2

3K 87 20
                                    

"Mommy! Mommy!" Agad kong hininto ang pag do-drawing ko at hinarap ang pogi kong anak.

"Bakit baby ko?" Malambing kong tanong ikinandong ko ito sa akin at niyakap.

"I can't sleep mommy." Nakasimangot na sabi nito.

"So? You want to sleep beside me?"

"Yes mommy, I wanna hug you din po." Napangiti naman ako sa sinabi ng anak ko ang cute cute. I kissed the tip of his nose bago tumayo.

"Alright baby." Inihiga ko siya sa kama at hinalikan ang noo.

"I love you mommy good night po." He kissed my cheek and then hug me.

"I love you too baby. Goodnight and sleep well." Di nag tagal ay nakatulog na ito habang yakap yakap ako. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan siya kamukang kamuka niya. Ang nakuha lang sa akin ay ang labi nito.

His name is Nieldrin klein Lu my 3 years old son siya na ngayon ang buhay ko siya na din ang lakas ko sa kanya na ako kumukuha ngayon ng lakas kapag may mga dadating na pag subok iisipin ko lang siya at lalakas na ako at kapag kasama ko siya hindi ako pinanghihinaan ng loob mahal na mahal ko ang anak ko siya ang buhay ko.

Nieldrin Klein Lu, apelyido ko ang gamit niya pero ganun pa man nagawa ko pa din isunod sa pangalan niya ang pangalan ng anak ko at ang Nieldrin ay nakuha sa pangalan namin. Hindi naman masama diba? Pangalan lang naman ang kinuha ko hindi siya.

Hinahaplos haplos ko lang ang buhok niya hanggang sa antukin na din ako.

Pag gising ko kinabukasan humalik muna ako sa anak ko at agad akong bumangon upang magluto ng agahan para sa amin ni Nieldrin.

Habang nagluluto ako biglang may yumakap sa mga binti ko napangiti nalang ako dahil doon.

"Morning po mommy labyu." Yumuko ako para mapantayan siya at hinagkan ang pisngi niya.

"Good morning too baby. How was your sleep?" Malambing kong sabi dito.

"Good mom. Tapos po nanaganip po ako dumating na daw po yung daddy ko." Bigla akong natigilan sa sinabi ng anak ko.

"A-ano kakain na!" Binuhat ko na siya at pinaupo sinandukan ko siya at sinubuan.

"Mommy I can eat by my self po. I'm a big boy na eh." Napahalakhak nalang ako sa sinabi niya.

"Oks baby. Pag katapos mo diyan take a bath na oks?" Tumango tango naman ito sa sinabi ko.

Habang kumakain kami ng anak ko biglang nag ring ang phone ko. Si Marie tumatawag bestfriend ko siya simula first year college palang kami.

"Hello Marie?" Pagsagot ko sa tawag nito.

"Ziel! Ano pupunta ka ba? Bukas na iyon." Ang tinutukoy niya ay yung reunion ng Batch namin.

"Hindi ko pa sure eh." Ayoko kasing iwan si Nieldrin.

"Please pumunta ka na. Minsan lang to mangyari please para kumpleto na lahat mamaya please." Pakikiusap pa nito.

"Eh.."

"Sige na please masaya to sumama ka na please ikaw nalang ang hindi pa umo-oo sa batch natin." Napabuntong hininga nalang ako.

"Sige sige. Ayoko namang matawag na Kj." Pag suko ko dito.

"YES! Sige sa beach tayo bukas text ko sayo yung address, at sabay na tayo bukas okay pupunta ako diyan sa inyo. Overnight kaya magdala ka ng swimsuit okay?"

"Oo na sige na."

"Sige bye Ziel." Saktong pagbaba ng tawag ay may bumulong sa tenga ko galing likod.

Broken PromisesWhere stories live. Discover now