Chapter 23

5.9K 200 103
                                    

Warning: Attempted Suicide

Nagmadaling umakyat si Klaudine papunta sa kwarto ni Harriet nang makarating sila sa bahay ng mga Avila. Hindi pumayag si Henry na maiwan ulit siyang mag-isa sa apartment niya.

Ramdam pa rin ni Klaudine ang panginginig ng kamay. Dumiretso siya sa bathroom at isa-isang hinubad ang mga damit.

Wala pa rin siyang matinong tulog, huli na iyong gabing magkasama sila ni Henry, dahil paulit-ulit siyang nagkakaroon ng masamang panaginip tungkol sa nangyari sa kanila ni Richie. Kung tutuusin, wala siyang masabi sa binata. Mabait ito sa kaniya.

Hindi alam ni Klaudine na nagda-drugs ito hanggang sa nangyari na ang mga hindi dapat na mangyari at sa tuwing naaalala niya iyon, gusto niyang bumalik sa pangyayari para lumaban.

Gusto niyang lumaban dahil simula noong gabing iyon, naiwala niya ang sarili. Dati na siyang malungkot, pero hindi niya inasahang mayroon pa siyang ikalulugmok. Palagi naman siyang mag-isa, pero mas naramdaman niyang wala siyang kasama.

Klaudine wanted to go back and fight but it was too late. She had been violated by the man she trusted twice, and she didn't even had a chance to fight.

She was too weak and vulnerable.

Nakaharap si Klaudine sa salamin. Wala na ang mga pisikal na pasang natamo niya sa ginawa ni Richie, wala na ang sakit sa pagkababae niya na halos ininda niya dahil hindi siya makalakad, wala na ang sakit sa lalamunan dahil sa pagkakasakal sa kaniya ngunit umukit ang lahat sa mental at emosyonal na mas mahirap kalimutan.

Never siyang nakialam sa mga gamit ni Harriet, pero nang makita niya ang bathtub mula sa salamin, parang gusto niyang lumublob at inisip na sana, huwag na siyang umahon.

Without thinking twice, Klaudine filled the tub. Wala siyang inilagay na kahit na ano. Nakatitig siya sa tubig na umaagos mula sa gripo hanggang sa mapuno ang bathtub na paniguradong aapaw.

Mabigat na mabigat ang dibdib niya dahil hindi lang sitwasyon tungkol kay Richie ang dinadala niya.

Mahinang humagulhol si Klaudine habang iniisip si Henry. Mahal niya ito ngunit hindi niya puwedeng sabihin o piniling huwag sabihin. Gusto niyang lumayo, ngunit paano siya lalayo sa taong nagiging dahilan para maging kalmado ang lahat?

Klaudine was still wearing her undergarments when she submerged herself into the tub. Hanggang leeg niya ang tubig, ramdam niya ang pressure sa paghinga, ngunit masarap na masarap sa pakiramdam.

Maligamgam ang tubig at pumikit si Klaudine para damhin ang sarap sa pakiramdam. Hindi siya mahilig mag-swimming dahil lumaki siya sa tabi ng bukid, hindi rin naman siya mahilig sumama sa mga outing, at wala siyang panahon.

Humikbi si Klaudine nang maalalang wala man lang natatanggap na tawag mula sa mga magulang. Ni hindi man lang ito nangungumusta. Walang alam ang mga ito sa pinagdaanan at pinagdadaanan niya, na kung puwede lang niyang lisanin ang mundo, ginawa na niya.

Nakapikit pa rin ang mga mata ni Klaudine habang humihikbi nang biglang pumasok sa isip niya ang librong tinititigan habang gumagalaw si Richie sa likuran niya. Kung paano nito idiin ang katawan sa kaniya habang sinusubukan niyang sumigaw.

Ngunit alam ni Klaudine na sarili niya mismo ang bumigo sa kaniya. Wala siyang naisigaw at wala siyang nagawa.

Paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang pangyayari. Na kahit na ano ang gawin niyang pag-ahon mula sa pangyayari, paulit-ulit pa rin siyang nalulunod. Na kahit ano ang gawin niya, para na lang siyang nauupos na kandila, na kahit na anong tulong ang isigaw niya, walang nakaririnig dahil mag-isa siya.

WRS: When She Craved for SireWhere stories live. Discover now