Chapter 38

27.7K 788 1.7K
                                    

Dedicated to Cherry Faith Lacap

Chapter 38

"Josh..." I moaned his name.

He's kissing and gently biting my neck. Hindi ko naman mapigilan na hilahin ang kaniyang buhok lalo na nang maramdaman ko ang pagpasok ng isang palad niya sa suot kong sando.

I bit my lower lip. Pinigilan kong mapaungol nang maramdaman ang marahan niyang pagpisil sa kaliwa kong dibdib. Nanatili pa rin akong nakapikit habang dinarama ang bawat pagdampi ng mga labi niya sa 'kin.

"Good morning, baby..." He gently bit my earlobe.

I opened my eyes. Malapad ang ngisi niyang nakamasid sa 'kin. Lalayo na sana siya pero agad kong pinalibot ang mga braso ko sa kaniyang batok.

Napasubsob tuloy ang kaniyang mukha sa aking leeg. Ramdam ko ang mainit niyang hininga roon na nagbibigay ng milyong boltahe sa katawan ko.

Humahalimuyak din sa ilong ko ang kaniyang pabango na hindi ako nagsasawang langhapin.

"Josh..." I mumbled.

"Hmm..."

"Totoo na ba talaga 'to?"

Inalis niya ang kaniyang mukha sa leeg ko at tumitig sa 'kin. Nakadantay naman ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko para hindi niya ako tuluyang maipit.

"Totoo? Ang alin?"

Hindi ko inalis ang titig sa kaniya. Hindi ko maintindihan pero parang gusto kong maiyak, kasi iyong lalaking pinapangarap ko lang noon.

Nasa bisig ko na ngayon. Hindi kaya panaginip lang 'to? Na hindi naman talaga totoo ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon?

Kung ganoon nga, pwede bang huwag na lang akong magising? Kasi sa panaginip na 'to...nakamtan ko ang kasiyahan na pinapangarap ko.

Na matagal na ipinagdamot sa 'kin. Kung pwede lang na burahin ang sakit sa puso ko, matagal ko ng ginawa. Kasi sa bawat pag-mulat ng mga mata ko, puro kalungkutan na lang ang sumasalubong sa 'kin.

Lalo na sa tuwing naaalala ko ang mga mahal ko sa buhay na iniwan lang ako. Na imposible ng makulong ko pa sa bisig ko.

"N-Na nandito ka sa tabi ko..."

Tumulo na ang mga luha ko. Agad niya naman akong niyakap. "K-Kasi alam mo, Josh, ayaw ko ng masaktan pa. Natatakot na ako. Hindi ko na talaga kakayanin pa sa oras na saktan mo na naman ako...kaya sana, kung ma-realize mo man na hindi na ako ang mahal mo. Pwede bang magpanggap ka na ako pa rin ang tinitibok ng puso mo? Kasi mas tatanggapin ko pa iyon, kahit na hindi totoo kaysa ang iwanan mo ako para lang sa iba..."

I sobbed. "H-Hindi ko na talaga kakayanin iyon..."

Walang tigil sa pagbuhos ang mga luho ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang drama ko ngayon. Siguro dahil na-trauma na ako kasi palagi na lang akong nasasaktan at iniiwan ng mga taong mahal ko.

"Hush, please, stop crying..." He wiped my tears. "Please, look at me..."

Tumitig naman ako sa kaniyang mga mata. Sa tuwing may pumapatak na luha'y agad niya iyong pinupunasan.

"Ba't naman ako magpapanggap kung totoo naman talaga na ikaw ang laman ng puso ko? Wala akong planong magmahal ng iba, at mas lalong wala sa isip ko na iwanan ang babaeng mahal na mahal ko."

He gently kissed my forehead. "Nangako ako kay lolo na ako na ang bahala sa apo niya."

Ipinaglapat niya ang noo naming dalawa. "Kaya sana, hayaan mo akong alagaan kita."

Taming the Wild Heart (Completed) Where stories live. Discover now