Chapter 13

33.9K 920 1.5K
                                    

Warning: R-18

Chapter 13

"K-Kella..." His voice broke.

Hindi ko mapigilan na maluha habang pinagmamasdan siya. Marahan niyang hinahaplos ang nakaukit na pangalan ng kapatid niya sa lapida. Namumuo na rin ang luha mula sa kaniyang mga mata.

"S-Sobrang miss na miss ka na ni Kuya... Bakit mo ako nagawang iwan?"

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. Umupo naman ako sa tabi niya at marahang hinaplos ang kaniyang likuran.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Kella. Siguro doble ang sakit na naramdaman niya kasi nagawa ko siyang iwanan noon... kung kailan mas kailangan niya ako.

Wala akong kwenta kasi wala man lang ako sa tabi niya kung kailan kailangan niya ng taong masasandalan. Hindi ko alam kung paano pa ba ako makakabawi sa lahat ng pagkukulang ko sa kaniya.

Hindi sapat ang pagmamahal lang, gusto ko rin na manatili sa tabi niya pero paano? Hahayaan niya ba akong muling makapasok sa buhay niya?

Totoo ba ang sinabi niya na mahal niya ako? O baka nadala lang siya ng emosyon kaya niya nasabi iyon?

I am scared. Natatakot akong magtanong sa kaniya kung totoo bang mahal niya pa rin ako... kasi baka mas masaktan lang ako sa posible niyang isagot.

"H-Hi, Kella... Naaalala mo pa ba ako?"

Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko habang marahan kong hinahaplos ang nakaukit niyang pangalan sa lapida. Nanatili naman sa tabi ko si Josh. Kahit na hindi ako nakatingin sa kaniya, alam kong nasa akin lang ang atensyon niya.

"Ako iyong nag-makeup sa 'yo noon... S-Sorry kung ngayon lang kita nabisita sa tagal ng panahon..."

Kahit na saglit lang kaming nagkasama, sobrang napamahal na siya sa 'kin. Hindi ko akalain na hindi ko na muling makikita pa ang matamis niyang ngiti. Na sa tuwing inaayusan ko siya, hindi na maipaliwanag pa ang kasiyahang makikita sa kaniyang mukha.

"A-Ang laki ng kalasanan ko sa 'yo... sana magawa mo pa akong mapatawad kung nagawa kong saktan ang Kuya mo. Nangako pa naman ako sa 'yo na mananatili lang ako sa tabi niya pero nagawa ko siyang iwan... dinurog ko ang puso niya..."

Saglit kong nilingon si Josh nang magtama ang tingin naming dalawa. Walang tigil pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.

Kasi ang laki talaga ng kasalanan ko kay Kella. Nagawa kong saktan ang nag-iisang kapatid niya na sobrang mahal na mahal niya.

"H-Hanggang ngayon, pinagsisisihan ko pa rin ang nagawa ko. Mahal na mahal ko ang Kuya mo pero wala lang akong choice...kailangan ko siyang iwan para lang sa iba. Kahit na masasaktan pa ako..." My voice broke.

Napapikit ako nang biglang sumimoy ang malakas na hangin. Agad ko ring iminulat ang mga mata ko at nilingon si Josh. Mukhang hindi niya magawang alisin ang tingin sa 'kin.

Namumula pa rin ang mga mata niya sa sobrang pag-iyak. Nadudurog ang puso ko kasi nakikita ko siyang ganito. Ang isang masungit na Josh ay bigla na lang umamo.

Hindi man halata sa kaniyang mukha, alam kong kinikimkim niya sa loob niya ang lahat ng sakit sa loob ng matagal na panahon. Magaling siyang magtago ng emosyon. Aakalain mo na bato ang puso niya pero ang totoo... hindi.

Gusto kong alisin ang lahat ng sakit ng nararamdaman niya, gusto kong bumawi pero paano ko magagawa iyon? Meron na siyang Ciara. Ito na ang mahal niya.

Ang babaeng mas kailangan niya sa tabi niya.

"M-Mahal na mahal ko pa rin ang Kuya mo...kahit na palagi niya akong ipinagtatabuyan, siya pa rin ang laman ng puso ko..." I sobbed. "...kahit na hindi na ako ang babaeng mahal niya."

Taming the Wild Heart (Completed) Where stories live. Discover now