Hindi ko nilingon ang kabubukas lang na pinto, pero alam ko agad kung sino ang pumasok doon. It's weird how I could tell that it is him just by the sound of his light footsteps.
Nakaupo ako sa isang mataas na stool chair at nakikipagtitigan sa malaking canvas sa harap ko. Sa gilid ko ay isang trolley cart kung saan nakaayos ang mga materials na pinakamadalas kong ginagamit.
I pretended as if I didn't hear him coming.
My act ended shortly after I felt his arms snake around my waist. Sumandal ako sa dibdib niya at naramdaman ko ang ilong niya sa leeg ko.
"There's my baby," he said. He inhaled my scent and I almost shivered from it.
Tumaas ang balahibo ko dahil naramdaman ko sa balat ko ang vibration ng boses niya. He kissed my temple, and then my ear, until he reached the top of my head.
I'm still not looking at him and I bet he's going to ask why any time now.
"Is everything okay? Come on, look at me."
Oh, 'di ba. Mapapansin niya nga at magtatanong siya.
I haven't seen him in what seemed like forever. Kapag nakasama ko na naman siya nang matagal ay masasanay ako at baka hilingin ko na huwag na siyang umalis at hindi niya mabibigay sa akin 'yon. That's why I don't want to get too excited.
Inalis ko ang hawak niya sa baywang ko at tumayo. Pinuntahan ko ang mini fridge sa isang sulok ng studio ko at kinuha ko roon ang isang fresh mixed vegetable and fruit salad na inihanda ko kanina.
Hiniwa ko lang naman at pinaghalo-halo sa kaunting apple cider. Nakalagay 'yon sa isang transparent plastic bowl at may nilagay na rin akong tinidor.
Kagagaling niya lang sa school kaya siguradong gutom siya. Gusto ko ring isipin na kaya ko siyang alagaan kahit man lang sa kaunting oras na nakakasama ko siya. Ang sarap sa pakiramdam na maalagaan siya tulad ng pag-aalaga niya sa akin.
"Eat up first before we start." sabi ko sabay abot nung bowl sa kaniya. Nakaupo na siya sa kung saan ako nakaupo kanina. Tinanggap niya 'yon sa isang kamay, habang ang kabila ay inabot ako at pinalapit sa kanina.
Nasa gitna tuloy ako ng mga hita niya. He tilted his head a bit. "So you'll feed me but won't talk to me? What's up with that?" Tunog siyang iritado sa tono ng boses niya.
Humarap na ako sa kaniya at talagang pinagdikit niya ang katawan namin dahil sa hawak niya sa pinakababang bahagi ng likod ko. It's not fair that he's the one on the high stool because it makes him taller than he already is.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. I am offering you food and I am talking to you," sabi ko.
Nakasimangot siya at mukhang hindi 'yon magiging ngiti dahil sa ginawa kong hindi pagpansin sa kaniya kanina.
"Kung gutom ka pa kaubos mo niyan, dito ka na rin mag-dinner. Bumili si Mama ng food para sa'tin. You should eat dinner here before leaving," I said, but it was more of a bargain to make him stay a little longer.
He stood up, leaving the chair. Humakbang lang siya para makababa doon, pero kapag ako ay tumatalon ako kasi hindi ko abot ang sahig. May leverage lang sa may paanan ng stool kaya komportable akong magtrabaho doon.
"Anong hinahanap mo? Ako na." I volunteered because he seemed to be looking for something. It didn't take long before he found what he was looking for though. He knows his way around my studio.
Ambrose grabbed a linen sheet from one of the drawers in my studio. A lot of those sheets are stained with paint but are all clean. Nilatag niya 'yon sa sahig at umupo.
BINABASA MO ANG
Hues of an Abstract Mind (Arte del Amor #4)
RomanceArthemisia Pierre couldn't quite get how the world revolves around concrete, material things. In her eyes, the world is nothing but a place full of hidden mysteries and meanings, but no one saw it that way except her. She wanted to be understood, an...