Promises

5.3K 110 27
                                    

"I love you Ziel..." Malambing na sabi ng gwapo kong boyfriend.

"I love you too Darren." Niyakap niya ako ng sobrang higpit na para bang ayaw niya akong mawala

"Baby di ako makahinga." Malambing na bulong ko sa kanya agad siyang humiwalay sakin at tinitigan ako sa mata

Punong puno ng pagmamahal yung mga titig niya, yung titig na alam mong para sayo lang? Ganyan yung titig niya sakin ngayon na parang ako lang yung nagiisang babae sa paligid niya.

"Ganda ko no?" Pang aasar ko dito, ngumiti naman ito bilang pagsangayon.

"Sobra baby. Ikaw ang pinakamaganda para sakin ay kayo pala ni mama, Pakiss nga." At hinila ako neto para halikan sa labi.

"Woah baby nakakaadik isa pa nga!" Akmang hahalikan niya ulit ako ng pigilan ko ito.

"Hep hep! Tama na pda masyado." Tumingin ako sa paligid at nakita kong ang daming nakatingin samin.

Agad kong hinila ang tatawa tawang si darren palayo sa lugar na iyon.

"Uy, ang baby ko nahihiya hahaha!" Sinamaan ko ito ng tingin agad naman siyang huminto sa pagtawa at niyakap ako.

"Sorry baby, ang cute mo kasi ilove you." Doon nako napangiti at niyakap na din siya mahal na mahal ko talaga tong lalaking ito.

Lumipas ang mga araw na masaya padin kami mahal niya ako at mahal ko din siya at ngayong araw na ito ang 3rd anniversary namin. Yes 3 years na kami simula 1st year second sem kami na at ngayon ay 4th year na kami malapit ng grumaduate.

Nandito ako ngayon sa harap ng gate ng school namin, nag tataka nga ako dahil wala masyadong pumapasok.

Nag goodmorning ako sa guard at ganundin siya kakaiba nga yung ngiti niya sakin eh.

Naglakad nako papasok at halos malaglag yung panga ko dahil sa nakita ko.

May malaking heart shape na red roses na naka form sa gitna ng field at sa gitna non ay naka form naman yung 'Happy 3rd anniversary ziel i love you baby.' Naiyak ako sa nakita naiiyak ako sa saya na nararamdaman ko.

At halos lumundag sa lakas ng tibok yung puso ko ng makita ko siyang may hawak na flowers at lalo akong naiyak ng biglang nagsilabasan yung mga studyante at sabay sabay sumigaw ng "Happy 3rd anniversary sa inyo mahal na mahal ka daw ni darren." Lumapit sakin si darren at binigay ang mga bulaklak na hawak niya

"Thank you thanyou." Mas lalo akong naiyak ng niyakap niya ako ng sobrang higpit

"Shh baby wag kana umiyak alam mo namang ayokong nakikita kang umiiyak." Pag aalo niya sa akin.

"I love you Darren forever and always i love you i love you." Nakita kong ngumiti siya at dinampian ako ng halik sa labi.

"I love you too Ziel mahal na mahal din kita."

Nakaupo kami ni Darren sa sofa ng bahay nila yakap yakap niya ako at nakasubsob yung muka niya sa leeg ko.

"Baby pakasal na tayo..." Nagulat ako sa sinabi niya hinarap ko siya

"Pero Darren nag aaral pa tayo."

"Ay oo nga pala di bale malapit na naman ang graduation natin baby kaya mapapakasalan na kita."

"Weh? Totoo papakasalan moko after graduation? Di kana magmamahal ng iba ako lang?" Madaming tanong ko na nagpangiti sa kanya

Kinurot niya ang pisngi ko at dinampian ako ng halik sa labi.

"Oo baby promise, promise hindi kita sasaktan paiiyakin. Promise ikaw lang ang mamahalin ko ikaw lang ang papakasalan ko." Seryosong sabi niya

"Promise?" Pangsisiguro ko sa pangako niya.

Broken PromisesWhere stories live. Discover now