Chapter 29

5.5K 187 45
                                    

Naintindihan ni Klaudine ang naging reaksyon ni Ford dahil sa pakiusap niya. Tama ito. Running away wouldn't be the answer. Pero tulad nga ng sinabi niya sa kabigan, with or without Ford's help, lalayo siya.

Mali dahil tatakasan niya ang katangahang ginawa niya.

Nakasandal si Ford sa pader habang nakatingin kay Klau. Nakikita niya ang paggalaw ng balikat nito at naririnig ang mahinang paghikbi. Pilit nilawakan ni Ford ang isip tungkol sa sitwasyon. Klaudine literally had no one. Alam niya ang history nito sa pamilya dahil kay Harriet.

Gusto ring intindihin ni Ford na sa kasalukuyang sitwasyon ni Klaudine, hindi na ito nakapag-iisip nang maayos. Malamang na kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip, malamang na hindi na nito alam ang gagawin.

There was an immense chance that a person would be closed-minded when they were in love and in pain. In Klaudine's case, both.

Nilingon ni Ford ang pinto nang bumukas iyon. Henry was carrying some food from the nearest supermarket. Ibinaba nito iyon sa mini kitchen ng room bago naglakad papunta kay Klaudine.

Nag-iwas ng tingin si Ford. Hindi niya alam kung kanino siya maaawa. Kay Harriet ba na girlfriend niya na posibleng masira ang pamilya, o kina Henry at Klaudine na halata namang mahal na mahal ang isa't isa. Gustong magalit ni Ford dahil sa ginawa ng dalawa, pero hindi niya alam kung ano o gaano kalalim ang dahilan para makagawa ang mga ito nang ganoon kalala.

Cheating was bad and no one could ever justify that it was right. Kahit pa mahal ang isa't isa, may ibang paraan naman bago pumasok sa ganitong sitwasyon.

"Good, she's asleep." Lumapit si Henry kay Ford. "Kailangan ko na muna ulit umuwi. Sino'ng magbabantay sa kaniya ngayong gabi?"

"Ako po, nag-usap na po kami ni Harriet. Bukas, pupunta raw siya kaagad. Kami na po ang bahala mag-process para sa paglabas ni Klaudine," seryosong sabi ni Ford habang nakatingin kay Henry. Kita niya ang paglamlam ng mga mata nito. "Ingat po kayo sa pag-uwi."

Henry subtly nodded.

Nakita ni Ford kung paanong nilingon muna nito si Klaudine. Matagal na matagal at nakita niya mismo sa mga mata ni Henry kung paano iyon kumislap kasabay ng pagsinghot at pag-iwas nang tingin sa kaniya dahil yumuko.

"If something happened, let us know." Ibinalik ni Henry ang tingin kay Ford. "I–I wanted to stay, b–but . . . ."

"Ako na po ang bahala rito, Tito," Ford assured. "I'll let Harri know if I need something."

Tuluyan nang nagpaalam si Henry. Kahit na ayaw niyang umalis at gustuhing siya na mismo ang mag-alaga kay Klaudine, kailangan pa rin niyang balikan si Leandra. Kailangan niyang ayusin ang gulong pinasok niya, kailangan niyang kausapin ang mag-ina tungkol sa sitwasyong mayroon sila.

Sumandal si Henry sa pinto ng kuwarto ni Klaudine. Ayaw niyang umalis, pero pumasok sa isip niya ang huling sinabi ni Klaudine bago sila naghiwalay.

Sinira na nila ang lahat dahil sa pagmamahal na hindi naman puwede . . . sa pagmamahal na pansamantala, sa pagmamahal na imposible at panandalian.


Nagising si Ford nang marinig ang mahinang kaluskos mula sa kama ni Klaudine. Pagbangon niya, naabutan niya itong nakasandal sa headboard, nagbabasa ng libro. Naka-dim ang ilaw at seryosong nakayuko habang bahagyang nakatakip ang mukha ng mahabang buhok.

Tumingin si Ford sa orasan. It was just three in the morning.

"Good morning." Ford stood up and yawned. "Kanina ka pa ba gising? Nagugutom ka ba?"

Klaudine smiled at him. "Medyo lang, pero okay lang naman." Yumuko ulit ito at nagsimulang magbasa.

Nagpaalam na rin muna si Ford para pumunta sa cafeteria. Tinawagan niya si Harriet, pero mukhang natutulog na kaya hindi nakasagot. Bumili siya ng pagkain nilang dalawa ni Klaudine at nang makabalik, nagbabasa pa rin ito.

WRS: When She Craved for SireWhere stories live. Discover now