Chapter 5

700 35 22
                                    

Chapter 5

Masama ang loob ko hanggang sa makababa ka unang palapag ng bahay nina Nathaniel. Tatawa-tawa siya habang ako ay namumugto ang mga mata. Maging si Tita Eliza ay nangigiti sa tabi habang inaayos ang meryenda namin ni Nathaniel.

“Come on, Lana. You’re such a crybaby...” siniringan ko si Nathaniel kaya humagalpak na naman ito ng tawa. Naiiling na umupo ito sa upuan na katapat ko at sinupil ang ngiting namumuo sa kaniyang labi.

Inirapan ko siya at humalukipkip ako. I am mad at him! How dare him make me his laughing stock! This idiot! Ano ba ang nakita ni Celestina at naging best friend niya ang lalaking ito?! Ang sama ng ugali!

“Crybaby your face! Anong nakita ni Celestina at naging best friend ka niya? Ha?” mataray kong tanong. Halos mabulunan naman ito sa juice na iniinom. Namumula ang pisngi nito habang nakatingin sa akin.

“You don’t know? Celes was my girlfriend when we were grade eight? Or grade nine, I am not sure...”

Umawang ang mga labi ko dahil sa sinabi niya. What the... Then they became best friend even though they were exes before? Is that really possible. Of course, Alana. The proof is in front of you.

Pero, baka naman pinagtitripan lang ako nito? Gusto na naman niya akong asarin at paiyakin! Sumimangot ako sa kaniya na ngayon ay nakataas ang sulok ng labi sa akin.

“What?” natatawang tanong niya sa akin. “Don’t tell me you don’t believe me? Am I that ugly to you, Alana? Celes loves me as much as she loves you.” Nagtaas-baba ang kilay nito sa akin at halos ibato ko sa kaniya ang tinidor na hawak ko at may nuggets pa.

“Celes loves me! I hate you! Lagi mo akong inaaway, Nathaniel! Isusumbong kita sa kaniya!” nangilid ang luha ko at napasinghot.

Natawa ito at halos mamula ang pisngi niya. Maging si Tita Eliza ay napahalakhak habang naghuhugas ng plato sa sink. Napailing na lang ito sa amin. Bakit ba lagi akong inaaway ni Nathaniel?!

“E, di, magsumbong ka, samahan pa kita, e.”

Halos umusok ang ilong ko sa sinabi niya. Isinubo ko ang nuggets na nasa tinidor at agad na tumayo. Mabilis akong umikot sa pwesto niya at huli na para makailag siya. Agad ko siyang sinikmuraan at agad naman siyang napaubo, halos mailuwa niya ang nuggets na nginunguya niya dahil sa ginawa ko.

“I hate you! Hindi na tayo bati, Nathaniel!”

Hawak nito ang tiyan na sinuntok ko. Sinipa ko siya sa paa at agad akong umalis doon. My tears fell instantly. Narinig ko pa siyang tinawag ako, maging ang pagtawa ni Tita Eliza sa kaniya dahil sa pamimilipit niya sa sakit.

“Oh, shit. Celes will kill me...” I heard him muttered.

“Huwag mo kasing inaasar, Nathaniel. Tatamaan ka kay Celestina kapag nalaman niyang pinaiyak mo si Alana.” Natatawang sambit ni Tita.

“Alana, wait!”

Huminto ako sa pinto ng kusina nila at pinunasan ang luha. “I hate you! Hindi nga tayo bati, Nathaniel! Magka-diarrhea ka sana! Hmp!” nag-martsa ako palabas ng bahay nila at agad na tinungo ang sasakyan ko.

Nasa bungad na akong gate nila papalabas nang marinig kong tinawag na naman niya ako. Now, what? Aawayin na naman niya ako! Akala niya siguro mauuto niya ako? Never! Hindi kami bati for all I know!

“Alana! Come back here! Tampururot na naman ang bata...” he called me. Inis na humarap ako sa kaniya at nakita ko siyang nakahawak sa tiyan niya.

I smirked at him.

“I am not bata! You’re just old, Nathaniel.” Umismid ako sa kaniya at agad naman itong natawa. Pagkakuwan ay naglakad ito palapit sa akin, iika-ika pa dahil sa pagkakasipa ko sa kaniya.

Way Back To You [Runaway Series 3]Where stories live. Discover now