4

2K 67 1
                                    


"Ziel, kailangan ko nang umalis may nangyari sa bahay hindi ako makakasabay sa iyo sorry." Sabi ni Marie at nag mamadaling lumabas ng kwarto ko.

Hinabol ko ito at pinigilan.

"Teka! Ano ba yang sinasabi mo?! Anong nangyari?!" Naluluha itong tumingin sa akin,

"Ang mama ko Ziel, sinugod sa hospital." Yumakap ako sa kanya, naawa ako sa kaibigan ko. Kahit hindi niya sabihin alam kong malaki ang problema niya.

"Okay sige go, mag iingat ka huwag kang mag alala kaya ko sarili ko dito. Kaya ko umuwing mag isa." Sabi ko sa kanya.

"Sino naman ang sabing uuwi ka mag isa? Ziel hindi ko naman hahayaan yon, ako ang nagdala sato rito kaya sisiguraduhin kong nasa ligtas ka."

"Sino ang kasabay ko?" Nagtatakang tanong ko, hindi pwedeng mga tropa ko dahil alam kong busy yon sa kanilang mga asawa.

Nakaramdam ako ng isang presensya sa likod ko at agad akong kinabahan.

"Ayan si Darren oh, nag volunteer siya na mag hahatid sayo. Okay lang naman diba?" Sabi niya, mag sasalita pa sana ako ng mag salita ulit ito.

"Kailangan ko na talagang umalis Ziel sorry, Darren ikaw na muna bahala sa kaibigan ko at thank you sa pag inbinta na pumunta dito sa resort mo. Bye!" Ayun lang at natataranta na itong umalis.

Napasabunot ako sa buhok ko. Si Marie talaga sa dinami dami namang ng tao eh.

"Ako na ang mag hahatid sayo, at sa ayaw o gusto ihahatid kita." Humarap ako sa kanya at sumimangot.

"Ayoko! Bahala ka sa buhay mo, at resort mo pala to no? Big time ka na pala." Ngumisi ako dito pero isang matamlay na ngiti lang ang binigay nito.

"Itong resort na to? Matagal ko na to pinag iipunan, para sa isang importanteng taong mahal na mahal ko. Dito ko balak mag bakasyon kasama siya, yung kaming dalawa lang at walang ibang tao, kaso wala eh. Huli na ako..." Titig na titig ito sa akin.

"Talaga? Dito mo balak dalin si Daisy pero hindi na kayo makakapag enjoy o solo, kasi nga may anak na kayo na mang iistorbo sa mga gusto mong gawin kasama siya tama ba?" Napahalakhak ako. Kung ano ano na ang naiisip ko sa sinasabi niya.

"Hindi ka pala magandang maging tatay ng isang bata, dahil yung anak mo iiwan mo para sa pansariling kasayahan mo tama ba?" Hindi ko alam pero tinamaan ako sa sinabi ko, naluluha ako kasi ganon naman talaga, iniwan niya kami ng anak namin para sumama sa iba at mag pa kasaya.

Tinitigan ko siya at nakitang naguguluhan ito.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Ziel, hindi kita maintindihan wala naman akong sinabing si Daisy-" Masama ko siyang tiningnan.

"Talagang hindi mo maiintindihan! Dahil mas pinili mong tumalikod kesa humarap at intindihin ang mga nangyari!" Gigil na sabi ko rito.

"Ziel..." Malungkot at naguguluhan na tumitig ito sa akin, tumalikod nalang ako sa kanya. Gaya ng pag talikod niya sa mga responsibilidad niya sa akin. Sa amin ng anak namin.

Pabalibag kong sinarado ang pintuan ng kwarto namin ni Marie.

Badtrip na badtrip talaga ako ngayon dahil sa kanya, ayoko nga sa presensya niya tapos ipipilit niya pang ihatid ako sa amin? Aba matindi! Kapal ng muka ng hayop! Akala niya ba okay na lahat sa pagitan namin? Muka atang nakalimutan niya ng ginawa niya sa akin dati kaya ganon umasta ang kupal.

Hindi ako bitter! Talagang mahirap lang makalimutan ang mga ginawa niya, mahirap kalimutan at mahirap patawarin.

At staka kung siya ang mag hahatid sa akin, baka makita niya pa ang anak ko. Wala akong balak na ipakilala siya sa anak ko, masaya na kami at hindi namin siya kailangan.

Tumunog ang cellphone ko senyales na may tumatawag sa skype ko, automatic kasi ito dahil may wifi naman dito.

Napangiti ako ng makitang si Rozen ito, agad kong sinagot dahil alam ko namang anak ko ang bubungad dito ngunit hindi. Nagkamali ako, muka ni Rozen ito at mukang stress at natataranta.

"ZIEL!" Natataranta at kinakabahang tawag nito sa akin, agad akong kinabahan. Jusko huwag naman sana.

"Rozen? Huminahon ka! Ano bang nangyayari?"

"Ziel si Nieldrin inatake nanaman ng hika niya! Nandito kami ngayon sa ospital, dinala ko na siya agad dito dahil nahihirapan na siyang huminga. Ziel uwi kana please? Hindi ko alam gagawin ko si Manang wala naman dito, nag paalam siya na makikipagkita sa anak niya at pinayagan ko naman." Jusko po, ang anak ko. Alam kong hindi kaya ni Rozen mag isa don kahit alam kong lalaki yan at malaki na, wala siyang alam sa pag aalaga ng isang batang may hika.

"Okay, kumalma ka muna diyan okay? Papunta na ako itext mo sa akin kung saang ospital yan." Tumango ito sa akin, wala na akong sinayang na oras at nag ayos na ng gamit at lumabas.

Pero shit, kanino ako makikisakay? Wala namang uuwi na at karamihan ay tulog pa.

Napasabunot ako sa buhok ko, napakalayo pa ng sakayan ng Taxi dito.

Nagulat ako ng may umagaw sa dala kong gamit at humawak sa kamay ko, pag tingin ko si Darren pala ito.

Inagaw ko ang kamay ko palayo sa kanya.

"Alam kong kailangan mo ako ngayon, kalimutan mo muna ang lahat ngayon kailangan ka ng anak mo." Seryosong sabi nito at agad ako pinasakay sa kotse niya.

Huminga ako ng malalim, shit bahala na kailangan ako ni Niel ngayon.

Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan at sinabi ko na kung saang ospital naka confine ang anak ko.

Wala kaming imikan habang bumabyahe, nagulat nalang ako ng may kamay na humaplos sa kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon.

"Magiging maayos din siya." Tumango nalang ako at agad na tinanggal ang kamay niya na naka hawak sa kamay ko.

Nang tumingin ako sa kanya, malungkot niyang inilayo ang kamay niya sa akin at nag iwas ng tingin.

Nang makarating kami sa ospital, agad kong nakita si Rozen na palakad lakad, ng makita niya ako.

Agad niya akong nilapitan at niyakap, niyakap ko din siya at tiningala.

"Huwag ka ng kabahan nandito na ako." Tumango naman ito sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko kaya hinigpitan ko rin ang hawak sa kanya.

"Nasan na siya Rozen?" Marahan niya akong hinila at bago pa kami tuluyan makapasok sa isang private room, nakita ko si Darren sa isang tabi at malungkot na nakatingin sa mag kahawak na kamay namin ni Rozen.

Broken PromisesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora