Chapter 3: Dorm-mates and the Bully

102 5 1
                                    

*toktoktok*

"Come in"

Binuksan ni kuya ang pinto tapos tumambad ang isang malaking opisina. OMG! Hindi ko ine-expect to. Pano, ang liit kasi kung ibabase mo sa labas pero sa loob ang laki, hindi na ito simpleng opisina lang.

"TITA!!!"

Tinawag ni kuya ang isang babaeng nasa mga 40 to 45 ata ang age. Pero infairness ah, ang ganda pa rin niya. Magkasing-tangkad sila ni kuya. Maputi rin siya. Basta, maganda siya period. Tumayo yung babaeng tinawag ni kuya na Tita tapos nagyakap sila ni kuya. ??? Honestly, hindi ko kilala ang babaeng to na tinatawag ni kuya na TITA. Pero...familiar ang mukha niya. Kumalas na sila sa yakap and this time, sa akin na naman siya nakaharap.

"Oh my!! Ito na ba si Ness? WOW!! Ang laki na niya ah! Last time I saw her she's just .. hmm .. 4 years old? I don't know! Oh my! How are you, dear? Did you have some fun? How's the outside world? I'm sure, you've gain LOT of friends!"

"Ahh..." at pinutol nanaman niya ang sasabihin ko.

"GOD! Kian naman kasi! Bakit ngayon mo pa dinala dito si Nessa? Yan tuloy! Ayyy! Why don't you bring her to Hope na muna? I'm sure he'll be glad to see her."

"Opo Tita, ako nang bahala dito sa makulit na to. Haha. Kanina nga, galit na galit eh. Pinaglakad ko kasi galing sa entrance.. hahahaha!" kuya

"Hahahahaha! Ang pilyo mo talagang bata ka! Kaya naman pala nakabusangot pagpasok eh! Ilang kilometro ba naman yung pinalakad mo. Sana sumakay na lang kayo sa sasakyan niyo. Asan na nga pala ang sasakyan mo? Sinong pinakuha mo?" Tita.

"Para naman makapag-exercise yan, napaka tamad niyan eh, hahaha. Tsaka si Edward nalang yung pinakuha ko-"

"So ang ibig sabihin, pwede pala ipasok ang sasakyan dito?! At pinalakad mo ako ng pagka layo-layo kasi TAMAD AKO?! HA?! GANUN BA?!"

"Shhh! Ang ingay mo talaga Ness! OO NA! Eh sa ang tamad mo naman talaga ahh!"

"Aishh!" lumabas nalang ako sa opisina ng Tita RAW namin. Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Alam naman niya na madali akong mapagod eh! Tsk!

"Ness! Wait up! Ness! YOHOO! NESS! NESSA! HEY!"

"Ano na naman ba?!" mainit ang ulo ko ngayon. Hindi pa ako nakakapag-lunch kaya GUTOM ako ngayon!!

"Kasi naman eh!" sabay pout. "Sorry na! Akala ko kasi, magugustuhan mo yung view! Alam ko naman na may pagka-nature lover ka eh."

"SA TINGIN MO MAEENJOY KO PA YANG VIEW NA SINASABI MO EH GUTOM NA AKO?!" galit na talaga ako kaya nasigawan ko siya. Pero nung narealize kong marami ng nakatingin ay napahinahon naman ako. "Kuya naman... Alam mo naman na hindi ako pwedeng mapagod. Tapos ginutom mo pa ako. Hindi na nga ako nakapag breakfast ng maayos eh, kasi excited ka masyadong pumunta rito. Look, its already 3 in the afternoon. For hours we've been travelling tapos hindi mo pa ako pinag snack man lang. Tapos, paglalakarin mo pa ako. So sa tingin mo? Sinong hindi magagalit nun?"

"Sorry na Ness~ Na excite lang kasi ako. Alam mo na. First time mo dito sa WMA, gusto ko sanang itour ka dito. WMA had been my home since I enter here, and I want you to feel the same. Ness, I don't want you to think na nilalayo kita sa buhay mo noon. To your friends. I'm sure naman na makakakita ka rin ng mga magiging kaibigan mo rito." he explained.

"It's not like that naman Kuya eh. It's not like, I really have friends at my old school... But, you know. I know naman kasi na, sa oras na pumasok ako rito. Hindi na magiging katulad ng dati ang lahat. Maraming magbabago."

"I'm sorry." hinging paumanhin ni Kuya.

"Sorry? For what?"

"Na hindi kita agad na-introduce sa buhay nato. Alam ko unfair na hindi ko sinabi agad sayo ang lahat ng ito. Pero, gusto ko kasi na maranasan mo rin na maging normal. Ayaw ko na maging mangmang ka sa mga nangyayari sa labas ng Academy nato."

White Mage AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon