Chapter 1

73 6 0
                                    

"WHAT?!" malakas na sigaw ko.

Pambihira naman kasi mag-joke si Kuya. Naman oh!

"Wala ka nang magagawa Ness! My decision is final. You'll go to that school, period." sabi ni Kuya tas umalis at iniwan akong nganga.

Kainis! Yan kasi! Dahil sa pagka-hilig sa anime, kung ano-ano nang mga IMPOSSIBLE ang sinasabi.

Kahit anong sabihin niya, di ako maniniwala noh?

Sino ba namang hindi maiinis? Ganito kasi yun...

*FLASHBACK*

"Happy 18th birthday Ness!" bati ni kuya sa akin.

Well, birthday ko nga ngayon. At last 18 na rin ako. Pero, ang nakapagtataka lang, ay may nararamdaman akong kakaiba simula kanina paggising ko.

"Uh, Nessa, may sasabihin sana ako sa 'yo." biglang sabi ni kuya kaya tiningnan ko siya.

"Ano naman iyon at mukhang serious ah." pansin ko kasi ang seryoso ng mukha nya.

"May kailangan kang malaman." seryosong sabi niya.

Sa totoo lang, nababaguhan ako sa mga kilos ni Kuya ngayon, palabiro kasi yan eh. Pero ngayon, ibang-iba sa nakasanayan ko. Yun bang sa sasabihin niya nakasalalay ang pagwala ng corruption sa bansa.

Pumunta siya sa sala at umupo sa sofa kaya sumunod rin ako at tumabi sa kanya. Nanatili kaming tahimik at nagpapakiramdaman. Kinakabahan ako sa totoo lang. Iba kasi ang klase ng sitwasyon namin. Parang ang awkward.

"Anong sasabihin mo kuya?" basag ko sa katahimikan kasi kinakabahan na ako sa maaari niyang sabihin. Ewan ko kung bakit ko nararamdaman to.

Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"It's about your ability."

Ability?

As in, abilidad?

"Ability? You mean, yung pagiging magaling ko sa drawing?" kunot-noo kong tanong. Ano naman ang kinalaman nun?

"It's not that. Your ability, kumbaga powers. Yan ang ibig kong sabihin." seryoso pa rin niyang sabi.

Loading...

0%

50%

90%

Processing...

Analyzing...

99%

Failed!

Weh? Ano daw? Powers? Anong kalokohan to? Grabe, 99% na sana, nagfailed pa. Di ko sya magets!

"Kuya, nagbibiro ka ba?" tanong ko.

Baka kasi gino-good time lang ako nito eh. Like duh? Powers? Luh? Ano to? Fantasy? Sa mundong to ng mga millennials? Huh! Patawa.

"Sa tingin mo, nagbibiro ako sa oras na to?"

Sabi ko nga. Seryoso sya. Natahimik ako.

"Ang kailangan mo lang munang gawin sa ngayon ay tumahimik at makinig okay?" Tumango nalang ako.

Like duh? When is me maingay? I'm always tahimik kaya. Tumikhim ulit siya saka sya nagsalita.

"We're not normal people.--"

"Sinasabi ko na nga ba!--" putol ko agad sa sasabihin niya.

"Aray naman!" Binatukan kasi ako ni kuya, and yeah, di ako nakapag-defense. Sinasabi ko na nga ba talaga at di normal tong kuya ko eh! Tsk!

"Makinig kasi muna diba? Okay. We are mages. If your asking what is a mage. Well, let us say, a wizard. Our ancestors were mages kaya obviously, kasali rin tayo. Ang ibang katulad natin ay pinalaki bilang normal para protektahan laban sa kampon ng kadiliman."

Oh? Kanina, powers lang. Ngayon, may kampon churva na. Ewan ko kung ano ang dapat na maging reaksyon ko sa mga sinasabi ni kuya ngayon. Dapat ba akong matawa? Kampon? Huh? Lul.

"Yung iba ay dun lang sa mundo natin pinalaki. At iyon ang mga anak ng mga protector. Tini-train na sila para maging protector din . Ang mga katulad mo, natin rather, ay ang mga anak ng mga normal mage o di kaya ay mga may royal blood. At tayo---" Pinutol ko na ang sinasabi ni kuya kasi ang hirap nang i-absorb sa utak ko eh.

"Teka teka teka lang ha? Deritsuhin mo na nga kuya. Gulong-gulo na ako dito eh. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung tatawa ba ako o maniniwala sa mga sinasabi mo dyan eh. Itigil na nga natin tong kabaliwang to!" sabi ko at tatayo na sana pero pinigilan nya ako.

"Sabi ko manahimik ka at makinig muna. I don't need your reaction. I just want you to know the truth!" pasigaw na sabi ni kuya.

Nagulat ako dahil ito ang first time na ginamitan nya ako ng ganung tono. Nasaktan ako, syempre pero naisip ko na kailangan ko munang makinig kay kuya kahit na hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi nya.

Bumalik ako sa pag-upo but this time, sa harapan na niya since may upuan naman doon. Ayaw ko munang tumabi sa kanya, nakakatakot kaya siya pag seryoso sya.

"Narinig ko yan." seryosong sabi niya. Narinig? Anong pinagsasabi nya?

"This is one of my ability. To read other's mind." kalmadong sabi nya.

WHAT?! ANO RAW?!

"Oo nga sabi. Makinig ka na." sabi nya at this time hindi na sya tulad kanina na sobrang seryoso. Nakakatakot iyon.

"So, ituloy mo na." sabi ko.

"Yun nga, at tayo ay ang mga anak ng Reyna at Hari sa kaharian natin. In other words, you are the Princess and I'm the Prince"

Now, what was that? Princess? Prince? Seriously? Ano kami? Royal family?

" Hanggang ngayon, hindi ka pa rin naniniwala?

"Continue" yan nalang ang nasabi ko.

" At once na mag-18 ka na, that's the time na lalabas ang mga kapangyarihan mo. Diba may naramdaman kang kakaiba kanina paggising mo?"

Tumango nalang ako since totoo naman iyon. So, part iyon sa paglabas ng kapangyarihan ko?

"Yes."

Nagulat ako sa biglang pagsagot ni kuya sa tanong ko. So, totoo nga? Amazing!

"Mas amazing ang mga tinataglay mo, Ness."

Talaga? Huh! Aside sa pagiging maganda, magaling magdrawing, sumayaw, di sa nagmamayabang, matalino. Ano pang di amazing dun?

"Kumanta. Di ka marunong kumanta" wangya. Pinakamasakit na katotohanan sa tanang buhay ko. "Enough of your questions, malalaman mo rin yan pag andun ka na. And by the way, dun mo na ipagpatuloy ang pag-aaral mo."

*END OF FLASHBACK*

At yun, maniniwala na sana ako dun sa sinasabi niya eh, pero dahil sa sinabi nya, bumalik ang pagka-inis ko. Ayaw kong umalis sa university na pinapasukan ko. Gusto ko dun eh, andun ang mga kaibigan ko. Ang mga barkada ko. Hay, pano na'to?? Mag aadjust na naman?

Nagulat ako sa biglang pag-ilaw sa bandang bewang ko. Pagtingin ko...

---

--KanaBitterGummy

White Mage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon