I playfully smirked and raised one eyebrow at him to cover the fact that my heart is pounding wildly against my chest because of how tight his hold is on me. Buti at nasa labas ng kami ng campus dahil baka mapatawag pa ako sa Office of Student Affairs dahil sa PDA.
"Hmm? Bakit sa akin ka uuwi?"
He hummed as his nose touched mine, "Who else? There isn't anyone. Sa'yo lang ako uuwi."
"Pero friends lang tayo?" nagbibiro kong tanong.
Bago pa siya sumagot ay humalakhak na ako nang malakas para makalimutan na ang sinabi ko. Hinila ko siya paalis sa tapat ng gate dahil baka magsimula nang maglabasan ang maraming estudyante.
"My car's this way."
Pagpasok namin sa sasakyan niya ay hindi ko na talaga mapawi ang ngiti. Sobrang natutuwa ako, parang sasabog ako sa sobrang saya.
He's here. He's right beside me!
Nanatili muna kaming naka-park at umaandar lang ang engine ng sasakyan. Nakatitig siya sa akin tulad ng pagtitig ko sa kaniya.
"Kailan ka pa nakauwi? Sana sinabihan mo ako para nagkaroon tayo ng dramatic airport scene. Pangarap ko pa man din magdala ng karatula habang nag-aabang tapos bibitawan ko kapag nagkita na tayo kasi tatakbo ako para yakapin ka."
"Kanina lang. Sorry for depriving you of a chance at an airport scene though."
Kumunot ang noo ko, "Anong oras? Tsaka ayos lang, next time na lang kapag may gagamit ulit ng airport sa'tin."
"What? There's no next time. Hindi na ako aalis."
I chuckled before going back to serious, "Hoy, tinanong kita. What time did you come home?"
There was a pause, "I haven't went to our house yet,"
Tiningnan ko ang damit niya, nakasuot pa nga siya ng jacket at mukhang jetlagged siya. Sa backseat ay mayroon pang mga maleta.
I put the pieces together and realized what he had just done... or what he hasn't done, rather.
"Amoy Canada ka pa! Dito ka dumiretso?!"
Sinuklay niya ang mahaba niya nang buhok patalikod.
It bothers him, I'm sure. Ayaw niya talaga na masyadong mahaba ang buhok niya. Bagay niya naman pero gusto niya talaga na malinis ang gupit. Ewan ko ba d'yan, pogi problems kumbaga.
"Yeah. Na-miss mo na ako masyado, ayaw na kitang paghintayin." aniya. Hindi ako umangal kahit na nang-aasar lang siya kasi tama naman siya.
Inangat ko ang kamay ko at inabot ko ang buhok niya. Ngayon ko mas na-appreciate ang lambot at ang pagiging ma-alon noon ngayong mahaba na.
Medyo umiwas siya noong umpisa, pero hinayaan din ako sa ginagawa ko. "I-appreciate ko muna dahil paniguradong magpapagupit ka agad kapag nagkaroon ka ng chance."
Hinuli niya ang palapulsuhan ko at ibinaba ang kamay ko. "But we have to go. You have a family dinner to get to."
"Paano mo nalaman?"
"I asked your mother. Pumayag siya na ako ang maghatid sa'yo roon."
Nagsimula na siyang magmaneho at pinanood ko naman siya kahit lantaran.
I wonder, ilang babae na kaya ang nasakay niya rito maliban sa akin? Hindi ko kasi alam, e.
Noong nakuha niya ang sasakyan niyang 'to, kilala niya na ako noon at ako ang unang sinakay niya rito. Tapos hanggang ngayon ako lang palagi, wala rin akong kilala na naging girlfriend niya na pwedeng isakay rito.
BINABASA MO ANG
Hues of an Abstract Mind (Arte del Amor #4)
RomanceArthemisia Pierre couldn't quite get how the world revolves around concrete, material things. In her eyes, the world is nothing but a place full of hidden mysteries and meanings, but no one saw it that way except her. She wanted to be understood, an...