Chapter 4: 5:00 in the Morning

12 1 0
                                    

Sa dinami-rami ng tao sa mundo, si Ryu pa?! Si Ryu pa na former classmate ko sa dati kong school.

"Oh? Natulala kana dyan?" Pansin ni Aemei sakin.

"Ah. Wala" sabi ko saka tumayo para ilagay ang mga damit ko mula sa maleta sa closet. Ang daming damit ang nadala ko. Kaya umabot ng almost hour bago ako natapos. Tumingin ako sa wrist watch ko at nakaramdam ako ng gutom ng malapit ng mag 2:30 at di pa kami nagla-lunch.

"Guys? Tapos nako. Kain tayo? I know na di pa kayo kumakain si--"

"Ayun naman pala, tara na! Tayo ka na Rance!--Aw! Ano ba?! Naha-hobby mo na yang pagbato sakin! Ididis-own na talaga kita"

"Ingay mo. Tara na nga!"

And their little fight ends there. Nagpunta kaming cafeteria para bumili ng makakain. After that, ay bumalik kami sa dorm saka nagpahinga, since may klase na agad kinabukasan.

11:30 na pero di parin ako makatulog. Papalit-palit na ako ng pwesto sa kama pero ayaw pa rin. Ugh! Bumangon ako sa kama saka umupo.

"Di ka makatulog?" Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses. Si Rance.

"Yeah. Namamahay"

"Play mo nalang yung nasa playlist mo? Ganun kasi ginawa ko nung bago pa ko dito. Mahirap na kung puyat ka ngayon at baka makatulog ka sa klase bukas. May terror pa naman tayong teacher bukas. Sige ka" Terror teachers? I'm used to it na. Madaming terror teachers sa former school ko, kaya nga lang binabalewala lang namin. Pano? Mga pasaway na students e haha.

"And oh! When I say terror, talagang terror sya. Hwag mong igaya sa former school mo. Remember, kung may ibang klaseng abilities ang mga students, how much more pa sa mga teachers diba? Mga teachers na, nagtuturo satin kung pano mapagana at mapahusay ang mga ability natin" Oo nga no? How much more pa sa teachers? Well, kung ikukumpara nga siguro dun sa former school ko, mukhang Ultra Mega Terror ang teachers dito.

Teka- Wait? Totoo ba tong nakikita at naririnig ko? Agad akong napatingin sa kausap ko. Oh-My-God! Totoo nga! Si Rance talaga tong kausap ko.

Bakit ang daldal nya?

Ba't gising pa sya ng ganitong oras?

Di pa ba sya inaantok?

Bat nag-iba agad yung Rance na kilala ko kanina?

"Pfft. Haha ba't ka nakatingin sakin ng ganyan? Di ba kapani-paniwalang ako to? Sobrang ganda ko ba sa gabi?" Sabi nya, at saka finlip ang buhok nyang hanggang gitna ng likod nya.

"Oo nga. Ang ganda mo lalo na pag gabi. Di kasi kita ang beauty mo. Hahaha-- Opps! Wag mo kong babatuhin"

Tawa ako ng tawa habang sya, well, naka pokerface. What's new? Kaninang umaga pa lang kami nagkakilala nitong babaeng to pero alam ko na ang ugali nya.

"Buti at di nagigising tong isang to" sabi ko sabay nguso ko kay Aemei

"Tss. Yan pa?! Tulog mantika kaya yan! Kahit anong ingay na, di pa nagigising. Buti nga't nauso ang tubig at yelo e. Dahil tuwing may pasok kami ay binubuhusan ko lang sya nun. In that way, basa na sya agad at di na sya makakatulog uli. Haha ang bait ko no?

Oo. Grabe! Ang bait-bait mo. Tsk.

Kung sa former school ko, nagrereklamo ako dahil 7:30 ang klase ko at talagang napakaaga yun para sakin. Pero pag tinamad ako, lumiliban ako at sa second subject na papasok. Ang bait ko no? Yeah, I know.

Pero mas worst pa pala dito.

"5 more rounds pa around the oval! Move!" Sigaw ng PE teacher namin. Wengya. Pagod na ako. Nakakatatlong ikot pa lang kaya kami. First day ko para sa classes ko pero eto na ang ginagawa ko, pano pa kaya sa next subjects?

"Kaya mo yan Ness. Haha masasanay ka rin. Pare-pareho lang tayo nung first time. Bat ganon? Di ka ba nagjo-jog? Para kasing di ka sanay e"

"Yeah. May asthma ako" malalim na ang paghinga ko. Dahil na rin siguro sa di ako sanay magjog. Like duh? Ginising kami ng 5:00 in the morning para magjog. Well, except for Aemei, tulog mantika e. Kaya ayun nabuhusan ni Rance ng tubig na may yelo.

"Huh? Okay ka lang ba? Namumutla ka--" Napatigil sya sa pagsasalita dahil huminto ako sa pagjog. At napahinto din yung mga nasa likuran ko. Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabilang tuhod at hingal na hingal na ako.

"Mauna ka na. Iinom lang ako ng tubig dun sa may bench"

"'Ya sure? Pwede naman kitang-- Ohmaygash!"

Nanlalabo ang paningin ko. Nagiging dalawa si Aemei. At nahihilo na ako. Natumba ako sa taong nasa likuran ko at buti naman ay nasalo nya ko. Nakita ko namang naglingonan ang mga classmates ko at agad na tumakbo papalapit sakin si Aemei at Rance. Pero bago pa nila ako mahawakan, everything went black.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

White Mage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon