Ang lala talaga ng impluwensiya mo sa akin, Ciana Figueroa.
Hindi pa good influence!
Hawak ko sa kamay ko ngayon ang post it note kung saan nakalista ang lahat ng mga lalaking pwede ko raw lapitan at pagpractice-an ng paghalik!
Nahihibang na ba siya?
Tinitigan ko 'yon at hindi pamilyar ang lahat ng pangalan na nakasulat doon. For all I know, Ciana could have just invented all these names to make fun of me!
Hindi pa naman ako desperada para maghanap ng mahahalikan para lang maranasan!
Nahihibang na nga siya. No questions asked.
I crumpled the piece of paper before anyone could see it, and I tossed it in the bear-shaped trash bin on my desk. It's there to be forgotten.
Nakarinig ako ng usapan mula sa labas ng kwarto ko, sa sala, kaya lumabas ako.
Nagsisi ako agad na hindi ko muna sinilip kung sino ang nandoon. Tito Oliver is out there sitting on our couch, speaking with my mother.
It was too late for me to turn back though. Nakatapat ang kwarto ko sa sala kaya imposibleng hindi sila mapapatingin sa akin.
Ang aga-aga pa. Halos kasisikat lang ng araw, nandito na siya agad. It's not exactly an ideal way to start my day.
"Good morning po," bati ko para hindi mapagalitan ni Mama. Ngumiti naman si Tito Oliver sa akin at ibinalik ang pagbati ko.
Pareho namang nagtataka ang tingin nila sa akin.
Hindi pa kasi ako nakabihis. Ang pajama na suot ko ay sumasayad sa sahig dahil sa sobrang haba at laki nito sa akin, tapos maluwang din ang suot kong pang-itaas.
"Are you not coming to school again?" tanong ni Mama.
Tumayo siya, sinundan ako papunta sa kusina. Magpapaliwanag na naman ba ako kung bakit hindi ko kayang pumasok?
"Masakit pa rin ang katawan ko dahil sa mga sugat, Mama." I said that in a dismissive tone so she'd leave me alone, but she didn't pick up on it. What I said is partly true, my body is still as fragile as it was and my pain tolerance hasn't improved.
Pinanliitan lang ako ng mata ni Mama. She hovered and even sat down on the bar stools of the island counter.
Nagpunta lang naman ako rito para makawala sa kanila, tapos susundan naman pala ako. Obligado tuloy akong kumuha na ng gatas sa ref para kunwaring may gagawin talaga.
"I called Sean." she said. Seryoso ang itsura niya kaya agad akong kinabahan.
"Why did you call Sean? What on earth would you have called him for?"
Seryoso kasi, bakit niya tatawagan? Kung may kailangan siyang ipasabi, pwede namang ako na lang ang magsabi sa kaniya. "Because something's wrong. I can feel it."
"What does that have to do with Sean, Mama?" tanong ko.
Nagsisimula na akong mainis pero pinigilan ko 'yon. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit niya kailangang tawagan si Sean.
Ano naman ang pinag-usapan nila, kung ganoon? I can't even begin to imagine the things my mother could have revealed to him.
"I don't know! Kayo ang palaging magkasama. Unless I called the wrong boy? Only you can tell me, Missy."
"What are you talking about? Ma, nakakahiya kay Sean. Walang problema, walang mali. Kung mayroon man, Sean has nothing to do with anything! Nananahimik 'yong tao, 'wag nating hilain sa wala lang!"
BINABASA MO ANG
Hues of an Abstract Mind (Arte del Amor #4)
RomanceArthemisia Pierre couldn't quite get how the world revolves around concrete, material things. In her eyes, the world is nothing but a place full of hidden mysteries and meanings, but no one saw it that way except her. She wanted to be understood, an...