CHAPTER TEN

428 11 0
                                    


AUGH, masakit na masakit na ang ulo ni Patriz Nicole. Hindi niya kasi talaga malaman kung paano niya malulusutan ang problema.

Sinong tiyahin ang ihaharap niya kay Diamond?

"Ang layo naman ng iniisip mo."

Nanlaki pa ang kanyang mga mata nang makita niya si Diamond. Naglalakbay kasi ang utak niya sa kung saan.

"Kanina ka pa?" nag-aalalang tanong nito.

"2o minutes."

Marahas na buntunghininga ang pinawalan nito. Tumaas tuloy ang kilay niya sa ginawi nito. Kung umasta kasi ito'y parang siya pa ang may atraso rito.

"Oh," bulalas niya nang tumingin siya sa kanyang wristwatch. Hindi naman kasi ito late.

"Napaaga lang ako ng dating."

Muli, napahugot ito nang malalim na hininga.

Gusto na niya itong sabihan ng OA pero pinigilan niya ng husto ang sarili. Baka lang kasi magtalo pa sila at ayaw niyang mangyari iyon lalo ngayon at kumakalam na ang kanyang sikmura.

"Hindi pa ba tayo oorder?"

Tumawag ito ng waiter.

"Paborito mo talaga ang pizza, ano?"

"Yes. Hinding-hindi ako magsasawa riyan."

"Akala ko naman kaya gusto mong dito tayo magkita, dahil dito tayo unang nagtagpo."

"Isa na rin iyon sa dahilan."

Matiim itong nakatingin sa kanya.

"Bakit ganyan ang tingin mo sa akin?" nagtatakang tanong niya. Bigla siyang na-conscious pagkaraan.

"KUng sinasabi mo na kasi kung saan ka nakatira, hindi na natin kailangang magtagpo pa sa kung saan. Tulad nito. Nakakainis na nagawa kitang paghintayin ng matagal." asar nitong sabi.

Napangiwi siya.

"Wala naman ang tiyahin mo, hindi ba?"

"Yah."

"O, eh, bakit 'di pa rin ako puwedeng pumunta?"

Dahil ayokong mabuking, mariin niyang sabi sa sarili. Ngunit siyempre, iba ang ibinulalas niya rito. "Maraming tsismosang kapitbahay."

Kumunot ang noo nito. "Parang gusto kong isipin na may itinatago ka sa akin."

"Wala, ah," defensive niyang sabi.

Tinitigan siya nito na para bang tinitiyak ang katotohanan sa kanyang mga mata, kaya naman, iniwas niya ang tingin dito. Ewan niya pero parang gusto na rin niyang itigil ang kanyang kalokohan. Nangangamba kasi siya na magkatotoo ang sinasabi sa kanya ni Edna. Kahit kasi galit nag alit siya sa ginawa ni Diamond sa kanyang ate at sa mga babae na nagkakagusto rito, nababago ang tingin niya rito habang tumatagal. Mas nakikilala kasi niya ito at nasisilip niya ang kabutihan nito.

Kahit alam niyang magaling itong mambola, feeling niya totoong-totoo ang pag-ibig na ipinapadama nito sa kanya.

Marahas na buntunghininga ang pinawalan niya pagkaraan.Kailangan talaga niyang patigasin ang kanyang puso. Kung hindi niya gagawin iyon, baka siya ang maloko.

Tama, hindi porke inalok siya ng kasal ni Diamond ay pakakalan na siya nito. Maaaring paraan lang nito iyon para makilala ang kanyang 'tiyahin'.

Mapaghiganting Puso (PHR 2016)Where stories live. Discover now