan ni Henry. Nakakunot ang noo ni Klau at nakapikit ang mga mata.

"Here." Iniabot niya ang dalawang gamot na sinasabi nito at ang baso ng tubig. "Care to tell me what's happening?"

Hinayaan na muna ni Henry na inumin nito ang gamot. Nakabagsak ang mahabang buhok ni Klau at sumandal ito sa headboard ng kama.

"Sinusitis and migraine po," bulong nito habang nilalaro ang hinlalaking kuko. "S-Sa tuwing sinisipon po ako, ito na ang kasunod. Dalawang araw na rin po kasi akong may sipon."

"Why didn't you rest instead of going to Batangas?" Henry breathed. "It's too late now. Next time, kapag may nararamdaman ka, rest. I am not pressuring you into anything, Klaudine."

Klau smiled and tried to open her eyes. Masakit na masakit ang ulo niya, ang pisngi, at ang ilong. Hindi na ito bago, pero nakakahiyang sa harapan pa mismo ng boss niya.

"Magpahinga na po kayo, sir. Pasensya na po talaga kayo," aniya habang nakatingin dito. Blurred, pero naaaninag niya ang mukha ng boss na kagigising at medyo magulo ang buhok.

Henry stared at Klaudine's face. Her eyes were half opened and squinting while looking at him.

"Please, take care of yourself, Klaudine. I can't lose you. Y-You're a valuable asset to the company. If you need to rest, please do so." Tumayo si Henry at kinuha ang baso ng tubig. "You should lie down. Do you need anything?"

"W-Wala na po, sir," Klau responded and carefully laid down. Ramdam niya ang pagkirot ng ulo at hindi maidilat nang maayos ng mga mata.

Madilim ang kuwarto niya, pero naaaninag na may ilaw at nanggagaling iyon sa katabing kuwarto. Klau just rested her head and waited for the pain reliever to take effect.

WRS: When She Craved for SireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora