CHAPTER FOUR

605 13 0
                                    


DAMN, naiinis na sabi ni Diamond. Nakatambak ang trabaho niya ngunit hindi siya makapag-concentrate. Napabuntunghininga na lamang siya. Nasa utak kasi siya ang babaeng iyon.

Sino siya? tanong niya sa sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit nito ginugulo ang kanyang isipan.

Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Napakaganda naman kasi nito kaya parang napakaimposibleng agad itong nakalimutan. Pero, pakiwari niya'y para iyong paste na nakadikit sa kanyang utak.

Lagpas-balikat ang kulay mais niyang buhok, maliit ang hugis-puso niyang mukha na kinapapalooban ng hugis-almond na mga mata na binagayan ng mahahabang pilik, matangos na ilong at manipis na labi na parang kaysarap halikan.

Oh, bulalas niya. Hindi niya mapaniwalaan na naibulalas niya ang mga katagang iyon.

Why?

Umiling siya. Ayaw niyang isipin na dahil lang sa maganda ito. Pakiwari niya'y...

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Ayaw na niyang ituloy pa ang kanyang naisip dahil nakukuha nito ang atensyon niya ng buong-buo.

Bakit ganoon?

Hintay-hintay mo lang si Karma, naalala niyang sabi ng pinsan niyang si Danilo na itinuturing rin niyang bestfriend. Ito kasi ang saksi kung gaano siya naging napakababaero ng nakalipas na panahon.

Imposible, iyon na lang ang isasagot niya rito. Hindi na niya nagawang sabihin dito na nauna na yata ang kanyang karma. Hindi kasi niya nagawang makatuluyan ang babaeng minahal niya ng todo.

Well, maaari pa naman sigurong mangyari iyon kung pupuntahan niya si Vergie pero parang may umaawat sa kanya.

Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan sabay iling. May takot kasi siyang nararamdaman hanggang ngayon. Marahil dahil nangangamba pa rin siyang hindi matanggap ng pamilya nito. Kahit may negosyo na siyang ipagmamalaki sa mga Adorable. 

Pero, nang mga oras na iyon, parang iba na ang gusto niyang puntahan at kilalanin.

"Oha, tama ba ang nakikita ko?"

Napa-straight siya nang upo nang makita niya si Danilo. Hindi niya namalayan ang pagpasok nito.

"Hindi ka talaga marunong kumatok." Salubong man ang kilay niya, hindi naman niya makuhang magalit dito.

"Wow, kahit naninita ka na, nakangiti ka pa. Why? Sino ang may kagagawan ng ngiting 'yan?" nanunudyong tanong nito.

"I don't know."

"Hindi mo alam?" napapantastikuhang tanong nito.

Napabuntunghininga siya. Disappointed siya sa sarili dahil hindi niya nagawang kilalanin ang babaeng type niya. Oh, para tuloy gusto niyang batukan ang sarili. Pakiwari niya, ang laki niyang tanga. "I don't know her."

"What?"

Ikinuwento niya rito ang nangyari.

"Hmmm...she's interesting."

Naningkit ang mga mata niya nang titigan ito. "Mine is mine."

Bigla itong natawa. "Of course, hindi ako interesado sa kanya dahil gusto ko siyang ligawan. Ni hindi ko pa nga siya nakikita, eh. Ang sinasabi ko lang, interesting siya dahil nakuha ka niyang pangitiin ng ganyan. Teka, bakit hindi mo nakuha ang kanyang pangalan?"

"Super taray niya," wika niya sabay iling. Kahit parang nawasak nito ang ego niya, hindi niya makuhang magalit dito. Paano naman kasi niya gagawin iyon eh sa tuwing naiisip niya ito ay napapangiti siya.

Mapaghiganting Puso (PHR 2016)Where stories live. Discover now