Chapter 5

102 3 0
                                    


Kabanata 5..

PALUBOG na ang araw ng bumalik si Layla sa hospital. Sandali lang naman silang nag usap ni Gernie at nag paalam na rin ito kaagad, ang dahilan may pupuntahan daw ito kesyo.

Pero bago sila naghiwalay nito nag pasya silang bukas na lang ulit magkikita para sa nasasabik nilang pag a apply sa isang mall. 

Minsan maikukumpara talaga niya ang sariling buhay sa mga kaibigan. Lalo na kay Gernie. Hayahay kase ito. Matapos, bumuga siya ng pag hinga para maibsan nang kaunti ang nagsisimulang paninikip ng kaniyang dibdib. 

Pinihit niya ang serendura nong nasa harapan na siya ng pintuan, matapos bumukas iyon at ang bumungad sa dalawang mata niya ay ang nakatalikod na doctor pati ang kaniyang Tatay ay ganoon din. Masinsin na nag uusap ang dalawa. Tahimik na humakbang siya papasok na akala niya hindi siya mapapansin ng mga ito ng biglang lingunin siya. 

"Magandang hapon po doc." bati niya, "Magandang hapon din po 'Tay. Ano pong balita kay Nanay?" tanong niya sa dalawa, matapos bumaling siya ng tingin sa inang itsurang mahimbing lang na natutulog sa kama. 

"Magandang hapon din iha." sagot namam ng doctor ng makaharap sa kaniya, matapos tumingin ito sa kaniyang ama. 

"Naghilom na ang pamamaga ng kaniyang batok, tanging pag mulat na lang ng mata niya ang hinihintay natin." tumango sa magandang balita ng doctor, "Okay naman ang heartbeat ng puso niya, ngunit may maliliit akong ugat na nakitang namamaga sa may batok niya. Maghihilom din 'yon ilang araw. Sa ngayon oobserbahan muna natin kung ano pa ang makikita ko..." mahabang ulas nito.

"Pero wala pa akong kasiguraduhan kung kailan ba siya magigising. Hindi ko masasabi kung kailan. Tiyak medyo matatagalan pa ang pamamalagi n'yo rito kung hindi pa rin mumulat ang mata niya." marahan siyang tumango sa narinig. Hindi 'man niya narinig ang tungkol sa babayaran nila tiyak expect na niyang malaki-laki iyon oras na magtagal pa sila sa loob ng hospital. 

"Nasa Tatay muna ang mga dapat bibilhin na gamot. Pumunta na lang kayo ng botika at bilhin na lang, pero ang iba naman ay free ninyong makukuha. Pakitawag na lang ako sa information kung nabili na ninyo ang dapat bilhin para maipasok na natin sa loob ng dextrose niya." 

"Mauna na 'ko at may naghihintay pa sa 'kin sa kabilang kuwarto." magalang na paalam ng doctor.

"Salamat po, doc." Tumango ito at tumalikod na sa kanila.

Nagkatinginan sila ng kaniyang Tatay ng mawala sa loob ng kuwarto ang doctor. Bumaba ang paningin niya sa hawak nitong papel, at hindi siya nagkakamaling iyon ang mga dapat bilhin. Lumapit siya sa ama at nilapad ang kamay rito, hudyat na iabot sa kaniya ang hawak nito. 

Nangilid ang luha niya ng makita ang sunod-sunod na dapat bilhin. Hindi na niya maaninag kung magkano ba ang mga presyo dahilan nanlalabo na ang kaniyang dalawang mata pero nahuhulaan niyang aabot ito ng sampong libo o hindi lang. 

Kulang ang hawak niyang pera, nasa anim na libo lang iyon. Bigay iyon ni Nica at ni Gernie na pinagsama niya ngunit 'di sasapat iyon. Mabuti na lang may mga mabubuti siyang kaibigan na handa siya tulunhan ngunit saan niya hahagilapin ang kulang? 

Tila s'ya nauupos na kandila kaya ginawa niyang maupo sa upuan at saka mabilis na pinunasan ang luhang pabagsak, sinundan naman siya ng kaniyang ama at naupo din.

"Kumusta po maghapon ninyo 'Tay?" 

"Okay naman ako anak." Saka bumuga ito ng malalim na paghinga bago magpatuloy magsalita, "Malaki - laki anak ang kakailanganin natin pera," sa boses hindi maitago ang lungkot at pangamba. 

My Boss' PUNISHMENT (Playboy Of The Year Series #4)Where stories live. Discover now