CHAPTER 7

3 2 0
                                    

CHAPTER 7

KINABUKASAN, wala rin akong nagawa kung 'di ang sumunod sa sinabi niya. I'm professional, remember? Kaya kahit anong pagngingitngit ko, pinairal ko na lang ang pagiging professional ko on my job and the fact that they are my client.

At dahil nga 'professional' ako, on time din akong pumunta sa hotel nila. Pero pagadating ko roon, hindi pa muna ako pumasok kaagad sa loob. Nanatili muna ako rito sa labas at tinitigan ko ng masama ang pangalang ngayon ay natatanaw ko rito sa labas.

Tsk! At talagang patatapakin niya ulit ako sa lugar na ito, 'no?

Sinubukan ko siyang i-text kahapon. Sabi ko, kahit hindi na lang kami rito magkita, kahit 'ka ko sa isang malapit na coffee shop na lang. Pero ang damuho, nakailang text pa muna ako maghapon bago siya nag-reply! Ibig ko na nga siyang tawagan nang muntik na 'kong mapuno para 'ka ko malaman ko man lang ang opinyon niya tungkol doon, pero saka naman siya nag-reply.

At alam niyo ba ang reply niya pa sa 'kin?

Mr.Secretary:

I'm sorry, but I can't. I'm busy. I can't leave the hotel just to meet you outside. Just come here tomorrow, we will talk about it here.

O, 'di ba? Saka siya biglang naging busy na akala mo napakahalaga ng bawat oras niya! Pero noong mga nakakaraang araw, nagagawa pa niyang mag-jogging during working days at mag-text sa akin ng pagkabilis-bilis na akala mo walang ibang inaatupag! Nakakapanggigil talaga!

Ayos na sana, eh. Napakalma ko na nga ang sarili ko para sa pagkikita naming ito ulit, pero bakit kailangan ko pang bumalik sa lugar na 'to? Lalo pa ngayon na nagawa na niyang sariwain ang nakaraan!

After all these years, hindi niya alam kung gaano ko inihanda ang sarili ko para makayanan kong tumapak ulit sa hotel na 'to na hindi na kumukulo ang dugo ko. Pero dahil sa pang-uungkat niya ng nakaraan noong isang araw, pinanariwa na naman niya sa akin 'yon.

Okay, OA na kung OA, pero ganoon ko talaga kinamumuhian ang mga bagay na magpapaalala sa kaniya sa akin. Lalo na siya mismo! Oo, mag-sa-sampung taon na ang nakakaraan mula nang mangyari 'yon, pero first ko 'yon, eh! Pinapanget niya ang first experience ko in having a relationship na maging hanggang ngayon, hindi ko magawang kalimutan.

Tapos alam niyo pa ang malala? Parang ako pa ang isinumpa! Dahil, imagine? After him, wala nang sumunod sa kaniya, na sana man lang ay bubura sa panget kong alaala sa kaniya! In that ten years, yes, wala! Tsk. Hindi ko alam kung ano ang gustong iparating sa akin ng tadhana.

Pagkatapos kong magngitngit sa inis sa aking sarili ng ilang minuto, naisipan ko na ring pumasok nang tuluyan sa loob ng hotel. Pero bago ko tuluyang magawa 'yon, sandamakmak na hinga ng malalim muna ang ginawa ko para pakalmahin ang sarili ko at pangungumbinsi na narito ako para sa trabaho, hindi para sa kaniya, which is talaga namang para sa trabaho lang. Never akong tatapak dito kung dahil lang sa kaniya.

"Professional ka, remember? So, go girl! Kayanin mo pa," pag-chi-cheer ko pa sa sarili ko.

I gladly greeted the receptionist when I came in with a wide smile on my face, then I introduced myself to her. "Hi, good morning! I'm Leanna Rose Aragon, event coordinator of Cuatro Chicas Event Services. Nagpunta na 'ko rito once, remember me?"

"Oh, yes, Ma'am! I remember you po," tugon nito at sinuklian din ang ngiti ko.

"Good to hear! Ahmm, I have a meeting today with Mr. Coronel, CEO's secretary. Where can I find him?" I asked.

"Ah, okay po. Wait a minute po," dinampot agad nito ang telepono at may kung sinong tinawagan doon, inanunsyo nito sa kausap ang pagdating ko. "Sige po, Ma'am. I'll tell her po. Thank you!" Binaba na rin nito agad ang telepono pagkatapos makipag-usap at muli akong hinarap. "16th floor po, Ma'am. Naroon na raw po si Mr. Coronel,"

Extensyon (EX SERIES 1)Where stories live. Discover now