SC: The Prank

104 3 0
                                    

A/N:

It hasn't been that long since I completed and published this book and I enjoyed every moment I wrote it.

Kanina ko lang nakita na nag-1k na ang views and it is already a big impact for me. Kaya ngayon nagsusulat ako ng isang Special Chapter na hindi ko naman talaga planado. I planned on finishing this with a Synopsis for the next series but I missed writing this first part of the book.

This is a gift for my readers who enjoyed or just saw this while scrolling but still read it. Thank you that you have made it to this part!

XOXO,
Juliet

♠️♣️♠️♣️♠️♣️♠️♣️♠️♣️♠️♣️

[Agatha's Point of View]

"A prank?" kunot noong tanong ko sa kanya sabay ng pagtango niya "Hindi ba siya magagalit niyan?" tanong ko ulit

"Wag ka namang kill joy, Agatha" pagsimangot ni Gabriel "Hindi naman sa ganun pero alam niyo naman kung gaano nakakatakot magalit si Nathan" sabi ko kaya nagkatinginan sila ni Trinity

"Alam mo bang hindi man lang namin yun maloko? Pero ngayon na nandito ka na ay siguradong maloloko na yun." sabi nito at nagapiran pa sila ni Gabriel.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya "Payag ka ba dito, Hazel?" tanong ko na ikinatango nito "Minsan lang naman at nandun ka para pakalmahin" sabi nito na ikinatango ng dalawa.

Hindi ko alam kung bakit pero parang pakiramdam ko ay buhat-buhat ko ang lahat ng pwedeng mangyari.

"And Drake?" pagtanong ko kay Trinity "Kill joy din ang isang yun. Hindi man lang marunong sumaya." sabi nito bago inikot ang mata na ikinatawa ko

"Alright. So what's the plan?" napangisi sila sa tanong ko at nagsimulang magsalita.

[Third Person's Point of View]

Tiningnan niya ang dalaga sa salamin at pinagningkitan ito ng mata. Hindi niya alam kung anong nangyari pero bigla-bigla na lang ito hindi namamansin.

Hindi niya alam kung Satan's Day ba ngayon or what pero ang alam lang niya ay hindi niya ito nagugustuhan.

Ng maipark niya ang sasakyan ay agad bumaba ang dalaga at hindi man lang siya nito hinintay kaya magkasalubong kilay na lumabas siya ng kotse at padabog na sinara ang pinto.

Tiningnan niya itong pumasok ng building at napatawa "Seriously? Not even a single goodbye?" inis niyang bulong at bumuntong hindi "Fucking hell" sabi niya.

Minutes Later..

Nanghihinang napasandal si Agatha sa upuan at bumuntong hininga "Great job, Agatha! Kung nakita mo lang ang mukha niya sa classroom kanina" pagtawa ni Gabriel na halatang magugustuhan ang paghihirap ni Nathan

"Seryoso ka? Nakita mo ba ang mukha nun? Nakakatakot. Parang kahit anong oras ay kakain na ako nun" sabi niya

"Hindi naman niya yun magagawa, Agatha. I assure you." sabi ni Trinity at kininditan siya "Hindi magagawa nino?" halos sabay-sabay silang napaayos ng upo ng pumasok ang dalawa.

"Pake mo ba? Paguusap namin yun. Hindi ka na kasama, noh" sabi nito at kita niya ang pagpigil ng inis ni Drake.

Tumikhim si Agatha at pinagkaabalahan ang librong hawak at pinigilan ang sariling lumingon sa gawi ni Nathan.

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now